CHAPTER 1

0 0 0
                                    


  Gneiss POV

Hindi pa naman ako nakakalayo kaya madali nila akong naabutan. Alam ko naman na may kasalanan din ako sa nangyari, pero naniniwala akong "everything happens for a reason". Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang rason na yun.

"Lady, sorry na. Huwag ka nang magtampo. Hindi ko sinasadya. Promise ko sa'yo, 'di ko na ulit babanggitin ang pangalan ng lalaking yun! Bati na tayo. Ok?" Sunod-sunod na sabi ni Jed habang hawak-hawak ako sa braso.

"Ok lang yun. Nabigla lang ako. Kasi... 'Di ba sabi niyo tutulungan niyo akong mag-move on?" Saad ko habang naglalakad na kami pauwi.

"Oo nga pala. Kaso mahirap kalimutan iyong nangyari sa inyo. Ikaw kasi ang nagmumukhang masama." Malumanay na sabi ni Rice.

"Hayaan na lang natin sila. Oo. May kasalanan ako pero hindi ko naman hinangad na mangyari yun," sagot ko sa kanya.

"Tama na nga yan. Ihahatid na kita, My Lady. Kayo namang dalawa sumakay na lang kayo at baka hinahanap na kayo nina tito at tita." Wika ni Nikko na halata ang awtoridad sa pagkakasabi.

"Bakit si Lady lang ang ihahatid mo? 'Di mo na kami love?" Saad ni Rice na alam kong nag-iinarte lang. Ayaw niya lang umuwi sa kanila kaya makikitulog na naman sa ibang bahay.

"Ano ka ba. Gusto mo bang mag-away na naman si papa at si Mang Karding." Malumanay na tugon ni Nikko.

"Sige na nga! Dahil ako naman talaga ang PINAKAMABAIT sa atin. Sa amin ka na muna tumuloy. Pero sa isang kondisyon," habang natatawa sa naiisip niyang kalokohan.

"Kita mo yun?" Habang nakaturo sa dumi ng aso na nakakalat sa daan.

"Oo. Anong gagawin ko dyan? Liligpitin ko? Yun lang pala. Alam ko namang nature lover ka. Pupunit lang ako ng dahon, kukunin yung dumi at-----

"Titikman mo," putol ni Jed sa sinasabi ni Rice.

Nanlaki naman ang mga mata namin ni kuya. Kahit singkit lang siya.:) Dahil nakakadiri naman talaga! Yakss! Kung ako si Rice uuwi na lang ako sa amin. Kaso... hindi ako sya at magkaibang-magkaiba ang buhay namin.

"Sira ka talaga!" Wika ni Nikko pagkatapos batukan si Jed.

"Sa amin ka na lang,Rice. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa," nakangiti niyang sabi.

"Salamat,Nikks! Boto na ako sa'yo para kay Lady," sabay amba ng yakap kay kuya.

"Hoy! Anong boto hah?" Saway ko sa kanila habang nagtatanong.

"Ahh...ehhh... Boto na si Nikko ang makatuluyan mo kaysa naman dun sa lalaking yun," paliwanag ni Rice.

"Hindi talaga kami pwede ng lalaking yun. Kahit nung simula pa lang," saad ko at mapait na tumawa.

"Tara na nga! Ang drama natin ngayong hapon. Nagutom tuloy ako. Libre naman dyan, Jed!" Kantyaw ko dahil siya yung nagbalik ng alaala ko sa nangyari sa amin ni Lance.

"Bakit ako?" Sabay kuha ng phone sa bulsa niya. "Hello? Mom,po? Opo,pauwi na po ako. Sige po. Bye!"

"Mauuna na ako sainyo. Hinahanap na kasi ako ni mom. Kitakits na lang bukas. Ingat kayo guys," at pinara ang tricycle na dumaan sa may tapat namin.

"Sinungaling! 'Di nga umilaw phone mo. Kuripot ka lang talaga," tugon ni Nikko at sabay-sabay kaming nagtawanan. Pati si Manong driver nakitawa rin, kasabay ng pag-alis ng kanilang sasakyan.

"Hoy! Ang daya! Kuripot talaga!" Sigaw ko habang 'di pa rin kami nakaka-recover sa pagtawa.

Haysst! Tama na nga. Sakit sa tiyan. Pero gutom na ako.:(

"Ano? Tara na?" Tanong ni kuya sa aming dalawa ni Rice.

"Tara! Gutom na rin kasi ako," Sagot ni Rice.

"Daan muna tayo sa tindahan ni Mang Kaloy," aya ni Nikko sa amin.

Syempre hindi kami tumanggi. Isa pang pinagkakasunduan namin ay ang pagkain ng street foods. Lalo na ang mga luto ni Mang Kaloy. At ang pakay namin ngayon ay ang specialty niya, Barbecue!

Makalipas ang ilang minuto, narating na namin ang lugar kung saan mapapawi ang aming gutom. Wow! Sarap sa eyes! Pero syempre mas masarap kung kakainin na namin.

Dire-diretso ako sa napaglalagyan ng mga pagkain. Amoy na amoy ko na kasi ang tagumpay kaya titikman ko na. Nang biglang may humarang sa daraanan ko! Grabe! This is it pansit na sana...Ayyy mali! Barbecue pala ang kakainin namin.:)

"Wait a minute kapeng mainit.You owe me one," nakangiti niyang sabi. Animo'y  model ng toothpaste sa lapad ng ngiti. Hayyy! Ang gwapo! Erase!Erase!Erase! Ano ba yan?! Bawal talaga ako malipasan ng gutom.
"Hoy! Umalis ka dyan,kuya! Gutom na gutom na ako," depensa ko habang nagpupumilit na makalagpas sa kanya.

"Sige, but you'll be my date on the prom," tugon niya.

"Oo na! Sige na! Pwede nang kumain? Ok na? Tabi!" Tinabig ko siya pero tatawa-tawa lang ang loko.

"Naku, kung hindi lang kita mahal," dugtong pa ni kuya.

"Ehem! Nandito rin po ako at hindi lang po si Lady ang gutom," saad niya in a sarcastic manner. "And you know what Papa Nikko, I also need a date." Wika niya ulit. Kaya napagkakamalang bakla ehh. Bukod sa madaldal, palaging dinidikitan si Nikko.

NOTE:Hindi po ako nagseselos. 'Di ba author?

(Wehh???)

Oo na nga. Pero slight lang.:)

"I know. But I don't care," wika ni Nikko na nagbalik sa akin sa realidad. Muntik ko pang mabuga yung kinakain ko para sana pagtawanan si Rice. Kaso mamaya na lang. Ang dami kasing customers at sayang ng pagkain.:)

"Psst! Tama na nga yan! Kumain na kayo dito. Bahala kayo dyan, pagkaubos ko nitong kinuha ko uuwi na ako," banta ko sa kanila.

Agad naman silang lumapit at nagsimula na ring kumain. Habang kumakain kami biglang pumasok sa isip ko na magiging date nga pala ako ni Nikko. Yes. Nikko Alvarez. Yung kaibigan kong matangkad,magaling mag-volleyball, moreno, nirerespeto sa school namin, matalino at mahal ako. Pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. Matalik a kaibigan at parang kapatid a ang turing ko kay Nikko at hanggang dun na lang 'yun. Hayssttt! Na-mi-miss ko na siya.....
Lance.

Move on. Ang word of the day pero hindi ko magawa. First love ko kaya yun.

Natauhan lang ako ng yugyugin ako ni Rice. Hindi ko ma-imagine na wala sila sa buhay ko. Ang aking pamilya, ang paghahanap ng rason kung bakit nangyari yun, at silang mga kaibigan ko ang naging dahilan para sumaya at ngumiti ulit.

"Yes! Uuwi na tayo," wika ni Rice sabay hikab. Nasa highway na kami ngayon at naghihintay ng masasakyan. Maglalakad lang sana kami kaso naabutan kami ng dilim sa daan. Ayan na! Sa wakas! May pumarada nang jeep sa harapan namin.

"Usog kayo dyan, kasya pa," saad ni Manong driver habang pasakay kami.

Nakababa na kami ng jeep at nagsimulang maglakad, ulit. Ilang sandali pa ay narating na namin ang lugar kung saan kami maghihiwa-hiwalay. Sa tapat ito ng isang karinderya.

"Kuya, salamat sa pagkain," sabi ko nang nakangiti.

"Sige. Ikaw pa! Malakas ka kaya sa'kin," sagot ni Nikko habang kumakaway na sila paalis. Tinungo ko na rin ang daan pauwi.

Second Chances (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon