Chapter One (Brown-Eyed-Guy)

269 5 0
                                    

Don't forget to vote and comment...
-------------------------------------------------------------

Chapter One: Brown-Eyed-Guy

Kinnah's POV

"Good morning class, since I'm twenty minutes late, let's just have an oral recitation for today and I will call you randomly. Understood?" ~bungad sa amin ni Ms. Veista pagkapasok niya sa room.

Hugot o quote na naman ang ipapagawa nito o ang ipapa-oral. Siya si Ms. Chandria Alyannah Veista ang guro namin sa EsP.

"I will give you five minutes to think a quote about What is the meaning of TIME for you, base on your experiences. The timer starts NOW" ~dagdag pa niya.

Tama nga ako Hugot o quote ang ipapagawa niya, parati nalang, kaya kabisado ko na yan si Ms. Veista.

Ano kaya ang magandang quote parati maganda din ang makuha Kong marka? May pa base on your experiences pa siyang nalalaman palibhasa HUGOTERA QUEEN Siya eh

Lahat nalang ng bagay binibigyan ng kahulugan, at naging dahilan upang mas lalo kang masaktan, dahil hanggang kaibigan lang ang kaya niyang isukli sa iyong nararamdaman.

Ayyyttt... Ang lakas maka-hugot eh wala namang pinanghuhugutan, Ano ba yan ang corny naman. PSH....

"Smith" ~tawag sa akin ni Ms. Veista na nagpabalik sa akin sa realidad.

Lagot, lumipad na naman kasi ang utak ko. Wala pa pala akong naiisip na quote at nakatingin pa talaga silang lahat sa akin. Kaya no choice na ako at tumayo na.

*sign of the cross*
Wish me luck, bahala na si batman

Magsasalita na sana ako, pero nagsalita ulit  si Ms. Veista.

"Smith, sampung minuto nalang ang natitira at panghuli ka na. Siya na naman ba ang iniisip mo Kinnah?, ako yung nandito pero siya yung iniisip mo."

Yan na nga ba ang sinasabi ko, ano pa nga ba ang bago sa pagiging HUGOTERA QUEEN niya.

"Oooowwwwwssssss" ~react naman ng mga kaklase kong sinasabayan ang trip ni Ms. Veista.

"Shhh.... Class quite, sige na Miss Smith sampung minuto nalang at next subject niyo na"

Okay, inhale, exhale. Relax bahala na kung ano ang magiging kalalabasan nito.

Kinakabahan talaga ako, ikaw kaya ang tawagin sa recitation niyo at wala kang maisip na kahit anong sagot.

Gosh, namental Block na talaga ako

"Time is free, but it's priceless.
You can't own  it, but you can use it.
You can't keep it, but you can spend it.
Once you've lost it, you can never get it back" ~panimula ko. Mabuti nalang at naki-ayon ang boses  ko kaya di ako nautal kahit abot-abot na yung kaba ko.

My Queen Is The Next Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon