GLASSES LADY OF AVILLA
╯THIRD PERSON
5:01 PM. Saktong uwian na ng mga estudyante na papunta sa kani-kanilang mga dorms na malapit lang sa kinatatayuan ng paaralan ng Avilla High. Ang nag-iisang All-Girls School na eskwelahan sa lugar.
Nawala ang katahimikan sa paligid ng may malakas na ingay ang umaalingaw-ngaw sa labas ng malaking gate kung saan ang labasan ng mga estudyante sa Avilla. Naglikha ito ng ingay na kadahilanan sa pagkuha ng atensiyon sa mga kababaihan ng paaralan. Sa labas ng gate naman ay nakatayo ang mga kalalakihan na nagmula pa sa silangang bahagi. Maaangas ang mga magmumukha nito na nakasuot pa ng uniporme ng kanilang paaralan habang hawak-hawak ang mga iba't-ibang bagay na panghampas.
Binato ng lalaking dilaw ang buhok ang kanyang hawak na bat sa gate na naglikha ng ingay. "IHARAP NIYO SA AMIN ANG LEADER NIYO! GLASSES LADY MAGPAKITA KA!" Malakas na sigaw ng lalaking may hawak na baseball bat.
Napakamot na lamang ng ulo ang matandang guard na nagbabantay habang nakatingin sa mga kalalakihan sa labas ng gate. Nasanay na ang matanda sa paulit-ulit na ganoong senariyong nangyayari sa paaralan. Kung hindi man sa tarang-kahan ng likod ng Avilla nag-aamok ang mga lalaki na nagmula sa ibang eskwelahan, ay minsan sa harapan naman ang mga ito.
"Ano bang ginagawa niyong mga bata kayo? Alam niyo bang pwede kayong makulong kapag nanggulo kayo 'di to?" Nag-aalalang paksi ng matanda sa mga ito. Napatingin sa telepono ang matanda at nasagid sa kanyang isipan na tumawag na lamang ng pulis para bugawin ang mga ito. Noon pa man ay tumatawag ng pulis ang matanda kapag may mga ganitong eksina na nangyayari, ngunit dahil sa paulit-ulit na lamang itong nagaganap ay hindi na siniseryoso ng mga kapulisan ang reklamo ng guwardiya ng paaralan na pawa bang sinawalang bahala na lamang ito.
"HOY TANDA! Huwag ka ngang mangialam sa amin! Buksan mo na nga 'tong gate na 'to! NAIINIP NA KAMI!" Sigaw ng lalaking nasa unahan habang patuloy na hinahambas ang malaking gate.
Dahil sa kuryosidad ng mga estudyante ay unti-unting namuo ang kumpulan ng mga estudyanteng babae na nakatingin sa labas ng gate. Eksaktong ilang minuto na lang din ay magbubukas na ang gate kung saan ang labasan ng mga estudyante papunta sa kani-kanilang dorm. Nagsisimula manang mangamba ang matandang guwardya nang mapansin ang pagkailang at takot sa mukha ng mga estudyante nakatingin.
Pinilit ng matanda na pakalmahin ang mga lalaki. Ginawa niya ang lahat ng pagpapababa para lang makinig at maayos ang gulo. "Huwag naman sana kayong manggulo dito. Bakit ba ang laki ng galit niyo sa paaralang ito. Walang ginagawa ang paaralang ito sa inyo. Nakakaistorbo kayo at nagbigay kayo ng takot sa mga walang kalaban-labang mga estudyante dito."
"TUMAHIMIK KA!"
"Hoy! Tahimik tanda!"
"Gwardiya ka lang!"
Napapikit ang matanda dahil sa gulat nang hampasin ng lalaking nasa unahan ang gate. Walang magawa ang matanda kundi mapabagsak na lamang ng balikat.
"Gusto mo namang mawala kami dito 'di ba? ILABAS NIYO SI GLASSES LADY! IHARAP NIYO 'YANG PINAGYAYABANG NIYONG GLASSES LADY NA 'YAN SA AMIN!" Malakas na bulalas ng isa sa mga binata.
Hindi naman makasagot ang matanda. "Mga walang respeto." Bulong ng matanda.
"SAGOT! Ano? Sapilitan naming papasukin ang gate na 'to o IHAHARAP MO SA AMIN ANG LEADER NITONG PAARALANG ITO?!" Wika ng lalaking may kulay ang buhok.
"Ilabas niyo!"
"HOY GLASSES LADY! LUMABAS KA!"
"LABAS!
"Uulitin ko! Bwesit! Sapilitan ba naming papasukin ang gate na 'to? O para walang gulong magyayari dito... IHAHARAP MO SA AMIN ANG LEADER NG PAARALANG ITO?!"
BINABASA MO ANG
𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣
Fiksi RemajaFive different schools. Five powerful Leaders. Four death-dealing Bosses. Four clans. One unexpected female Leader, who's been the apple of everyone's eyes. (On-going) [Tagalog/English Novel] . . . ۵ STARTED: January 01, 2020 ۵ ENDED: