ZYXHIA POV
"Hoy bilisan mo kilos mo ah! Omyghad excited nako! Okay babush na mag aayos pako! Seeyou later!" sabi ni liana sa kabilang linya. Ewan ko ba jan ang aga aga pa pero minamadali ako,masyadong excited ang gaga.
Sya nga pala ang kaibigan kong si liana, bungangera pero maganda.At kung nagtataka kayo bat excited yang si liana eh kakain kasi kami sa labas kasama ang parents ni liana at ni kyxen. Si kyxen isa sa bestfriend ko,saming magkakaibigan sya ang pinaka matalino pero kahit ganyan yan sweet din naman. Syempre papakilala na din ako.Ako nga pala si Zyxhia Avery oh ganda ng pangalan no, saming tatlo ako naman ang pinaka kikay at syempre pinaka maganda hehe.
Magkakapitbahay lang naman kami pero ewan ko kung bat nagmamadali si liana. Pumasok nako sa cr para mag ayos, nagdress na lang ako habang nakaladlad naman ang mahaba kong buhok.
"Zy anak lets go na baka naghihintay na sila"sigaw ni mommy. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago bumaba. Nadatnan ko sila sa gate at magkakasama na. Agad naman ako lumapit kila tita grace at tito erwin, parents ni liana. Lumapit din ako kila tita jessica at tito mike, parents naman ni kyxen. Nakipag beso beso lang ako at pumasok na sa van. Nakita ko don sila kyxen na nagbabasa ng libro at liana na naka taas ang isang kilay saakin.
"What?" Irita kong tanong bago umupo sa tabi nya. "As usual late kana naman" sabi neto bago ibalik ang kanyang mga sa cellphone at nagpicture ng nagpicture. Napairap na lang ako sa hangin. Pumasok na ang mga parents namin at pinag usapan ang bahay at school na papasukan namin don. Actually okay lang naman samin kasi maganda ang napili nila. Nakarating kami sa restaurant at kumain habang nagkukulitan. Nang medyo mag gagabi na nag kayayaan ng umuwi dahil mag aayos pa daw kami ng gamit.
"Hey agahan mo bukas ah"paalala ni kyxen sakin. "Yah kitakits na lang tayo dito" sabi ko at niyakap silang dalawa. "Bye girls seeyou tommorow"sigaw ni liana at habang winawagayway ang kamay.
Medyo madami din ang kailangan kong dalin na damit at diko alam kung pano ko mapagkakasya na maleta ang mga ito. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako dito. "Kailangan mo ng extra bag mukang di kasya ang mga damit mo sa maleta e"sabi ni mommy. Alam na alam talaga ni mom. "Yes mom please thankyou" sabi ko at kinuha ang bag at inayos na ang lahat. Madami ring ganap ang araw na eto. Bago matulog nilibot ko muna ang paningin ko sa pink kong kwarto. Sobrang mamimiss koto. Habang tinititigan ang mga ito kusa na lang ako inantok at nakatulog.
Nagising ako mula sa alarm ko, nag alarm talaga ko kasi ayokong mahuli. Pumasok nako sa cr ko at nag ayos ng sarili. Nagshorts na lang ako at croptop na sando, nagdala din ako ng jacket ko dahil baka lamigin ako. Kinuha kona ang bag ko at bumaba.
"Zy anak nandyan kana pala tara dito at magbreakfast ka muna" nag nod na lang ako kay mommy at umupo para mag magbreakfast.
"Anak yung mga paalala ko sayo ah. Wag kang gagawa ng kalokohan don at aba kilala ko kayong tatlo wala kami don para harapin ang mga gulong papasukin nyo. Ayusin mo pag aaral mo okay? Kakain ka sa tamang oras tsaka may allowance naman kayong matatanggap sakin kaya wag kayo mag alala sa mga kakain nyo okay?paalala sakin ni mommy habang kumakain ako. Napangiti na lang ako kasi mamimiss ko yung mga ganyan ni mommy. "Mommy mamimiss ko kayo ni daddy" sabi ko habang naka pout. Lumapit sila sakin at niyakap ako. "We will miss you too zy anak" sabi ni dad sakin. Matapos makapag paalam lumabas nako dahil baka nag aantay na sakin sila liana at kyxen. Nakita ko agad sila tita at tito, niyakap ko sila at nakipag beso beso. "Kayo ng bahala sa inyo don ah, magtulungan kayo okay? sabi ni tita jessica. Nag nod naman kaming tatlo sa kanya habang nakangiti. Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay sa sarili naming sasakyan, yes may sasakyan kami. Niregalo nila samin to nung nakaraan para daw hindi na kami mag commute don dahil hindi naman daw kami sanay kaya ayan niregaluhan nila kami ng kotse. Hindi naman kami nahirapan dahil sanay na kami magpatakbo ng kotse. Gusto pa nga nila kami ipahatid kay manong para daw safe kaming makapunta don. Tumanggi na lang kami kasi kaya na naman namin. 3hours ang byahe at kada 1hour magpapalit palit kami para makapag pahinga kami ng maayos.
Malayo na ang nararating namin pero diko alam kung naliligaw ba kami. Medyo malabo kasi yung bigay nila saming copy e. Napag isipan na lang namin na mag tanong tanong.
"Girls look meron dong 3boys o try natin pagtanungan baka alam nila" nakita ko nga na merong tatlong lalaking nakaupo sa likod ng kotse habang nag iinuman. Yung dalawa eh nagtatawanan ang yung isa naman eh naka poker face lang habang umiinom. Nilapit ko ang sasakyan don para makapag tanong kami. Bumaba kami na pinangunahan ni kyxen kasi sya na daw ang magtatanong.
"Uhm excuse me sorry sa istor-"
"Alis!" nagulat kami ng sumigaw bigla yung lalaking naka poker face.
"Magtatanong lang sana k-"
"Alis!" sigaw ulit nya.
"Chill bro nagtatanong lang sila" sabi nung isang lalaking nakasalamin.
"ALIS!!" muntik pako mapatalon sa sa gulat dahil sa sigaw na yon. Aaminin ko medyo nakakatakot sya. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Nakita ko ang panginginig ni liana dahil sa takot, tsk sorry dude ayoko sa labat ng ginaganyan ang kaibigan ko kaya kahit na takot lumapit ako at sinampal sya. Kita ko ang pamumula ang pisnge nya at pagkabigla mula sa kaibigan mo.
"Ops napalakas ata, deserve mo naman yan eh. Batos!" Sabi ko habang nakangisi. Lumapit ako sa mga kaibigan ko at inalalayan sila papunta sa kotse. Bago ako pumasok diko maiwasan tignan yung lalaki. Namumula sya at salubong ang kilay na akala mo eh puputok na. Pinili kona lang iwasan ng tingin kasi nakakatamot talaga sya. Pinaandar ko ang sasakyan at lahat kami ay tahimik. Buti na lang may isa kong napagtanungan at tinuro nya samin ang daan. Nakarating kami agad don at pumunta sa sari sarili naming kwarto. Diko maiwasan mag alala kay liana, oo matapang sya pero diko naman itatanggi na sobrang nakakatakot talaga yung lalaking yon. Kanina pa sya tahimik sa byahe kaya napag isipan kong puntahan sya sa kwarto nya. Kumakatok ako pero parang wala syang naririnig kaya mas pinili kong buksan na lang ang pinto. Nakita ko sya sa may bintana at nakatulala habang tinatangay ng hangin ang kanyang mga buhok. Lumapit ako sa kanya at mukang nagulat sya.
"Kanina pako kumakatok pero dimo naririnig" sabi ko at tinignan sya mata sa mata. "Hey are you okay? Natakot kaba don sa kanina?" Tanong ko at nagulat ako ng bigla syang humagulgol. "Natakot ako sobra. Naalala ko sa kanya yung dati kong boyfriend. Alam mo naman diba kung ano nangyare. Parang bumalik lahat nung sinigawan ako ng lalaking yon. Sobrang namimiss kona sya zy. Bumabalik na naman yung takot ko. Alam ko ako ang may kasalanan non. Sobrang sakit" sabi nito at humagulgol lalo. Sabi kona nga ba naalala na naman nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, tinatapik ko ang likod nya para tumahan sya. "Liana hindi mo kasalanan yon okay? Aksidente ang lahat at dimo kasalanan yon. Shh stop crying liana ayaw nya nakikitang kang umiiyak. Tahan na" sabi ko sa kanya pero mukang matatagalan na naman ang pag iyak nya. Kilala ko sya at alam kong sobra syang nasasaktan. "Kung hindi ako umalis nung panahong nag away kami hindi ako mababatos at hindi nya ko ipagtatanggol. Kung inayos ko lang sana, hindi sana sya nasaksak, sana kasama kopa sya. Sana mapatawad nya ko" naawa ako sa kanya sobra. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan nya. "Ginusto nya yon liana kasi mahal ka nya. Matagal kana nyang napatawad liana. Shh tahan na" hays ako ang nahihirapan kay liana. Diko alam kung hanggang kailan na naman sya ganito. Nung nakaraan lang ulit sya sumaya tas ngayon ng dahil sa lalaking yon eh bumalik na naman ang mga alaala na pilit ng kinakalimutan ni liana. Pag sisisihan nya ang ginawa nya. Sa oras na makita ko sya humanda sya sakin.
Unti unting tumigil si liana sa pag iyak at naramdaman kona ang na tulog sya. Hiniga ko sya sa kama at kinumutan. Inayos ko ang buhok neto na nakaharang sa kanyang muka. "Sobrang nahihirapan kana siguro. Magpahinga kana liana. Hihintayin namin na maging masaya ka ulit kasi ayaw nya na nakikita kang ganyan. Magiging okay din ang lahat, pangako liana" hinalikan ko sya sa noo nya at umalis na ng kwarto nya pero bago ko isara ang pinto muli syang nagsalita.
"Patawarin moko, mahal ko"
YOU ARE READING
Dare to Love
RomanceWhat if isang laro lang pala ang lahat? "Zyxhia avery, nag iisang anak ng isa sa may pinaka malaking company sa iba't ibang bansa. Tahimik at masaya ang buhay kasama ang pamilya at kaibigan hanggang sa isang araw may isang taong darating sa buha...