PROLOGUE

1 2 3
                                    

Kulay asul at puti. Mga puno. Buhangin. Mga huni ng ibon sa paligid. Napakapayapa. Kailanman ay hindi nabigo ang lugar na ito upang payapain ang aking pag-iisip at kalooban.

Sa tuwing naguguluhan ako at gusto kong mapag-isa ay dito ako pumupunta. Malapit lang naman ang baybayin na ito sa amin. Isang baranggay lang ang layo at makakarating na ako sa matatawag kong "comfort zone".

Kaysarap pagmasdan ang mga batang masayang lumalangoy. Hindi nila alintana kung magbabago ang kulay ng kanilang mga balat pagkatapos maligo. Ang palo ng kanilang mga magulang ay hindi nila naiisip. Dahil sa kagustuhan nilang makasama ang kanilang mga kaibigan.

At speaking of kaibigan, tila kanina pa naghahagikgikan ang mga ito dito sa tabi ko. Nilingon ko sila at umiwas lang sila ng tingin.

Yung isa nagkunwaring may tinitignan sa malayo, yung isa naman, kinalikot ang hawak na cellphone na tila nagba-browse ng kanyang news feed, at yung leader nila animo'y naglalaro ng video game. Kaya itinuon ko na ulit ang paningin ko sa malawak na dagat, sa mga isla, sa mga palayan, sa mga batang nagkukulitan, at hanggang sa kayang maabot ng aking mga mata.

Aissshhh! Kahit kailan talaga naman... Panira ng moment! Alam ko na ang mitsa ng kaligayahan ng mga loko. Tumayo ako at hinablot ang cellphone ng leader nila. Nakarating ako sa medyo malayong lugar at kinalikot ang hawak ko.

Great! Tama nga ang hinala ko. Epic pictures. Tignan natin.

Habang papalapit sila kinukuhanan ko sila ng pictures gamit ang phone ko. May password 'to at hindi nila alam 'yun. FIRST defense. May nakatawa na kita halos lahat ng ngipin. SECOND defense. And worst, nadapa yung leader nila. VICTORY is mine!

Kita kong napikon yung leader nila dahil pinagtawanan namin siya ng pagkalakas-lakas. Kaya yung ibang naririto ay nakitawa rin. Naku! Lagot! Matampuhin pa naman si Kuya.

Habang nag-iisip ako ng maari kong gawin para hindi siya magalit sa akin. Bigla niyang nahablot yung phone.
Lutang moments pa more!

Wait. Cellphone? Kaninong.....

"Ano? Mali pa rin ba!" Tanong ng leader nila. Halata ang inis at pagka-irita sa kanyang tinig.

"Mali pa rin!" Sagot ni Rice. Iyong tropa kong makulit, palatawa, at masipag. Tinatawanan lang niya ang mga problema nila sa buhay. Sana magawa ko rin yun.

"Chill lang guys. May nagmamasid sa akin. Sa atin," halos pabulong niyang sabi at napataas naman ako ng kilay. Hello? Isang metro lang kaya ang layo namin sa isa't isa.

Ang mga mukha nilang nagtatanong ay biglang napalitan ng mas busangot na mukha. Bigla kasing tumawa ng malakas si Jed sabay takbo. Tapos ayun naghabulan ang mga bata. Gusto ko na sanang makihabol sa kanila kaso.....

"Akala niyo siguro si Lance yung nakatingin sa atin 'no? Bwahahahaha! Matagal nang---. Hindi natuloy ni Jed ang dapat niyang sabihin. Nang takpan ni Nikko ang bibig niya. Halos sabay-sabay silang tumingin sa akin.

Hindi na bago sa akin ang sitwasyon na ito. Almost two years nang ganito. I get used to it pero nakakalungkot pa rin.

Nginitian ko na lang sila para hindi na sila mag-alala pa.

"Tara! Uwi na tayo. Magpa-five na. Hanggang alas-tres nga lang ang paalam ko kay mama. Baka hinahanap na ako sa amin." Habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

"Siya ba," tanong ni Nikko na nagpatigil sa akin.

"A-ano?" Sagot ko sa kanya.

"Yung password?" Pabalik niyang tanong.

"Hindi. Kung kailan nangyari yun." Sabi ko at naglakad na paalis.

Second Chances (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon