VICTORIA
It's monday, meaning may pasok so i'm currently fixing my stuffs.
After that lumabas na ako sa kwarto ko para umalis na. Inayos ko muna ang dress na suot saka na nagsimulang maglakad papunta sa ibaba para kuhanin ang baon ko for lunch.
Nasanay na akong nagdadala ng baon para sa school na kumain ng lunch saka kahit naman may pera ako hindi naman ako gumagastos kapag lunchbreak, sa snacks oo at sa gala.
After kung kuhanin ang baon nagtungo na ako sa labas at nakita kong naghihintay na si Keith doon, nakabukas ang passengers seat at naka sandal siya sa gilid nang sasakyan ko.
"Let's go, baka malate pa ako." sabi ko sakanya saka na pumasok sa kotse at saka inilagay sa lap ang designer bag na nakasabit sa balikat ko.
Umikot ito at nagtungo sa drivers seat saka na pinaandar ang sasakyan.
Malapit pa nga akong masubsob ng dahil doon kasi nakalimutan kong mag seatbelt.
"Ano ba!" inis na sigaw ko sa kanya kaya naman inihinto niya ang kotse at tiningnan ako.
"Nananadya ka ba?"naiinis na sabi ko.
"Hindi ko naman alam na wala kang seatbelt." sarkastikong sabi niya.
"I don't care! you should have told me o kaya sinuotan mo-what ever!" sabi ko nalang at saka nagsuot ng seatbelt bago nagcross arms.
Nang makarating sa school hindi ko pinansin ang mga tumatawag sa akin dahil na badtrip talaga ako sa lalaking yun ngayon.
"Ria!" narinig kong sigaw ni Haze habang pilit pinapantayan ang paglalakad ko.
"What?" i asked.
"What's with you ba? kanina pa kita tinatawag pero di ka lumilingon." she said.
"Look, wala ako sa mood ngayon dahil sinira ng bwesit na Keith na 'yun ang araw ko kaya please 'wag kanang dumagdag pa." i said.
Hinampas niya ako sa balikat kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"I was just asking, buang ka talaga." inis na din nasabi niya at iniwan ako roon at nauna nang maglakad papunta sa building namin.
BSA ang course na kinuha ko dahil 'yon ang gusto ni papa para sakin but if ako ang papipiliin, i will choose tourism. Gusto ko kasi mag flight attendant dahil noon ko pa pangarap iyon.
Nagmamadali na akong umakyat sa 3rd floor at baka mapagalitan ako ng prof namin.
Nang makarating sa classroom hindi ako pinansin ni Haze kaya naman nalilito akong tiningnan ni Rain na napaggigitnaan namin.
"Anyare?" tanong niya nagkibit balikat na lamang ako saka na umupo at inilagay ang designer bag sa table ko.
Minutes later...
"Goodmorning Class, so you all know na may new student right?" Tanong ni Prof. Gardez
"Yes, prof." sabay na sabi namin.