Chapter Two (Bond Together, I Hope It Will Last Forever)

86 2 0
                                    

Kinnah's POV

Nagising ako sa ingay na narinig ko sa......baba?
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at Teka? Paano?

"Paano ako napunta sa kwarto ko?" Napabalikwas ako ng bangon nung naalala ko ang nangyari kanina pero nung akma akong tatayo ay bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Hey, stop Baka mapano ka pa niyan" ~sabi ni.....Cadmus? Habang inalalayan ako paupo pabalik sa aking kama.

Teka?, Paano siya nakapasok dito sa kwarto ko?, kanina pa kaya siya nandito?

"Hey, tell me what happen?"

"Anong hey may pangalan ako, at anong tell me what happen nakaka-nosebleed ka magtagalog ka nga" naknang nasa Pilipinas tayo English ng English?

"Pfffttt.... Ang cute mo talaga *wink*" sabay kurot sa aking pisngi.

"Ngayon nagsalita ka na ng Tagalog bobolahin mo na naman ako, Ano ba ang nangyari kanina at Paano ako napunta dito?"

"First, lutang ka na naman."

Yeah, lutang girl ako eh

"Second, yes hindi yun mga barkada natin yung Nakita mo kanina, dahil andun silang lahat sa kwarto nila Ashley upang isagawa yung surpresa na plinano mo mismo."

So nakita niya rin  pala yun.

"Third, sinundan kita dahil masama ang naging kutob ko, Baka kung ano na ang mangyari sayo"

Kung ganun Nakita niya ang ginawa sa akin ni Brown-Eyed-Guy.

"At huwag  kang mag-alala dahil wala akong narinig sa mga naging usapan niyo."

Eh wala ka talagang maririnig kasi hindi naman kami nag-uusap.

"Then, nahimatay ka na dun na ako lumapit sayo at dinala kita dito sa kwarto mo."

*Tinignan ko siya ng masama*
Baka kung ano na ang ginawa niya kay Brown-Eyed-Guy nung nahimatay ako.
Takaw gulo pa naman Itong si Cad.

"Fourth, wala akong ginawang masama dun sa kausap mo dahil di ko na alam ang gagawin ko, at paglingon ko ay wala na siya pati na din yung mga kasamahan niya. Kung makatingin ka naman parang may ginawa akong masama"

"Kilala kaya kita, wala kang sinasanto, ang takaw mo kaya sa gulo"

"O, inumin mo muna 'tong gamot mo upang maibsan yang pagkahilo mo at ang pananakit ng iyong ulo" inabot niya sa akin ang isang gamot at isang baso ng tubig. At ininum ko yun ng walang pag-aalilangan.

"Salama-"

Tok  Tok  Tok  Tok  Tok

"Kinnah? Cad?" ~tawag sa amin ni Ray at pinihit niya ang doorknob upang buksan ang pinto ngunit naka-lock pala ang mga ito.

My Queen Is The Next Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon