"Ang kahalagahan ng mga kagubatan ay hindi maaaring maliitin. Mula sa hangin ay humihinga tayo hanggang sa kahoy na ginagamit natin. Bukod sa pagbibigay ng tirahan para sa mga hayop at kabuhayan para sa mga tao, nag-aalok din ang kagubatan ng pangangalaga sa tubig, maiiwasan ang pagguho ng lupa at pagagaanin ang pagbabago ng klima"
Lahat ng mahahalagang impormasyon na sinasabi ng prof namin ay isinusulat ko. Kahit may bumabagabag sa 'kin ay pinipilit ko paring mag focus sa klase.
Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Zhyrus kagabi. Did he mean it?
Ano bang sinasabi niya? Pinagtitripan niya ba 'ko?
"Arghh" napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil naloloka na 'ko.
Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan ko munang pumunta sa Japanese Garden na kilala rin bilang Nihon Koen ng UPLB.
While I was walking, the environment makes me feel de-stress. I love seeing a lot of trees and grass swaying around the field. It is so refreshing.
Nang makarating ako sa Japanese Garden ay bigla akong may naalala.
Dati ang lugar na ito ay isa lamang espasyo kung saan maraming mga ligaw na halaman, kaya hindi ako makapaniwalang nabago ito sa isang magandang tanawin mula sa ibang lugar.Gustong-gusto ko ang pulang kulay ng Torii dahil kitang-kita ito sa malayo. Sadyang maeengganyo ang mga taong pumunta dito dahil sadyang nakakapukaw ito ng atensyon.
Those small lanterns hanging in between the Torii and swaying indefinitely because of the winds blowing all the time also give the place a touch of romance and nostalgia.
Ang Nihon Koen ay isang tradisyonal na hardin ng Hapon at ang Torii ang sentro. Sinasagisag nito ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan. Napahusay at napakatibay na ugnayan ang nabuo sa akademikong pakikipagsosyo sa pagitan ng mga Pilipinong iskolar at unibersidad sa Japan.
Sa lugar palang ng eskwelahang ito ay marami ka ng matututunan, sa bawat parte nito ay mamamangha ka na. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit maraming estudyante ang gustong mag aral dito at isa na ako roon.
"Can I court you?" napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang salitang iyon. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Pati ba naman dito maririnig ko ang salitang 'yan.
Doon ko lang napansin na may kasunod akong nagliligawan sa aking likuran. Bakas ang saya sa kanilang mga mukha kaya naman agad akong napaiwas ng tingin sa kanila dahil hindi ako komportable.
Dali-dali na kong umalis doon dahil umaatake na naman ang phobia ko. I just want to refresh my mind but it's not the right place for it. Ang dami palang couples dito. Uuwi na lang ako.
Habang naglalakad ako ay natanawan ko ang varsity ng basketball ng school namin. Tumungo na lang ako ng makasalubong ko sila.
"Tara sa court" dinig kong sabi ng captain sa team mates niya.
Bakit ba puro court ang naririnig ko. Kainis!
Binilisan ko na lang ang lakad ko at akmang tatawagan ko na si Mang Rholie ng bigla namang sumulpot si Thalia at Kriza sa gilid ko.
"Tara sa food court"
"What the hell. Can you please stop talking about that court thing!" hindi ko na napigilan ang inis ko kaya nasigawan ko si Kriza.
"HA?" sabay pa sila ni Thalia. Nagtataka silang tumingin sa'kin dahil wala namang mali sa sinabi nila.
"Bwiset na Zhyrus 'yan! Bakit niya ba kase sinabi 'yun. Nahihibang na siguro siya" wala sa sariling naisambit ko kaya naman lalong nagtataka ang dalawa kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
FEAR OF YOU (ON-GOING)
RomanceShe isn't scared of falling in love... She's scared falling in love with the wrong guy.