"The bravest thing she ever did was to stay alive each day."
- Atticus. . .
SHE
It's exactly 6:30 PM nang makaalis ako sa Avilla High. Napagdesisyonan kong maglakad na lang papunta sa inuupahan kong apartment kasi malapit naman din 'yon mula sa paaralan ko, at bali exercise na rin 'to para sa akin. Ilang linggo na din na wala akong nasasapak at nasisipa kaya medyo kinakalawang na.
Tahimik ang kalyeng dinadaanan ko. Walang mga taong naglalakad, walang aso't pusa na gumagala at wala gaanong mga sasakyan na dumadaan.
Habang naririnig ang sariling yapak na lumalagpas sa mga bombilyang kumukurap-kurap, napansin kong may nakaabang na apat na kalalakihan sa isang posteng may ilaw kung saan ako dadaan.
Mga ilang metro din ang layo nila mula sa kinatatayuan ko ngayon.
Base sa mga pagmumukha nila, mukhang may inaabangan ang mga ito at... parang ako 'yun.
Napabuga na lamang ako ng hangin saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Halatang mga armado ang apat na lalaki dahil may hawak itong mga baril.
Odd.
Nang malapit-lapit na ako sa kinatatayuan nila ay agad nilang napansin ang presensiya ko.
Eagerness are visible in their eyes. My intuition tells me na may kailangan sila sa akin.
Of course.
Sabay nilang kinalas ang dalang baril at minasdan akong papalapit sa kanilang pwesto. Oh, so that's the odd I'm talking about.
Palihim akong napangiti saka pinosisyon ang salamin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam kong pinapatay na nila ako ngayon gamit ang kanilang mga mata.
Foolish actions can lead you to your grave. Dapat alam nila 'yun bago plinano ang mga kagaguhang 'to.
I just walked in front of them. Walang kahit anong ingay at walang kahit anong kilos mula sa kanila. Nilagpasan ko lang sila na parang wala sila doon.
Just a normal girl, walking in a damnable street, with a four jerks who's watching. Good God! I'm not in the mood to fight someone right now. I want to get home and soak my body with a warm water. Sana makauwi na ako ngayon.
"Hoy, babae." tawag sa akin ng isang lalaki.
Hindi ko lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang narinig.
"HOY! TUMIGIL KA SA PAGLALAKAD MO KUNG AYAW MONG IPUTOK KO 'TONG BARIL NA HAWAK KO SA ULO MO!" ramdam kong nakatutok na sa akin ang apat na baril na hawak nila.
Huminto naman ako sa paglalakad. My god. Wala ako sa mood makipag-away sa mga tao ngayon!
"Bakit hindi pa?" kita ko ang pagdadalawang isip nila.
It's very visible, man.
"Do it, then."
Humakbang papalapit ang lalaking may hawak na sigarilyo kanina. Dahil sa bugso ng hangin ay nasinghot ko ang baho ng usok sa kanyang sigarilyo. "Hindi, hindi ka pa namin babarilin--" I immediately cut him off.
BINABASA MO ANG
𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣
Teen FictionFive different schools. Five powerful Leaders. Four death-dealing Bosses. Four clans. One unexpected female Leader, who's been the apple of everyone's eyes. (On-going) [Tagalog/English Novel] . . . ۵ STARTED: January 01, 2020 ۵ ENDED: