"Pumili ka na ng kahit ano dyan, my treat!" sabi ko sakanya. Nagtatakbo naman siya sa may counter at umoorder, napailing-iling naman ako habang papalapit sakanya.
"850 pesos lahat-lahat sir" sabi ni ate girl. Napanga-nga naman ako sa sinabi ni ate. Ganun ba sya kagutom?
Itinulak ako ni Aamon papalapit kay ate. Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa at kumuha mula roon ng isang libo. Ang pera ko!!!!! Nag-aalangan akong ibigay kay ate ang pera pero sa huli ibinigay ko pa rin sa kanya.
Nang matanggap ko ang sukli, hinanap ng mata ko si Aamon. Nakita ko siyang nakaupo na habang patuloy sa pag-kain. Nag-lakad ako papunta sa kanyang pwesto. Hindi ko maiwasan matawa dahil parang ngayon lang siya nakakain ng pagkain. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang kumain. Buti na lang at kakaunti ang tao dito sa canteen, nakakahiya kasi itong kasama ko parang baboy kung kumain.
"Chesney, inorder din kita ng pagkain. Ito oh" sabi niya sa akin sabay abot ng isang chocolate cake at vitamilk. Napakunot naman ako ng noo.
"Hindi ako umiinom ng vitamilk" sabi ko sakanya
"Masarap yan tikman mo, Favorite ko yang flavor" sabi niya sakin habang iniinom din ang vitamilk nya. Bubuksan ko na sana iyon ng pigilan nya ako.
"I-shake mo muna bago buksan" sabi niya sa akin habang shinashake iyon at siya na rin ang nag-bukas. Iniabot niya iyon sa akin. Ininom ko naman iyon. Wow!!! Ang sarap!! Sabi ko sa isip ko.
"Sarap di'ba!" tumango-tango naman ako habang patuloy pa ring iniinom ang vitamilk ko.
Nang matapos kami kumain ay nag-yaya si Aamon na pumunta sa gymnasium pero tumangi ako sumama. Sabi ko sakanya ay kailangan kong umattend ng next subject ko. Nag-paalam na kami sa isa't-isa at nag-hiwalay na ng daan.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nag-lalakad. Aamon Bautista, anong ginagawa mo sakin!!
Aamon
Busog na busog ako sabi ko sa isip ko habang hinihimas ang tiyan ko.
Naisipan kong pumunta sa gym para makapag-libang, niyaya ko si Chesney pero tumanggi sya kaya ako lang mag-isa ang pupunta doon.
Humiga ako sa pinakadulong upuan at ipinikit ang mata ko. Habang natutulog, nakaramdam ako ng papalapit sa akin. Agad ko naman iyong sinalo.
"Is that the new way to wake me up, Dariane?" tanong ko dito habang nakapikit.
"Ang galing mo kuya Aamon" sabi ni Dariane habang pumapalakpak. Patalon ang bumangon at hinarap sya.
"Dariane wala ka bang klase?" tanong ko dito
"Tinatamad akong pumasok" sagot niya sa 'kin. Kinutusan ko naman siya.
"Anong sabi mo!!" Aba! Natututo na mag cutting, grade 7 pa lang sya.
"Kuya, Joke lang! Aray! Putik kuya masakit na ha!" sigaw niya sa akin habang pilit na tinatagtag ang kamay ko. Tumigil na ako at nag-indian seat ako sa harapan nya.
"Ano ipapautos nila?" nakangusong sabi ko.
"Hindi ko alam, pinapatawag ka lang nila sa 'kin" sabi nito habang inaayos ang buhok nya.
"Kuya ano bang ginagawa mo dito sa mortal University?" tanong pa nito sa' kin.
"Nag-rerelax" simpleng sagot ko.
"Tumayo ka na dyan at tara na bumalik sa University baka may makahalata pa dito na hindi tayo estudyante" sabi ni Dariane bago tumalikod sa akin at mag simulang mag-lakad.
BINABASA MO ANG
The Arcane Pendant
FantasyChesney knew she needs to rewrite her destiny.... But what if this destiny can never be change? Patuloy pa rin ba syang lalaban hanggang makuha nya ang karapat-dapat na tadhana para sa buhay nya o will she give up and let the destiny the way it was...