"Kung mahuhulog ka lang din naman sisiguraduhin kong sa 'kin na"
Lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi maalis ang mata ko sa mga labi niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin habang ako'y naestatwa na. Napapikit na lang ako pero wala akong naramdaman. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang nakakaloko niyang ngiti. Hiyang-hiya ako.
"Bakit mukha kang disappointed?" pang-aasar niya.
Bigla ko siyang tinulak at tumayo sabay talikod sa kaniya. Nakakainis.
"Sinong disappointed? Hindi ba pwedeng napuwing lang ako?!" inis na sabi ko sabay alis sa harapan niya.
Bakit ba kasi ako pumikit?
Naramdaman ko na lang ang presensya niya sa tabi ko. Sumunod pala siya. Nag-iinit lalo ulo ko!
"Pwede ko namang ituloy para hindi ka na tampo" sabi niya. Nag-init ang mukha ko ng marinig iyon. Nag-iwas ako ng tingin at hiyang hiya na 'ko.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, 'yung bato halikan mo!" Binilisan ko na lang ang lakad ko at hindi ko nagugustuhan nararamdaman ko.
"Yurie! Teka lang! Sorry na hindi ko na uulitin" rinig kong sigaw ni Zhyrus. Hindi ko na lang namalayan na napangiti ako.
...
"Huy! Te! AYURIE!" narinig kong sigaw ng blockmates ko, si Cayla dahil kanina pa pala ako tulala.
Hindi kasi maalis sa isip ko ang mga nangyari kahapon noong kasama ko si Zhyrus. Pagkatapos namin pumunta sa falls ay nagpahatid na rin ako pauwi dahil kailangan ko mag-aral. Malapit na rin exams week at ayokong mag cram sa mga kailangan kong aralin.
"Yung about sa panliligaw Yurie seryoso ako roon. Handa akong magpakilala sayo at mas kilalanin ka kung hahayaan mo ako" ito ang mga huling salitang kaniyang sinabi pagkahatid niya sa amin.
"Ngiting-ngiti ah, Sana all!" pang-aasar ni Cayla. Paano ba naman ako hindi matutulala dahil bigla ko lang naalala lahat.
Pakiramdam ko unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Mayroong takot pero parang nababalewala ng mga salitang naririnig ko mula kay Zhyrus.
"Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako sa topic?" pag-iiba ko ng usapan.
"Te naman sinong matutuwa sa pag caclassify ng soil, duh! Maghuhukay tayo tapos mapuputikan na naman. Ilang weeks palang ng sem pero ubos na braincells ko" pag-iinarteng sabi nito.
Tsaka ko lang narealize na hindi pala ako nakikinig. May kailangan pala kaming gawin. Masyado na 'kong nadidistract sa Zhyrus na 'yun.
Sino ba siya para guluhin ako?
At paano niya naging kapatid si Zhyler ng hindi ko nalalaman?
Pinaglalaruan lang ba nila ako?
Gulong-gulo na ako.
Nagfocus na lang ako sa klase at nag take down ng notes para naman may guide ako once na nag field na kami kesa isipin ko sila.
Naging maayos naman ang daloy ng araw at marami na naman akong natutunan.
Pababa na ko ng Forestry at nag-aantay sa terminal ng jeep.
"Pababa ka na rin?" hindi ko namalayan na may tumabi sa akin. Sa gulat ko ay napalayo ako rito. Anong ginagawa nang kumag na 'to sa college namin e engineering siya.
"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba 'ko?" pagtataray ko kay Zhyrus.
"Chill, hindi ba pwedeng may klase ako dito sa taas? Remember same campus lang tayo?" nakangising sabi nito.
BINABASA MO ANG
FEAR OF YOU (ON-GOING)
RomansaShe isn't scared of falling in love... She's scared falling in love with the wrong guy.