Chapter 4

10 1 0
                                    

LIANA POV

Nasan kana ba zy!? Kanina pako hanap ng hanap sa kanya pero wala. Kasama pa naman nya yung asher na yon. Lakad takbo ang ginagawa ko para mahanap sila. Mag gagabi na rin kasi kailangan kona syang makita. Naghiwalay kami ni kyxen para mas madali namin syang makita.

Saan ba kasi yung office ni Ms.Smith? Bago kasi kami dito kaya hindi ko pa alam ang nga pasikot sikot sa school nato. Hindi ko nga alam kung nasan nako. Liliko na sana ako papunta sa isang building ng may mabangga ako. "Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" iritang sabi ko. Bulag ba sya? Nahulog tuloy itong paborito kong LV bag tss. "Excuse me lang ah ikaw ang bumangga sakin!"at aba sasagot pa tong unggoy nato!"Pwede ba wala ko panahon para makipag away sayo!" Aktong aalis nako ng magsalita sya ulit. "Kayo ng mga kaibigan mo ang bago dito diba" teka parang namumukaan ko sya. San nga ba yon. Hmm oo nga tama sya yung kaibigan ng asher. "Oo diba kaibigan ka ni asher? Alam moba kung nasan sya?"baka sakaling alam nya kung nasan sila. Nag aalala nako kay zy hindi ako komportable na kasama nya yung asher na yon! "Hindi pero pupunta ako ngayon sa office ni Ms.Smith baka sakaling andon pa sila."sabi nito. "Uhm pwede bako sumabay papunta don? Nag aalala na kasi kami kay zy e"kamot batok kong sabi. Tumawa ito na pinagtaka ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Ayoko nga! Pagkatapos moko sungitan kanina hahaha manigas ka!"ano ba problema nya? Nauubos lang ang oras ko sa kanya."Ediwag kala mo naman gusto kita makasabay! Tse dyan kana nga!" Aktong aalis nako ng hawakan nya ang braso ko. Tinaggal ko yon dahil kinikilabutan ako. "Joke lang tara na nga lakad na tayo"sabi nito at nagsimula ng maglakad.

Sumunod lang ako sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad. Medyo malayo na rin ang nalalakad namin. Ayoko mang kasama tong lalaking to wala ko magagawa. Baka nga kasi nandon si zy. Baka kung ano na ginagawa ng lalaking yon sa kanya.

"So ano pangalan mo? Kanina pa tayo naglalakad pero diko man lang alam pangalan mo"tanong nito. "Wala kana don bilisan na nga lang natin" iritang sagot ko. "Sungit mo naman"sabi nito habang nakapout. Seryoso muka syang ewan sa ginagawa nya. Bumalik sya sa pag ngiti nya. Napapansin ko lang ah kanina pa sya nakangiti. Hindi ba sya nangangawit? Lumingon ito sakin ng nakangiti. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya. Ibig kong sabihin yung mga ngiti nya. Argh ano ba nangyayari sakin? Umiwas na lang ako ng tingin, hindi ako komportable. Tumawa naman ito ng mahina"Ako nga pala si Khalil Smith"pagpapakilala neto. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "Liana Clurx" bored na sabi ko.

"Nice to meet you Liana"sabi nito sabay kindat.

ano tong nararamdaman ko?

KYXEN POV

Nasa library ako ngayon. Hinahanap ko si zy tsaka si liana pero diko sila makita. Ang usapan namin ni liana sa harap kami ng library magkikita tutal wala pa naman sya magbabasa muna ko. Pagpasok ko sa loob walang katao tao kahit isa. Pagabi na rin kasi at tanging librarian lang ang nandito. Kumuha ako ng isang libro at nagbasa sa dulo ng bahagi ng library nato. Ayoko kasi ng istorbo sa oras na magbasa ako, tanging sila liana lang ang pwede mang gulo sakin. Sanay na rin kasi ako na palagi nila ko ginugulo dahil masyado na daw ako matalino para magbasa. Narinig ko pang bumukas ang pinto ng library. Saglit ko iyong sinilip dahil baka sila liana na kaso hindi. Lalaki ito at hindi ko mamukaan dahil nakatalikod habang pumipili ng libro. Bumalik ako sa pagbabasa dahil wala naman akong pake sa kaya haha! Bad kyxen. Basa lang ako ng basa ng marinig ko syang umupo sa harap ko. Seryoso ba sya dyan? Ang daming bakanteng upuan. Tss nagbasa na lang ako at hindi sya pinansin.

"Hi miss kayo yung bago diba? Hinahanap mo din ba kaibigan mo?" tanong nito sakin. Bat alam nya na hinahanap ko ang kaibigan ko? Binalingan ko sya ng tingin at dun ko nakita na parang pamilyar sya sakin. Inilagay kopa sa isip ko ang daliri kona para bang nag iisip. "Aha! Ikaw yung kaibigan ni asher diba?"tama sya yon di ako pwedeng magkamali. Tumawa ito ng mahina"Ang cute mo naman. Tama ako nga" ano sabi nya cute ako? Umiwas ako ng tingin dahil ang init ng pisnge ko dahil sa sinabi nya."Alam moba kung nasan sila?"tanong ko habang nakayuko at nagbabasa ng libro. "Oo wag kang mag alala pumunta na sila don sa office ni Ms.Smith kasama nya yung isa mo pang kaibigan sabi nila dito na lang daw ako pumunta dahil ang usapan nyo na daw dito kayo magkikita"paliwanag nito. Nag nod naman ako sa kanya biglang pag sagot. Kasama ni zy si asher. Si liana at yung isa pa nilang kaibigan at ako kasama ko naman tong lalaking to. Weird haha! "Ako nga pala si Lucas Smith" pagpapakilala nya. Wala naman sigurong masama kung magpakilala ako sa kanya tsaka isa pa mukang mabait naman sya. "Kyxen chua" nakangiti kong sabi sa kanya. "Mahilig kang magbasa?" nag nod lang ako sa kanya bilang pag sagot. "Parehas pala tayo"sabi nito. "Mukang magkakasundo tayo haha!" sabi ko sa kanya. "Alam mo ang gaan ng loob ko sayo" Lah ano daw? Bumilis tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya. Magaan din naman ang loob ko sa kanya kasi siguro may pagkakaparehas kaming dalawa. Pero ang weird ng nararamdaman ko. Hindi ako komportable. Nagbasa lang kami ng nagbasa. Hindi na kami kumibo parehas siguro ayaw din nyang naiistorbo sya kapag nagbabasa. Nakailang oras kami dito pero wala pa din sila. Nasan na kaya sila nag aalala nako. Tapos nako magbasa kaya binaba kona ang libro ko. Hindi pa tapos si lucas magbasa kaya tinignan ko lang. Napansin ko ang napaka amo nyang muka. May makapal na kilay,  mahabang pilik mata, matangos na ilong at kulat pink na mga labi. "Baka matunaw ako nyan ah" Tatlo ba mata nya? Baket nya ko nakikita? "Napansin ko lang"pahabol nya. Nakakabasa din sya ng ng isip? Ibang klase tong lalaking to. Ibinaling kona lang sa iba ng mga atensyon ko. Niligid ko ang paningin ko sa library. Ngayon ko lang napansin na maganda to. Mas malawak tong library nato kesa sa dati nating school. Isa pa kasi kaya ako pumayag na dito mag aral kasi narinig ko ang sabi sabing maganda daw ang library dito. Tama naman sila dahil maganda naman talaga. Nililibot lang ng paningin ko ang buong library ng makita ko si lucas na nakatingin sakin. Napalunok naman ako ng mahagip ng mga mata ko ang kulay pink nyang labi. Argh ang weird talaga. Magkatitigan lang kami, hindi ko alam kung gano katagal basta ang alam ko lang. Nakatitig sya sakin at nakatitig ako sa kanya.

weird talaga.

ZYXHIA POV

Nakikita ko mula sa bintana na pagabi na. Ilang iras din kaming nandito. Ewan koba wala ba talagang dumadaan dito? Masyado kasing malayo tong office ni Ms.Smith. Nilibot ng paningin ko buong office. Maganda sya pero mukang luma. Ang kaibahan lang ng office na to ay parang bahay. Merong kusina sa dulo ang office nato. Sa gilid naman nito ay may cr na maliit. Meron ding maliit na dinig table at maliit na kama. Meron din sofa na hindi ganon kalaki at sa tapat nito ay isang flat screen tv. Pagpasok mo naman makikita mo agad ang table nya na sa tingin ko ay ginagamit nya pang office. Actually muka syang maliit na bagay at hindi office dahil kumpleto ang gamit dito.

Napansin ko si asher na nakaupo habang nakatingin sa langit. Lumapit ako sa kanya at tinignan din ang langit.

