Warning: Self-harm
Don't try to do this!"THIS IS THE DAY" sobrang excited ko dahil ngayon ang araw kung saan isusurprise namin si Cassandra. It's her birthday.
"Hey nasa'n na kayo?" tanong ko kay Thalia sa telepono dahil anong oras na, baka masira ang plano namin.
"Kalmahan mo teh. Eto na malapit na, medyo natraffic lang kami"
Kinakabahan ako na nasasabik dahil walang kaalam-alam si Cassandra sa gagawin namin. Isang linggo namin siyang hindi kinausap para lang sa surpresang ito. Pinlano ko iyon at sumang-ayon naman sila sa plano ko.
Maya-maya ay natanawan ko na sila Thalia at Kriza na papalapit na sa akin. Nandito na 'ko sa tapat ng bahay nila Cassandra bitbit ang cake at lobo na ibibigay namin para sa kaniya. May kaniya-kaniya rin kaming regalo para sa kaniya.
"Grabe frenny hagard na ang lola mo. Traffic na naman kaloka" pambungad ni Kriza ng makalapit sa akin habang pinupunasan ang pawis niya.
"Okay lang 'yan araw-araw ka namang mukhang hagard" pang-aasar ni Thalia rito.
"Wow ha! Kung hindi lang para kay Cassandra 'to hindi na ako magpapakahagard" pairap na sabi nito.
"Ano ba kayo ngayon pa ba kayo mag aaway? Tara na kaya sa loob, ang init na" sabi ko at nauna na akong pumasok sa loob.
"Ang tahimik naman. Wala 'yatang tao" pabulong na sabi ni Thalia.
"Baka nasa kwarto lang si Casandra" sabi ko. Sana talaga ay nandito siya. Ayokong pumalpak ang plano namin.
"Aray ang sakit" inda ni Kriza dahil naapakan ni Thalia ang paa niya. Kung titignan kami ay para kaming akyat bahay dahil dahan-dahan lang ang lakad namin para hindi makagawa ng ingay, hanggang sa makarating kami sa tapat ng pintuan ng kwarto ng kaibigan namin.
"Ay sorry akala ko kase luya" si Thalia.
"Mukha mo luya"
"Mama mo luya"
"Mama mo mama ko na rin ayieee"
"ANO BA?!" napasigaw na 'ko sa ingay nila at pareho nilang tinakpan ang bibig ko.
"Ang ingay mo" pagsaway ni Kriza sa 'kin.
"Pa'no wala ng araw na hindi kayo nag-away" hawak ko na ang door knob at akmang pipihitin na ito.
"Naririnig niyo 'yun?" biglang bulong ni Thalia kaya napatigil ako sa pagbukas ng pinto.
"Alin?" sabay na tanong namin ni Kriza at bakas ng tono ng boses namin na kinakabahan.
"Yung tibok ng puso ko" napasapo ako sa noo ko ng sabihin niya 'yun.
"Taena ka! Akala ko kung ano" sabi ni Kriza at binatukan ito.
"ARAY!"
"SHHH 'wag nga kayong maingay" naiinis na sabi ko. Pareho silang ngumiti sa 'kin na akala mo'y mga batang pinagalitan.
"Let's do this" dahan-dahan naming binuksan ang pinto at ganu'n na lang ang gulat namin sa eksenang tumambad sa amin. Nabitawan namin ang aming mga dala at hindi alam kung ano ang dapat na gawin.
"Cassandra" nanginginig na ang boses ni Kriza ng tawagin niya ang boses ng kaibigan namin.
Upuan
Lubid
Agad na nanlambot ang tuhod ko sa nasaksihan ko. Imbes na siya ang masorpresa ay kami ang nasorpresa.
BINABASA MO ANG
FEAR OF YOU (ON-GOING)
RomanceShe isn't scared of falling in love... She's scared falling in love with the wrong guy.