CHAPTER 4

0 0 0
                                    

 
Gneiss POV
   
Kriiiiinngggggg!!!!! .
       Tunog ng phone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Hayssst! Sino naman kaya 'tong epal sa pagtulog ko?!

Kahit inaantok pa at gustong-gusto ko pang matulog ay sinagot ko ang tawag.

"Hello...." Sambit ko sa inaantok at tamad na tono sabay hikab.

"Good morning,Gneiss. Rise and shine! See you later," maganang tugon ni Max sa kabilang linya. At sa maniwala kayo't sa hindi ginising niya ako mula sa aking magandang tulog para lang dyan. Nakakainis!!!

"Tumawag ka para lang dyan!!! Nakakapikon ka alam mo ba 'yun," singhal ko sa kanya. Pero ang loko ay nakuha pang pagtawanan ako. Grabe na this!!!

"Oooppsss! Sorry. I didn't mean to ruin your mood and day. I just wanna hear your voice. Pikon ka pa rin pala hanggang ngayon. Bwahahahha," sagot niya na sigurado akong ikinasaya niya nang husto. At ikinainis ko naman. Lucky day for me I guess.

"Bahala ka sa buhay mo! Epal," pasigaw kong tugon sabay ng pag-end ko sa tawag.

Agad akong nanalangin at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos makapag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para mag-almusal.

"Good morning, bunso. Himala, aga natin ahhh," pangangantyaw ni kuya. Isa pa 'tong epal.

"Tsskkk! Binuwesit na nga ako ni Max dadagdag ka pa," inis kong sagot.

"Si Max. Umuwi sila dito. Kasama ba pati ang mga magulang niya," tanong ni mama.

"Siya lang po,ma. Si Max lang po ang nandito para mag-aral. Ang mga magulang po niya ay nasa hometown nila," paliwanag ko.

"Ohhh, sya sige. Mag-almusal na kayo at baka ma-late kayo sa mga klase niyo," utos ni mama.

Nagpatuloy na kami sa pag-aalmusal. Binaon na lamang ni kuya ang almusal niya dahil may tatapusin daw silang group project sa school na ngayon na ang deadline. Minadali ko lang ang almusal at mabilis na nilisan ang bahay pagkatapos ko humingi ng baon at makapagpaalam kay mama.

Maraming jeep na bumiyahe kaya mabilis akong nakasakay at nakarating ng school. At sa swerte ko nga naman, si Max pa ang bumungad sa akin. Nakangisi ang loko. Siguradong i-n-enjoy niya ang pambubulilyaso sa maganda kong tulog kanina.

"Hey, still mad at the most handsome guy on Earth," proud niyang tanong.

"Hindi. Pero sa'yo. It's a big yes," wika ko kasabay ng paglagpas ko sa kanya.

"Hey. Wait for me! I didn't mean it,ok. Look, I already said I'm sorry," pagsunod niya sa akin.

Nagpatay-malisya lang ako sa sinabi niya hanggang sa makarating ako sa room namin. Buti naman at 'di na sumunod sa akin yung epal.

Wala ang first two subject teachers namin dahil nagkaroon ng meeting ang faculty members. I chose to eat my snacks sa room. Baka masira na naman kasi ang mood ko kapag nakita ko si Max. Ang last two subjects namin sa umaga ay nag-iwan lang ng activity na ipapasa bukas.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell. Senyales na lunch break na. Una kong tinungo ang STEM room para ayain si Nikko at si Jed . Hindi ako nabigo dahil mabilis ko silang nakita.

"Hoy! Sabay na tayong mag-lunch," anyaya ko sa kanila.

"Anong ganap? Bakit bigla kang nag-aya," takang tanong ni Jed.

"Ahhhh, kasiiii. May ipapakilala ako sa inyo," sagot ko.

"Sino? Ohhhh myyyy gulay. Dalaga na si Gneiss. Yieeeeee!!!! May boyfriend na siya," nanunuksong tugon ni Jed habang tinutusok ako sa tagiliran na iniiwasan ko naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chances (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon