CHAPTER 3

0 1 0
                                    

Binilisan ko ang pagkain at mabilis na umalis sa cafeteria. Naglalakad na ako pabalik sa room nang biglang harangan ni Max ang daraanan ko.

"Anong kailangan mo," tanong ko sa kanya.

"Didn't you miss me", pabalik niyang tanong.

"Slight lang. Anong pinunta mo," tanong ko ulit.

"I'll enjoying my right to education. Have a problem with that," pabalik niya ulit na tanong.

"Sure? No hidden agenda," paniniguro ko.

"It comes from your own mouth. If  it's hidden, why would I tell you," tugon niya habang nakangisi.

"Sasabihin mo o di kita kakausapin," saad ko habang naka-crossed arms pa.
"Okay.Okay. Wala naman akong choice. Mom and dad want to apologize to you. So, I'm here to bring you at our house. The original one," saad niya na nagpahinto sa akin.

"Not now. Sa bakasyon na lang. Isasama ko---

He cuts me off. "No one is going to be with you in our way to our house except me," he said it with authority.

"Okay. Sa bakasyon. Ipagpaalam mo ako. Deal." Yun lang at naglakad na ako paalis.

"Let's talk after class. Sa dati." Sigaw niya.

"Sige. Bitbitin mo yung gitara mo," sagot ko habang patuloy na paglalakad.

"Got it," masigla niyang tugon.

Ang sumunod na dalawang subjects ay parang dumaan lang. I ate my lunch at our room dahil baka makita ko ulit si Max sa baba kaya huwag na lang. In the afternoon, naglaro kami ng volleyball para sa PE subject namin. In the next two subjects, we finished a total of 40 items quiz.

Uwian na. Sa wakas!  Mabilis kong tinungo ang sakayan. Maswerte ako at nakasabay ako sa unang byahe ng jeep papunta sa amin. Kaya lang dahil sa pakikipag-unahan ko upang makasakay ay huli na nang mapansin ko nawawala ang earphones ko. Haysst! Paano na? Paano na? Paano na? Dami talagang magnanakaw sa lugar namin. Kainis!

Pagkabihis ko ay nagpaalam ako kay mama na aalis muna  saglit. Wala pa si kuya nang umalis ako sa bahay. Narating ko ang tambayan namin sa may baybayin pagkatapos ng ilang minuto. Naka-jogging pants ako na kulay blue at jacket naman na white ang pang itaas. Habang ang gwapong Max naman ay naka-jacket na black at black din na shorts.

"All black tayo ahh," puna ko at agad siyang lumingon sa direksyon ko.

"Oo, ehh. Tinamad akong maghalungkat ng damit," tugon niya at sabay kaming tumawa.

"Akala ko hindi ka na darating. Ang bagal mo talaga," asik niya na tila nabagot talaga sa paghihintay.

"Hindi ako mabagal. Kasalanan ko bang hindi kasing haba ng bias mo ang mga bias ko? Ohhh, nasaan yung gitara," tugon ko at hinahanap ang pinapadala ko sa kanya.

"Ahhh, tungkol dun. Hindi ko nadala. Nakalimutan ko,sorry," habang nagpa-puppy eyes.

"Itigil mo 'yan. Hindi bagay sa'yo," utos ko at agad niya namang tinigil ang ginawang pagpapa-cute.

Kung hindi ko pa nababanggit sa inyo. Max is the younger brother of Lance. And I guess, their amazing blue eyes is the unique signature of their family.

"Kumusta ang Wisteria," tanong ko habang nakaupo sa tabi niya.

"Gaya ng dati. Tahimik at sopistikado. Ganon pa rin nung huling punta mo. Nag-iba lang ay ang mayor ng town. Napalitan na si Mr.Rest ni Mr.Tire," tugon niya.

"Miss ko nang pumunta sa burol. Kung saan kita mo ang halos buong Wisteria," saad ko habang inaalala ang mga masasayang pangyayari habang nandoon ako sa lugar na iyon.

Hindi isang ordinaryong bayan ang Wisteria. Dito naninirahan ang mga taong may special abilities. Ang special ability ni Max ay super speed.

"Hindi na ako nakakauwi sa amin. Kaya miss ko na ring pumunta sa burol. Yung pusang nakita mo noong isang araw, ako yun," wika niya at agad akong napalingon sa direksyon niya with a very amazed and surprised expression.

"Isa pa yun sa mga abilities ko. I have the ability of super speed, being any animal I want to be, and I have an elemental power too. The element of water," paliwanag niya.

"Wowwww! Ang astig! Alam ko namang element of water dahil sa mga mata mo," sagor ko habang tumatango-tango.

"I missed my brother. I wish I had the ability to go where he is right now. But I guess, that will be just a wish forever," saad niya na bakas abg lungkot at pangungulila sa kanyang tinig.

"I missed him,too. If only I could turn back time, hindi ko gagawin 'yun. Ede sana hindi natin siya nami-miss nang ganito," malungkot kong sagot.

"There you go again. I already said a million times to you. Hindi mo kasalanan ang nangyari. It's my brother's choice. Don't be too hard on yourself," pagpapagaan niya ng loob ko.

"Pwede ba kitang mayakap. They said hugs make someone feel better," suggestion niya.

"Syempre naman," ginantihan ko ng mas mahigpit na yakap ang yakap niya.

"Thank you. For always making me feel better," pagpapasalamat ko sa kanya nang matapos na ang yakapan segment.

"You're always welcome. It's my responsibility as one of your friends," tugon niya.

Marami pa kaming napagkwentuhan kaya hindi namin namalayan ang oras.

"I guess, it's time to go home. It's already 7, hinahanap ka na siguro ni kuya Gerry," saad niya at sumang-ayon naman ako.

Tinahak namin ang daan pauwi. Nagngingitngit ako dito dahil habang naglalakad kami ay nakasalpak sa tenga ni Max ang kanyang earphones. Ede sanaol. Naku! Nakakainis naman kasi yung magnanakaw na yun. Sana sumara yung butas ng pwet niya o kaya naman yung butas ng ilong niya. I know it's a bad thing para maghangad ng masama para sa ibang tao. But I just can't help it. Nakakainis lang talaga kasi to the highest level.

"Hey, we're here," wika ni Max habang nakatayo na kami dito sa harap ng bahay namin.

Kita niyo na. Dahil sa sobrang inis ko na sku is the limit hindi ko namalayan na nandito na kami sa final destination.

"Ahh, oo. Good night. See you," pagpapaalam ko and he just have me a warm smile.

By the way, ang bahay na nasa harap namin ay ang bahay ng nila Max dito sa normal world.

Pumasok ako sa bahay at si mama lang ang naabutan ko habang nagliligpit ng pinagkainan nila ni kuya.

"Ma, tulog na si kuya," tanong ko habang nakaupo sa harap ng mesa pagkatapoa ng unang subo ko nang pagkain.

"Ahh, hindi pa anak. Marami daw kasi silang exams bukas kaya nagsusunog ng kilay yun ngayon. Ikaw anak wala ka bang assignments," tugon ni mama.
"Wala po ma," maikli kong sagot.

"Ohhh, sya sige. Pagkatapos mong kumain ay katokin mo ako sa kwarto at ako na lang ang bahala sa pinagkainan natin," paliwanag ni mama at nag-nod lang ako sa kanya.

I enjoyed the delicious caldereta ala Ferrer which is pne of my favorite dishes. Pagkatapos kong kumain ay ginawa ko ang sinabi ni mama, nag-goid night ako sa kanya at tinungo na ang sarili kong silid.

Habang naghihintay na dalawin ako ng antok ay na-recall ko na parang bakit 'di ko nakita yung tatlong loko. Siguro hindi lang nagkrus ang mga landas namin ngayong araw. Siguro busy sila. 'Di bale, bukas sabay-sabay kaming kakain ng lunch. Ipapakilala ko sa dalawa si Max Lewis.

Tinatamad na akong bumangon at wala ako sa mood para magsulat sa diary  ko ngayon. #tamadsiladygneiss

Another day without you, Lance. Matagal ka nang wala pero umaasa pa rin akong mayayakap at makikita ulit kita. I missed your laugh. I missed your smile. I missed your hug. I missed everything about you. I missed you. And up until now, I still love you. Good night, my love.

Isinara ko ang aking mga mata at hinayaan ang katawan kong makapagpahinga.






Second Chances (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon