Wala ako sa aking sarili habang naglalakad sa kahabaan ng freedom park papunta sa sunod na klase ko.
Kahit anong pigil ko ay bumabagabag parin sa akin ang sinabi ni mommy kahapon. Dalawang oras lang ang naitulog ko. Mababaliw na yata ako.
I'm so much distracted by my thoughts kaya naman dire-diretso akong tumawid ng kalsada ng hindi nililingon kung may sasakyan ba.
Nang matauhan ako ay doon ko napagtantong mabubunggo na pala ako. Sa gulat ay naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko.
Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili kong yakap ng isang lalaki at wala na 'ko sa kinatatayuan ko. Pamilyar ang amoy nito at bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"KUNG MAGPAPAKAMATAY KA 'WAG DITO!" rinig kong sigaw ng driver ng kotseng muntikan ng makabunggo sa 'kin. Napatungo na lang ako sa hiya.
"Ayos ka lang?" sa tono ng boses niya ay nag-aalala siya. Magkayakap pa rin kami ng itanong niya iyon.
Kumalas siya sa yakap namin ng maramdaman niyang hindi ako gumagalaw.
"Yurie?" hawak niya ang magkabilang balikat ko at sinuyod ang kabuuan ko.
Walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko pa rin maproseso sa aking isip ang nangyari. Muntikan na 'kong mabangga. Nakatunggo parin ako hanggang sa hawakan niya ang baba ko at iniangat niya ang aking mukha.
Nagtama ang aming paningin at napatitig ako sa kaniyang mga mata. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko.
"Salamat" wala sa sariling usad ko at inialis ang kamay niya sa baba ko.
"May problema ba?"
"Wala naman" tipid na sabi ko at tumalikod na sa kaniya.
"If you need someone to talk don't hesitate to approach me" narinig kong sabi ni Zhyrus at tuluyan na 'kong umalis.
Bakit pakiramdam ko'y alam niya ang pinagdadaanan ko. Dumagdag na naman tuloy ang isipin ko.
Sa mga nangyari ay buong araw akong lutang sa klase. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapagsagot sa mga seatworks kanina.
Minabuti ko munang hindi magpakita kila Thalia dahil baka mahalata nila ang bumabagabag sa akin.
Didiretso ako ngayon kay Doc Kei dahil hindi ko na masarili ang mga iniisip ko. Hindi ko muna tinawagan si Mang Rholie dahil naisip kong magcommute na lang dahil malapit lang naman ang ospital.
"Sa ospital po" sabi ko sa driver pagkaabot ng bayad ko.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko sa kanang bahagi ko. Naka cap ito at nakamask kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha.
Tumingin na lang ako sa labas ng jeep ng biglang magsalita ito.
"Holdap 'to!" hinawakan niya ang leeg ko at may nakatutok na balisong doon. Nabuhay ang takot sa aking sistema. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Lahat ng taong nakasakay doon ay natakot na rin gaya ko. Akmang ibibigay ko na ang mga gamit ko ng biglang magsalita ang nasa harapan ko. Doon ko lang siya napansin.
"Don't try to hit her if you don't want to see hell right away" ngayon ko lang siya nakitang ganu'n kaseryoso. Kahit siguro ako ay matatakot sa kaniya.
Seryoso siyang nakatingin sa lalaking katabi ko. Hindi ko na namalayan ng kunin niya ang balisong na hawak nito at pinilipit pa niya ang kamay ng lalaki. Napainda ito sa sakit kaya naman agad na naghiyawan ang mga nakasakay sa jeep. Ang bilis ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
FEAR OF YOU (ON-GOING)
RomanceShe isn't scared of falling in love... She's scared falling in love with the wrong guy.