15. FEAR AND DEATH

1.1K 80 18
                                    

ㅡ어 THIRD PERSON

Abandoned Candy Factory, North-East

"So, ano 'yun? 'Yun lang 'yun? Wala na bang iba? Tch! Sana na lang pala 'di ako sumama." busangot na wika ng binatang si Barron saka sinipa ang walang laman na lata sa sahig. He is Barron Divian (7), the ranked seven in the group.

Inayos naman ni Buzz ang salamin niya sa mata saka sinagot ang kaibigan. "Baka teaser lang 'yun, Number Seven. Malay mo may patayan talagang magaganap."

"Tch, patayan? Eh 'di nga ako pinagpawisan kalabanin ang mga kalalakihang 'yun eh. I think I'm just wasting my goddamn time coming over to this abandoned place. Sana na lang pala nagpaiwan ako kasama si Number Four kanina." aniya.

Jayrius seems to be lucky for not coming to this place! Ugh, damn him! Wika niya sa kanyang sarili.

"Yeah, yeah. Those three are darn lucky for not coming over here." wika din ni Buzz.

Ang tinutukoy ng binatang si Buzz Allegro Trinidad (5), na ikalimang membro ng grupo, ay ang tatlo pa niyang kasamahan na sina Jayrius Fernandez (4), ang ika-apat na membro, na iniwan nilang natutulog kanina sa silid ng Student Council Room. Number Six, which is Hope Dela Vegas (6) na hindi pumasok dahil natalo sa laro nila Xiao noong isang araw, at si Kobe Alfonso (2), ang ikalawang membro na sadyang nahuli lang talaga sa mga kaganapang naganap.

Kinuha naman ni Xiao, Gian Xiao Lui (3), ang lollipop sa kanyang bibig saka itinutok sa binatang si Alexis Jonas Hidalgo (1). "Hey, Number One! Let's make a bet." masayang aya niya sa binata.

Nasanay sa silang magtawagan ng kani-kanilang mga palayaw kapag may ginagawa silang labas na sa kalakaran ng kanilang paaralan. Kapag alam nila na may mangyayari kakaiba o kapag madudungisan ang mga kamay nila. Kung nakapandera na ang pangalan ng grupo nilang Night Rouge, it's forbidden for them to call their friends, their real names. That's one of the rules that must follow in the people with high rank levels. Except for their Leader's name, Diego Hadeon Izmael.

Nakuha naman niya ang atensiyon ni Jonas. "Hmm? What kind of bet is it, Number Three?" nakangising tanong ni Jonas.

"Kung may magaganap bang malaking kaguluhan ngayon, pagpasok natin sa malaking pintuan na 'yan." aniya saka tinuro ang malaking pintuang nangingitim na dahil sa kalumaan na ilang metro na lang ang layo mula sa kanila.

"Anong klaseng kaguluhan ba 'yan, Number Three?" taas kilay na tanong ni Buzz.

"Oh, you're also joining the bet too, ah?" nakangiting ani Xiao kay Buzz.

"Um, I'm just asking."

"Well, bloody. 'Yung patayan talaga kagaya nang nangyari sa grupo natin noong nakaraang linggo! Baka kasi sangkot din sa gulo ang kabilang eskwelahan dito eh. Well, every school seems to also have an interested to the Avilla's Leader, the Glasses Lady, as well, right? And what if two clans meets together?" ningning na mga matang wika niya.

"So, may labanang magaganap? You mean that?" ani Barron.

"Exactly! You get my point, Number Seven!" halos mapatalon nitong sambit.

"Wait, what? Are you even listening? I'm asking you, you moron!" singhal ng binatang si Barron kay Xiao.

"Tch, ang babaw ng utak mo, Number Three. I'm betting to the side of no-fight-involve." simpleng wika ni Buzz.

"Me too." nakangiting sabi din ni Jonas.

"I'm in." wika ni Barron saka tinaas ang kanang kamay sa ere.

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon