11. STREET FIGHT II

960 78 7
                                    

ㅡ어 THIRD PERSON

"You." turo ni Daez sa malaking lalaking tinatawag nilang Brother Mac.

Ang grupo ng Brother Mac ay nasa hilagang silangan ng lugar. Sila ay maliit na grupong binubuo ng mga tambay, basagulero, mga pasaway na hypebeast at may mga iilan ding estudyante. Iilan sa mga gawain nila ang mang-hold up, magnakaw, at minsan nang-aabang pa sa mga madidilim na kanto para mambiktima.

Halos lahat din ng membro ng gang nila ay nakalista sa isa sa mga wanted ng lugar.

Binigyan ni Daez ng tyansa ang mga kalalakihan na pag-isipan ang malaking gulong papasukan ng mga ito. Ngunit, napagtanto din niya na huwag na lamang pakawalan ang nanghahamon sa kanila.

She thought that, this is a great chance to kill twenty-one pests with one stamp. Sayang nga lang daw at madadamay ang lalaking minsan na niyang binigyan ng pagkakataong tumino.

But, he just wasted his chance to live. Their lives... are about to waste.

She shrugged her shoulders.

Well, it's their decisions, not mine.

"And you." tumagos ang malamig na boses ni Daez sa lalaking si Marqo sabay turo niya nito gamit ang kanyang gitnang daliri sa kamay.

Fine, they want to drink their own blood? I will let them taste it.

"Don't regret." walang kabuhay-buhay niyang sambit.

Napakagat naman ng labi ang dalagang nasa likuran niya ng babaeng si Daez dahil sa pagkasabik.

HELL YEAH! Wika ni Jurien sa kanyang isipan saka 'di na napigilan ang kanyang malapad na ngisi sa labi.

Finally, natauhan na si Daez!

"Let the ramble begin."

Nang tumunog ang siren na naghuhudyat ng alas-12, nagpakawala ng sigaw si Marqo sabay taas ng baseball bat niya.

"SUGURIN NIYO!!!" sigaw ni Brother Mac na hudyat nang pasigaw na pagtakbo ng kalalakihang hawak ang mga tubo, kahoy at iba pang panglaban.

"Let's split up." wika ni Daez saka dumistansiya sa dalaga.

Jurien smirked. Talagang gusto niyang magsolo ah.

"Wait, what? Naging girlfriend ba kita?" pagbibiro niya sa seryosong dalaga.

Nilingon naman siya ni Daez saglit gamit ang nakakatakot na mga mata.

Mukhang wala ata sa tamang lugar ang joke ko ah. Hehe. "Joke lang 'yun oi. Stop being serious Daez and just enjoy this moment."

"Fighting criminals? Yeah, must be fun." walang ganang sagot niya.

"Of course!"

They immediately split up. Daez is on the left side, while Jurien is on the right. They both knew their ranges in fighting kaya medyo may kalayuan ang distansiya nila sa isa't isa. Buti na lang at malawak ang kalsada at napapalibutan pa ng mga kahoy ang lugar. Plus, wala ding masiyadong mga sasakyan na dumadaan sa ganoong oras kaya nasisigurado nilang walang makakaantala sa gagawin ng dalawang magkaibang panig.

Sinalakay na sila ng mga kalalakihan. Bago pa lang makaapak ang isang lalaki sa harapan ni Jurien ay inunahan na niya iyon ng suntok sa mukha. Duguan naman nakahandusay ang lalaki. Medyo huminto sa pagsalakay ang mga kalalakihan sa kay Jurien at pinalibutan siya ng mga ito.

"Tangina niyo! Ganda ng intro ko ano?" baling niya sa mga ito na naging dahilan sa pagmarka ng inis sa mga pagmumukha nila.

"Babae ka lang! Kayang-kaya ka namin!" singit ng isa habang nakangising pinapalo-palo ang kahoy sa palad niya.

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon