LIANA POV
Kakatapos lang namin magpractice at sa wakas nag karoon din ng lakas loob si zy na kumanta, ewan koba kasi jan sa babaeng yan napaka mahiyain basta kakanta sya. Dahil bored at busog na naman kami napag isipan namin ni khalil na magpahangin muna sa may garden, masarap ang hangin dito lalo't gabi na. Naglalakad kami ni khalil at magkatabing umupo sa duyan. Hindi ko alam pero sobrang komportable ko kay khalil, siguro dahil nakikita ko ang ugali nito sa dati kong boyfriend, hays sobrang namimiss na kita dave pero kahit papaano nawawala na minsan sa isip nya ang pagkamatay ng boyfriend nya, hindi nako masyado nalulungkot at sinisisi ang sarili kung bakit sya namatay.
"Ang lalim naman ng iniisip mo abot naba yang mars?"pang iinis ni khalil. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Joke lang hehe"pang babawi nito sabay peace sign. "Cuteee"sabi ko at pinisil ang pisngi nya at kita nya ng pamumula nito kahit madilim na. "Muka kang kamatis HAHAHAHAHAHAHAHA"tawang inis ko sa kanya na mas lalo nyang ikinapula. "Ah ganon?"tanong nito at sinimulan kong kilitin.
"HOY HAHHAHAHAHAHAHAHA STOP NA HAHAHAHAHHA KHAL- HAHAHAHA TAMA NA PLEASE"tawa ko sa pangingiliti nito. At ng mapagod ito ay kusa din itong tumigil. Napatingin sya sa langit at sinabing "Ang ganda" nakakamangha yung mga star sobrang dami at sobrang ganda,alin kaya dyan si dave? tanong ko saking sarili. Bigla na lang sya nangiti ng maalala ang masasaya nilang alala ni dave sa ilalim ng mga stars.
flashback.
"Sobrang ganda ng mga bituin"sabi nya habang nakahiga sila ni dave sa ilalim ng malaking puno habang nakatingin sa kalangitang puno ng bituin.
"Mas maganda ka dyan mahal"pambobola ni dave. Bigla nmang namula si liana sa sinabi ni dave sa kanya,pabiro nya itong hinampas sa dibdib "Binobola mopa ko mahal ah"sabi nito. "Totoo sinasabi ko mahal"sabi naman ni dave. Napangiti na lang sya sa kasweetan ng boyfriend nya, palagi ganyan sa kanya si dave hindi nya ipaparamdam sayo na panget ka kundi paulit ulit pa nyang sasabihin sayo na ang ganda mo at ituturing kapang prinsesa, kaya naman masasabi nyang swerte sya kay dave at sigurado na sya dito. "Gusto mo tong lugar nato?"biglang tanong ni dave sa kanya."Oo naman mahal,balang araw gusto ko dito tumira, tahimik , masarap hangin at kitang kita kalangitan"sagot nito. "Atin na to mahal"sabi ni dave kaya namn taka syang tinignan ni liana. "Ano sinasabi mo dyan?"tanong nito sa boyfriend.
YOU ARE READING
Dare to Love
RomanceWhat if isang laro lang pala ang lahat? "Zyxhia avery, nag iisang anak ng isa sa may pinaka malaking company sa iba't ibang bansa. Tahimik at masaya ang buhay kasama ang pamilya at kaibigan hanggang sa isang araw may isang taong darating sa buha...