ZYXHIA POV
Lutang akong papasok ngayon. Ewan koba bat ako tinamaan sa pangalan na yon. Dzuh bat koba kasi iniisip yon? Wala nga ko pake sa kanya e. Nacurious lang talaga don sa pinag uusapan nung mga babae sa cr.
Nakarating kami sa room ng wala akong kibo. Wala lang talaga kong sa mood. Kesa isipin ko yung asher na yon, iisipin kona lang kung pano ko gaganti sa kanya. Aba akala ba nya nakalimutan kona yung ginawa nya? Humanda talaga sakin yung impakto na yon!
"HOY!!"
"Ay kabayong palaka!"tinignan ko sila ng masama. "Bakit ba kayo sumisigaw ha!?"inis na sabi ko sa kanila habang nakahawak sa dibdib. Mang gulat daw ba kasi.
"Kanina kapa kinakausap pero parang wala ka sa sarili mo. Ayos ka lang ba?"sabi ni liana. "Oo ayos lang ako may iniisip lang"sabi ko at nauna ng maglakad, susunod din naman sila e haha! "Ano ba yang iniisip mo?"tanong ni liana habang sumusunod sakin. Teka ano nga ba iniisip ko? Psh ganon naba ko kalutang? Nevermind ayoko na alalahain. Umiling na lang ako at umupo na sa upuan ko pagkarating sa room. Nakita ko naman yung tatlong tukmol at yung asher na yon ay nakangisi na naman. Mahilig ba sya ngumisi? Dumating na ang teacher namin, nakikinig lang ako ng marinig ang usapan ng tatlong tukmol sa harap ko.
"Sigurado kana ba dyan pre?"
"Oo nga tsaka wala na kayo mag move on kana!"
"Sasama ba kayo o hindi?"
"Oo na sasama na may magagawa ba kami?"San kaya sila pupunta? Di naman ako chismosa sadyang narinig ko lang usapan nila. Siguro mambabae sila. Pero kung mambababae baket sabi nila move on? Ano kaya ibig sabihin non? Nabalik ako sa sarili ko ng kalabitin ako ni liana. Lunch na pala! Ganon naba ko kawala sa sarili kanina? Tsaka bakit koba kasi sila iniisip? Diko nga sila kaibigan e!
Nasa cafeteria kami ngayon at naglalunch. Napansin ko ang nga tinginin samin ng iba. Ano meron ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Sabagay ngayon lang nila kami nakita e haha! Nagtatawanan lang kaming magkakaibigan ng may lumapit saming babae. Sobrang ganda nito at mukang anghel. Maiksing buhok at kulay pink na labi. "Hello bago kayo dito?"nakangiting tanong nito. Nag nod lang ako sa kanya, nakakahiya kasi sa kanya. "May nakaupo ba dito? Paupo ah!"nakangiting sabi nya tsaka umupo. "May nakita kaba tsaka umupo kana e"kahit kailan ang taray talaga ni liana. Imbis na mainis sya sa sinabi ni liana ngumiti pa rin sya. Diba sya nangangawit palagi sya nakangiti. "Alam nyo ang cute nyong tignan"kinikilig na sabi nya. Hala ang cute nyaaa! "Alam namin"walang ganang sabi ni liana. Siniko ko sya at tinignan ng masama. At aba iniripan lang ako ng gaga. Nakakahiya naman dito sa babae sinusungitan nya. "Ano nga pala pangalan nyo?"tanong nito at sinimulan ng galawin ang pagkain nya.Binaba ni kyxen ang libro nya at inayos ang salamin. "Kyxen Chua"sabi ni kyxen at ngumiti. Tumingin naman sya kay liana na mukang inaantay ang pagpapakilala. Napabunting hininga ang gaga at nagsalita "Liana Clurx"ngumiti ito pero nagmuka lang plastik. Tumingin naman sya sakin kaya nginitian ko sya. "Zyxhia Mitch Avery"pagpapakilala ko. "Ang cute naman ng names nyo. Ako nga pala si Liza Rivera" Napahinto ng magpakilaka sya. Liza? Sya yung pinag uusapan ng mga babae sa cr? Kaano ano nya si asher? Magtatanong na sana ko ng magsalita ulit sya. "I need to go may pupunta pa pala ko. Masaya kong makilala ko kayo. Sana maging kaibigan ko kayo. Bye!"tsaka umalis. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makita ko sila asher, nakasalubong nya si liza at sinundan nya ito ng tingin. Ano meron sa kanila? Tinapik lang ito ng kaibigan nya at pumunta sa isang table. Nakita kopa ang seryoso nilang pag uusap. Diko sila marinig dahil masyado silang malayo, pero alam kong seryoso sila. "Hey okay ka lang ba?" tanong ni liana sakin. "H-huh ako okay? Oo naman tara na baka malate tayo"tumayo agad ako at lumakad paalis. Ayoko ng isipin sila, tsaka wala naman ako pake.
YOU ARE READING
Dare to Love
RomanceWhat if isang laro lang pala ang lahat? "Zyxhia avery, nag iisang anak ng isa sa may pinaka malaking company sa iba't ibang bansa. Tahimik at masaya ang buhay kasama ang pamilya at kaibigan hanggang sa isang araw may isang taong darating sa buha...