"Ang dami ng stars sa langit"sabi ko habang nakatingin sa langit. Muka naman syang nagulat dahil hindi nya ata napansin na naupo ako sa tabi nya. Tinignan ko saglit ang phone ko at mahigit 2hours na pala kami dito. "May dumadaan ba dito?"tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin "Oo kaso bihira lang"sagot nito. "Paano tayo makakaalis dito?" tanong ko ulit. Bumuntong hininga sya at tinignan ulit ako. "Alam nila khalil na andito tayo kaya sure akong pupunta sila dito" paliwanag nito. "May tanong kapa ba?" Inis na tanong nya. Umiling na lang ako. Sungit naman neto dalawa lang naman yung tinanong ko e.  Hindi na kami kumibo pagtapos non. Baka sungitan na naman ako e. Daig pa nya babae pagnakakaroon dahil sa kasungitan nya. Nakatingin lang ako sa langit ng mapansin kong tulog na si asher. Tulog naman sya kaya wala naman siguro masama kung titignan ko sya. Ang gwapo pala talaga nya at sobrang amo ng muka kapag tulog. Kapag tulog lang syempre. Ang makapal na kilay nya at ang ang mahahaba nyang pilik mata. Ang matangos na ilong at ang makinis na muka. Ang ang huli ang mapupula nitong labi. Nakatitig lang ako sa kanya ng makita ko ang pagmulat ng mata nya. Napatitig ako sa mata nyang kulay brown. Sobrang ganda neto at parang pinipilit kang titigan sya ng matagal. Nagulat ako ng hilahin nya ko papalapit sa kanya at yakapin. Nakakulong ako sa mga kanyang mga balikat. Nararamdaman ko ang mainit nyang hininga at ang mabilis na tibok ng puso neto. Pinilit kong kumawala pero mas hinigpitan pa nya. Sinilip ko sya at nakita ko na nakapikit na sya. Hinayaan kona lang ang ganong pwesto namin hindi ko alam pero komportable ako. Ano ba tong nararamdaman ko?

"Iloveyou liza" sambit nito.

Kumawala ako sa kanya. Mali ito, hindi ako liza. Hindi dapat ako ang nandon at dapat si liza yon. Nagulat ako ng hilahin nya muli ako dahilan para makahiga ako. Nakapatong sya sakin at kitang kita ko ang mga mata nya. Dahan dahan syang lumapit sakin at pinagdampi ang aming mga labi. Ramdam ko ang malambot nyang labi. Dahan dahan nyang ginalaw ang aming mga labi, ewan ko pero sinundan ko lang ang ginagawa nya. Ano ba tong nangyayari sakin?

Nagulat ako ng marinig ang boses ni liana habang kumakatok. "Zy andyan ba kayo?"sigaw nito mula sa labas ng pinto. Sa gulat ko ay tinulak ko si asher palayo sakin. Kita ko sa mga muka nya ang gulat dahil sa ginawa nya. Teka yung halik na yon? FIRST KISS KO YON!? OMYGHAD WALA NA YUNG FIRST KISS KO!? SA KANYA KO NABIGAT FIRST KISS KO!? ARGHHHH PESTE TALAGA!!!

Tumayo ako don at kinuha ang ang bag ko. Lumapit ako sa pintuan at huminga ng malamin bago magsalita. "Liana nandito ako please ilabas nyo ko"sabi ko sa kanya. Hindi kona kaya dito. Maisio kopa lang na wala na ang first kiss ay parang maiiyak nako. Wala na talaga first kiss ko. Sabi ko sa sarili kona sa first boyfriend ko yon ibibigay e! Wala na ang first kiss ko waah!!! Mommyyy!!!

Narinig ko ang pagsipa nila sa pinto kaya medyo lumayo ako. Nang mabuksan yon nakita ko si liana at kita ko sa kanya ang pag aalala nya. Niyakap ko agad sya at umiyak. "Shh andito nako, tara na umuwi na tayo"inalalayan nya ko papunta sa library dahil nandon daw si kyxen at hinihintay kami. Nakita ko si kyxen at yung kaibigan ni asher na magkatitigan. Tinawag sya ni liana at nakuha naman ang atensyon nya. Taranta syang tumayo at kinuha ang bag nya. Lumapit sya sakin at niyanap ako. "Okay ka lang ba?"alalang tanong nya sakin. Nag nod naman ako sa kanya. Wala ako sa mood  ngayong naisip kopa lang na wala na ang first kiss ko parang gusto kona humagulgol. Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse. Si liana na ang nagdrive dahil wala talaga ko sa mood. Nakita kola si asher na nakatingin sakin kaya umiwas ako kasabay ng pagharurot ng sasakyan. Napahawak ako sa labi ko. Wala na talaga ang first kiss ko. Gusto kong umiyak. Arghhh nakakainis di ako nag iingat. Pero bakit ganon? May iba akong naramdaman. Ang weird lang.

Normal paba to?

Dare to LoveWhere stories live. Discover now