8

14 1 0
                                    

"Sino ka?" tanong ko rito habang nakaturo sa kanya ang katana ko. Nararamdaman ko ang pag punta ng kapangyarihan ko sa armas ko kaya napaligiran ito ng puting ilaw. Nakita ko rin na nilabas na nina Ethan ang kanilang mga armas at napapaligiran na ito ng kapangyarihan nila.

"Talia" Wika nito at nanlaki ang kanyang mga mata ng Makita ang katana ko. "Woah that's so cool, paano nyo yun nagawa?" tanong nito habang paikot nitong tinitingnan ang katana ko, di ko na namalayan na nasa harap ko na sya. Napatalon ako palikod habang nakatutok pa rin sa kanya ang katana ko.

"Kalma lang kayo guys chill" she giggled ng makitang seryoso ang mga mukha namin.

"Who are you?" Tanong ni Ethan. Napakamot naman sa ulo ang babaeng nasa harapan namin. "Di ba kayo nakikinig sa'kin kanina?" Pabuntonghininga niyang wika sa amin.

She cleared her throat at saka umayos sya ng tayo. "Hello everyone, I'm Talia at your service" after her introduction she silly salute on us.

"Kakampi ka ba o kalaban?" tanong ni Chloe, hindi pa rin namin binababa ang mga armas namin baka bigla kaming atakihin nitong nasa harap namin if we let our guard down.

"Ewan" she said while giggling. "Umayos ka ng sagot kung ayaw mong patayin ka namin" inis na wika ni Chloe sa kanya.

"Sure kayo? Di kayo makakaalis dito ng buhay kung papatayin nyo ako. Di nyo rin maproprotektahan si Chesney kung di kayo susunod sa akin" We stilled when we heard her say the princess' name, bakit nya kilala si Chesney? Who is this girl?

"Well, mahirap nga naman pagkatiwalaan ang taong di nyo lubos na kilala" napatungo na lang siya habang ang mga kamay ay nasa bewang nya. Maya-maya ay napasuntok siya sa palad nya at tumingin sya sa amin na parang may naisip syang masamang plano pero nawala din ito at bumagsak ang kanyang katawan sa sahig habang pinagsusuntok niya ng mahina ang lupa.

"Sumunod na lang kayo pinapasakit nyo ang ulo ko sa pag-iisip kung paano kayo susunod sa'kin. Di ba kung masama ako kanina ko pa kayo sinugod duh?! Mauubusan na tayo ng oras 5 minutes na lang at malalaman na nilang nakatakas na kayo hayst! Bakit ba palaging ganito mga taong kailangan kong tulungan? Minsan na nga lang maatasan sa Fantasy di pa ata magiging enjoyable tong experience na 'to!" Binaba ko na ang katana ko at dahan-dahan siyang nilapitan, nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"May sense naman yung unang sinabi mo pero yung huli di ko na gets. Talia can you promise us na mailalabas mo kami sa lugar na 'to?" Tumitig sya sa'kin bago tinanggap ang kamay ko, tinulungan ko syang tumayo. Pinagpagan nya ang sarili nya bago nakangiting tumingin sa amin.

"I promise! Ayos na rin pala dito gwapo ng mga lalaki here hihi" she said while giggling kahit hindi ko naintindihan ang sinabi nyo pagkatapos niyang mangako.

"Then it's settled, Miss Talia you may lead the way"wika ko dito habang nakaturo sa daan. Patalon talon naman siyang nag-lakad habang ang mga kamay ay nasa likod. Nakita kong binaba na rin ng dalwang kasama ko ang mga armas nila at sumunod na rin kay Talia. Gaya ng sabi niya kanina ay sa gitna kami dumaan pagkatapos nun ay lumiko kami sa isang pasilyo pagkalampas namin sa isang daan ay narinig namin ang takbuhan sa kabilang pasilyo. Makalipas ang mahigit isang oras ay natagpuan namin ang isang katamtaman na pinto.

"After you, misters and miss" she giggled after saying that, napailing naman kami at sumunod na sa sinabi nya. "Wait, Aamon!"

"Why?" may hinagis sya sa akin buti na lamang at nasalo ko ito. "Pindutin nyo yan pagkalabas natin"

Pumasok na kami sa pinto at bumungad sa amin ang mga naglalakihang puno. "Pindutin daw natin 'to sabi ni Talia" sabi ko sa dalawa at pinakita ang hinagis sa'kin kanina ni Talia.

The Arcane PendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon