Gneiss POVDo you believe in second chance? 'Yan ang sumagi sa isip ko ngayon. Habang naglalakad ako pauwi na-realize ko na napakaraming pangalawang pagkakataon na ang naranasan ko. At hindi ako magpapadaig sa sinasabi ng iba dahil ako lang ang higit na nakakakilala sa aking sarili.
Hi! I'm Lady Gneiss Ferrer,17, Grade 11-ABM(Accountancy, Business and Management) student. Maputi, lagpas sa balikat ang haba ng buhok, katamtaman lang ang tangkad, may matangos na ilong, mahahabang pilik- mata at ang aking asset, my chestnut brown eyes.
Ohh!? Na-imagine mo na ba? Kung hindi pa, problema mo na yun.
Hahahahakdog!!!Actually, maraming nagsasabi na height na lang daw ang kulang sa akin, perfect na sana. Pero sabi nga nila 'di ba "nobody is perfect except kay God". Kaya ayun, pandak na maganda lang ang peg ko. Pero ayos lang yun at least maganda. All of us are beautiful naman.
Maya-maya pa ay narating ko na ang bahay namin. Konkreto ang bahay namin na mayroong red na gate. Papasok na sana ako nang may marinig akong ingay sa abandonadong bahay sa harap namin. Bubuksan ko na sana ang gate ng bahay dahil baka may magnanakaw sa loob nang biglang lumabas ang isang pusa. Tatawa-tawa kong nilisan ang lugar upang umuwi na sa amin.
Tumambay muna ako sa labas ng bahay namin. I-i-interrogate lang naman ako ni kuya tungkol sa kung anong pinaggagawa ko kanina kasama ang mga epal kong friends. Hanep na tyan toh. Gutom na naman. May bulate siguro ako. Ewwwss! Sana naman wala. Maya-maya pa ay....
"Bunso kainan na! Umakyat ka na dito," sigaw ni kuya na sa tingin ko ay halos rinig na sa kabilang baranggay.
"Paakyat na po!" Sigaw ko kay kuya. Magalang ako uyyy. Kahit pasigaw 'yan may "po" pa rin.
Si kuya Gerry. Lucius Gerry Ferrer. Ang aking loving kuya. Second year college na sya at BSBA Major in Human Resource Management ang kurso niya. Matangkad si kuya, maputi, makapal ang kilay, at pareho kami ng eye color. Kaya nga heartthrob yang kuya ko simula nang ipinanganak siya. Mahal na mahal ako ni kuya. At ganon din naman ako sa kanya. Dahil bukod sa bunso ako, dalawa lang naman kaming magkapatid. Gwapo nga si kuya at maraming nagkakagusto sa kanya pero walang interes si kuya sa pakikipagrelasyon. Pamilya at pag-aaral daw ang mas priority niya sa ngayon.
Nakarating na ako sa dining area at naabutan kong nakahanda na ang lahat. Wow! Adobo! Mahhhhh favorite. Mapaparami na naman kain ko nito. Sira diet ko:(. Charrr! 'Di naman pala ako nagda-diet.
"Bunso, kain na. 'Di ba paborito mo ang adobong luto ni Mama?" Sambit ni mama habang naghahanda na ring kumain.
"Opo, ma. Paborito ko po ito! Salamat po," sagot ko sabay yakap kay mama.
"Pwede bang sumama," tanong ni kuya at tumango kami dalawa ni mama kaya nagyayakapan kaming tatlo ngayon. Sayang wala si papa:(
Maya-maya pa ay kumalas na kami mula sa pagkakayakap sa isa't isa at nagsimula nang magdasal pagkatapos naming manalangin. How I wish nandito si papa. Miss na miss ko na sya.:(
"Ohhh, bakit mukhang malungkot ang bunso namin," pahayag ni mama.
Umiling lang ako. "Wala po ito, ma. Namimiss ko lang po si papa," tugon ko.
"Natural lang 'yan, anak. Maski kami ng kuya mo ay miss na rin siya. Pero kailangan niyang maghanap-buhay para maitaguyod tayo. Kaya magtapos kayo ng pag-aaral para maging masaya ang papa niyo," ang wise words ni mama at sabay kaming sumaludo ni kuya at sumigaw ng "Yes po opo". At napuno ng tawanan ang hapag-kainan.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ng kwarto si kuya dahil maaga daw siyang papasok bukas. Ako na sana ang maghuhugas kaya lang sinaway ako ni mama. Kaya nandito ako ngayon sa aking silid habang pinagmamasdan ang kisame. Alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako at lumapit sa study table ko.
Kinuha ko ang diary at sinulatan ito. Sumusulat lang ako dito sa tuwing gusto ko lang.
Dear diary,
Isang araw na puno ng tawanan na naman. Nagpapasalamat ako at napunta ako sa pamilyang ito. Naging medyo malungkot ako ng konti kanina dahil naalala ko na naman ang aking first love, si Lance. I missed him so much. Gustong-gusto ko na siyang makita, mayakap, at makakwentuhan ulit. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa kanya. Sana nasa maayos siyang kalagayan. Yun na lang muna at inaantok na ako. Good night!Nasasaktan,
Gneiss
------
Kinabukasan, nagising ako dahil sa katok at boses ni mama."Nak, gising na. 6:30 na baka malate ka sa klase mo nyan," mahinahong utos ni mama.
"Ok po, ma. Bababa na po ako," sagot ko at humikab.
Naligo ako sa banyo at nagbihis. Pagbaba ko ay nakahanda na ang almusal, hotdogs, eggs, pandesals, at sinangag. What a great meal to start a day!
Binilisan ko lang ang pagkain at nagpaalam na kay mama. Nagmadali ako sa paglalakad at ilang minuto pa ay narating ko na ang sakayan. Mga ilang minuto rin ako naghintay na may dumaan na jeep. Kasalukuyan akong naglalakad sa school grounds ngayon. Nasa dulo ang building namin. At bonus, nasa third floor ito. Kaya hindi ako tumataba.
Pagpasok ko sa room ay naabutan ko ang maingay na speaker habang tumutugtog ang kantang "Marry Me" na sinasabayan ng aking mga kaklase. Dumiretso na ako sa pwesto ko at ibinaba ang aking bag, pagkatapos ay umupo.
Magsasalpak pa lang sana ako ng earphones nang dumating na si Bb.Cruz, ang teacher namin sa Business Math. Pagkatapos mag-check ng attendance ay nag-proceed agad si ma'am sa discussion. Ang lesson namin ngayon ay tungkol sa mark down.
"Mark down is the amount being deducted from the original price. If you're going to find the mark down, you just have to deduct the selling price from the original price. Now, to find the rate, divide the mark down by the original price then multiply it to 100. Wherein, 100 is a constant. Is that clear?" Mahabang discussion ni Bb. Cruz sa klase.
"Yes, Ms. Cruz," sabay-sabay naming tugon.
"Ok,now get a one whole sheet of paper. We'll be having a 20 items activity. And you'll pass it before my time is over. Hurry up, class. You have 15 minutes to finish the activity," pahabol niya at pagkatapos ay umupo na.
Agad naman kaming tumalima sa kanyang pinapagawa. Yun nga lang ay naging medyo maingay ang room dahil tatlong kaklase ko lang ang may dalang papel. Kaya kanya-kanya kami nang paraan para makakuha ng pansarili naming papel na gagamitin.
"Ano ba 'tong mga batang ito, may pambili ng cellphones pero walang pambili ng papel," namomroblemang puna ni Bb.Cruz sa amin.
Isang malakas na tawanan lamang ang naging sagot ng klase. Dumaan ang mga sumunod na mga period nang maayos at tumunog na ang bell para sa favorite kong subject. It's recess time!
---------
Agad akong nagtungo sa cafeteria para umorder ng favorite kong chocolate cake at partneran ito ng mainit na kape. Habang hinihigop ko ang inumin sa harapan ko, napansin ko na may nakatitig sa akin mula sa likuran. Mukhang mali yata ang ginawa kong desisyon dahil nagtama ang paningin namin ni Max.
Anong ginagawa niya dito?