"Ang hubad na lalaki ay nakatingala habang nakapikit. Bukas ang palad nito at may batak na mga braso. Ang lahat ng 'yan ay sumasalamin sa mga hindi nakikilalang mga bayani ng bansa. Habang ang maliliit at malalaking bato ay kumakatawan sa mga isla ng Pilipinas. Kung mapapansin niyo ay hugis ng ating bansa ang kinatatayuan ng lalaki, dahil ito'y pinasadya bilang simbolo ng isang arkipelago. Sa isang salita ang Oblation ay iniaalay para sa ating mga bayani" namangha ako sa lahat ng mga nalaman ko dahil lahat ay bago sa aking pandinig.
Ang tanging nalalaman ko lang sa oblation noon ay iniukit ito ni Guillermo Tolentino at ito ay kumakatawan sa pagkakaisa ng lahat ng sangay ng Unibersidad ng Pilipinas sa adhikain at tradisyon ng paaralan. Ngunit mas lumawak ang aking kaaalaman tungkol dito.
Today was the start of my class here in UPLB. Lahat ng freshmen ay may campus tour para mas maging pamilyar sa mga lugar dahil sa lawak nito.
"Grabe frenny sakit na ng utak ko. Lunod na lunod na 'ko sa mga informations" si Kriza iyon.
"Wait may utak ka ba? 'Di ako nainform" pambabara ni Thalia rito. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil kanina pa sila nag-iingay sa tabi ko. Mabuti na lang at hindi sila nakikita ng nagguguide sa amin.
Iba't-ibang building at lugar na ang aming napuntahan at pakiramdam ko'y pagod na pagod ako, sumasakit na rin ang ulo ko. Pero sulit naman dahil mas marami na 'kong nalalaman.
Pangarap ko talagang mapakapagtapos sa paaralan na 'to kaya naman masaya ako dahil nandito na ako ngayon at kasama pa ang mga kaibigan ko.
Dahil magkakaiba kami ng course ay naghiwala-hiwalay na kami ng building na pinuntahan pagkatapos ng campus tour namin. Thalia was taking BS Agricultural Management while Kriza took BS Communication Arts. Sanay naman na 'kong mag-isa kaya hindi ako masyadong nahirapan sa bagong environment.
Puno na ang notepad ko dahil kanina pa 'ko nagsusulat ng mga mahahalagang info's habang naglilibot kanina sa campus. Nandoon rin ang mga requirements na kailangan sa bawat subjects gaya ng yellow paper, index card, 1x1 picture at kung ano-ano pa.
Nang magtanghalian ay naisipan kong kumain sa Mcdo at tinext ko rin sila Kriza na sumunod sa akin doon.
Papasok na 'ko ng maramdaman kong may nagsuot ng jacket sa 'kin. Napatingin ako sa nagsuot noon at gulat ang tumambad sa 'king mukha.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula noong dinalaw ko si Cassandra sa sementeryo.
Napansin kong may suot siyang ID at doon ko nalamang UP student din pala siya. Ang liit nga naman ng mundo.
"Ano na namang trip mo?!" hindi ko na napigilang mapasigaw kaya naman napatingin sa direksyon namin ang mga tao roon.
Nakakagulat lang kase dahil bigla-bigla siyang sumusulpot sa harapan ko. Pagkatapos ay susuotan niya pa ako ng jacket. Ang init kaya.
Inilapit niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko kaya naman naramdaman ko ang hininga niya sa balat ko. Tumaas ng bahagya ang balahibo ko dahil sa ginawa niya. Lalo pa 'kong nangilabot ng magsalita ito sa tapat ng tenga ko.
"May tagos ka" sabi niya at narinig ko ang tawa niya. Namula ako sa hiya dahil hindi ko alam na meron ako ngayon. "Gusto mo isigaw ko rin?" nanghahamon na sabi niya. Halatang binubwiset ako. Sinamaan ko siya ng tingin at hiyang-hiyang na 'ko sa mga nakatingin sa amin.
"Thanks for me" dagdag pa niya habang nakangiti kaya sumilay na naman ang malalalim na dimples niya. Napatitig ako roon at nakaramdam ng kaba sa aking dibdib.
"'Wag masyadong katitig baka matunaw ako" hindi mawala ang ngisi ni Zhyrus kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Babalik ko na lang 'to" napapahiyang sabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob. Dali-dali akong dumiretso sa comfort room nang hindi siya nililingon.
BINABASA MO ANG
FEAR OF YOU (ON-GOING)
RomanceShe isn't scared of falling in love... She's scared falling in love with the wrong guy.