ZYXHIA POV
Isang linggo na nakakalipas simula nung mangyare yung sa office. Wala kong pinag sasabihan kahit kanino na wala na ang first kiss ko, kahit kila liana at kyxen pa na bestfriends ko. Simula mangyare noon medyo nagkaiwasan kami ng grupo nila asher. Minsan nakikita ko sila tumitingin samin habang nag uusap. Hindi na rin palaging naka ngisi si asher, nakakapanibago nga sya e.
Maaga kami nagising ngayon. Napag desisyunan kasi namin na mag work out. Sunday ngayon kaya marami kaming oras. Uuwi sana kami kaso sabi nila mommy wag na daw wala naman daw sila don kaya wala daw kaming madadatnan kung sakaling pupunta kami. Nandito kami sa may garden para mag workout, medyo maganda kasi ang panahon kaya mas gusto namin dito mag work out.
"Girls gusto ko mag shopping punta tayo sa mall after nito ah"pag aaya ni liana.
"Liana kailangan ko mag review!" Minsan iniisip ko diba napapagod si kyxen kakabasa? Palagi na lang syang nakaharap sa libro nya.
"Liana masama pakiramdam ko next time na lang" Actually kahapon pa masama pakiramdam ko. Ayoko sanang sabihin sa kanila kasi alam kong mag aalala sila pero etong si liana nag aaya pang mag mall eh ang dami dami na nyang damit sa walk in closet nya."Okay sige pahinga kana lang"nakasimangot na sabi nito. Argh bat ba sya gumaganyan? Alam naman nyang ayokong nakikitang ganyan ang itsura nya. Nakakapangsisi tuloy na di namin sya sinamahan. "Fine pupunta tayo sa mall after nito"sabi ko at kita kong nagliwanag ang muka nya. Mga ngiting muntik pang umabot sa mars. Natawa naman ako sa kanya dahil para syang batang binilan ng candy. "Hey dipa ko pumapayag no!"mataray na sabi ni kyxen. "Pahinga mona rin to kyxen, lagi kana lang kaya nakatutok sa libro mo. Magpahinga kana naman" Totoo naman kasi dzuh. Ngayon lang ata natanggal ang libro sa paningin nya. Simula kahapon libro na ang kaharap nya. "Fine may magagawa bako" napangiti na lang ako sa kanya. "Waaaahhhh!!! Thankyousomuch promise saglit lang tayo don"sabi ni liana habang nakayakap samin ni kyxen. Niligpit na namin yung nga gamit namin at nag ayos. Nakadress lang ako at flat shoes, dala ko rin ang favorite lv bag ko na color pink. Paglabas ko ng pinto ay saktong paglabas din nila. Tapat tapat lang kasi ang kwarto namin. Napangiti naman ako ng makita sila. Pare parehas kaming naka dress at flat shoes. Siguro nasanay na rin kami sa tuwing aalis kami eh palagi ka ming naka dress.
Lumabas na kami at sumakay sa kotse. Nagprisinta ako na ako na ang magdadrive. Habang papunta sa mall pinapatugtog syempre namin ang favorite naming blackpink. "Ice cream" ng blackpink ang pinapatugtog namin. Bagong kanta yan ng blackpink at swear sobrangg ganda!!
Kanta lang kami ng kanta hanggang makarating sa mall. Dumiretso muna kami sa isang restaurant para kumain. Habang kumakain napansin ko si liana na nakatingin sa may pinto ng restaurant. Tinignan ko din kung anong tinitignan nya pero diko makita,masyado kasing madaming tao. Siniko ko sya"Sino tinitignan mo?"sabi ko habang nakatingin pa din sa pinto ng restaurant. "Diba sila khalil yon?"taka naman ang napatingin sa kanya. "Khalil? Sinong khalil?" Takang tanong ko. Wala naman kaming kaibigang khalil ang pangalan. " Oo nga sila lucas yon diba?" taka ko din syang tinignan. "Teka sino naman si lucas? Sino ba yang mga sinasabi nyo ha" Iritang tanong ko. Malay koba sa kanila diko naman kilala sinasabi nila. "Khalil sya yung kaibigan ni asher" paliwanag ni liana, tumango naman ako dahil naalala ko na yung khalil na yon yung kasama nya nung niligtas nya ko don sa office. Tumingin naman ako kay kyxen na para bang hinihintay ang explain nya."Lucas,kaibigan din ni asher" paliwanag din nya. "Teka sya ba yung katitigan mo dun sa library?" Kasi pag kakaalam ko may katitigan sya don. "Hoy anong katitigan? Meron ba kaming dapat malaman?" usisa ni liana. Umirap naman samin si kyxen. Sungit naman neto nag tatanong lang e. "Wala okay tsaka diko sya katitigan non"sabi nito at umiwas ng tingin. Wee? Kala naman nya maniniwala kami sa kanya. Kilalang kilala ko kaya sya. Kahit nunal sa katawan na meron sya eh bilang ko. Psh. Bumalik na lang kami sa pagkain hanggang sa..
YOU ARE READING
Dare to Love
RomanceWhat if isang laro lang pala ang lahat? "Zyxhia avery, nag iisang anak ng isa sa may pinaka malaking company sa iba't ibang bansa. Tahimik at masaya ang buhay kasama ang pamilya at kaibigan hanggang sa isang araw may isang taong darating sa buha...