11

11 2 0
                                    

"Welcome to your home princess, my daughter, Chesney Adelaide Elizabeth Dela Vino"

What the heck! Seriously, bahay namin 'to? W-wait anong sinabi ni papa.

"C-Chesney Adelaide E-Elizabeth Dela V-Vino...... Ang pangalan ko?" the both of them nodded at me. I heard that name from before. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung saan ko iyo narinig. That fucking boy!

"Is there something wrong Chesney?" di agad ako nakasagot sa tanong ni Papa. Napatitig sila sa akin, I think they sensed na may mali kaya dumiretso kami sa study room ata ng ba-mansion na ito.

"Kahapon.. no hindi lang kahapon may pumasok sa kwarto kong lalake. I don't know who he is but nakalaban ko sya ng isang beses I can say he is very well trained dahil muntikan nya na ako matalo at bago sya umalis noon he said that name. At first di ko masyadong pinansin ang sinabi nya dahil di na naman sya bumalik pamula noon but kahapon nandoon muli sya sabi nya sa'kin..." tumingin ako sa kanila. "... Na he's there para sunduin ako pero hindi sya nagtagumpay dahil may sumugod sa kanyang tao, hindi ko nakita yung mukha nya dahil naka-cloak sya at bigla na lang silang nag-disappear dalawa"

Nagkatinginan sina Mama ng matapos akong mag-kwento. Pakiramdam ko ay may hindi sila sinasabing bagay sa akin. Parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Papa sighed bago tumingin sa akin.

"This may shock you but kailangan namin 'tong sabihin para sa kaligtasan mo"

"What is it?"

"May pupuntahan tayo para mas maintindihan mo ang sinasabi namin"

Tumayo sina Papa kaya kuryosong sumunod ako sa kanila. We went to a room; I think this is the study room. I'm about to ask a question when they turned around on me and said a weird word.

"tallya sari"

Parang may humila sa'kin pababa at parang masusuka ako sa naramdaman, napapikit na lamang ako. Nang umayos na muli ay napaupo ako sa sahig dahil sa hilo at unti-unti kong binuksan ang aking mata. My mouth fell when I saw the room.

"Ang ganda" I unconsciously said while looking around the room. Nang dahan-dahan akong tumayo ay inalalayan ako ni Papa. Di pa rin matanggal ang aking mata sa pag-ikot sa paligid. Umupo ako sa isang sofa na malapit sa akin, sinandal ang aking ulo at pumikit. Sumama ang pakiramdam ko sa nangyari kanina at pagtingin sa kabubuan ng silid na ito.

"Let's go" wika ni Daddy bago lumabas sa silid, tumayo ako sa kinauupuan at sumunod sa kanila. Malawak ang hallway na aming nilalakad at sa mga dingding ng mga ito makikita ay mga portraits at mga palamuti. Nang dumaan kami sa malaking salamin ay nakita ko mula roon ang mga batang nag-eensayo ng... Espada?!

"Chesney" pagtawag sa akin ni Mama. Napahinto pala sila ng maramdaman nilang di na nila ako kasabay sa paglakad. Muli akong sumulyap sa mga nag-eensayo bago nag-lakad papalapit kina mama, hinawakan ni mama ang aking kamay bago kami sumunod kay papa.

Dumating kami sa may hagdanan pababa, dumungaw ako at nakitang ang mga tao'y nakatingala sa amin. Lahat sila'y tumigil sa ginagawa at yumuko sa aming direksiyon pagkatapos nun ay bumalik na sila sa kanilang mga ginagawa. Nag-patuloy na nag-lakad hanggang makarating kami sa labas. Tumingin ako pabalik sa pinaglabasan namin at doon ko lang narealize na ang laki nito. Napansin ko ang isang malaking crest sa itaas ng pinto. May nakaukit na bulaklak na parang sampaguita at sa baba nito'y may nakasulat na 'Dela Vino', silver ang kulay ng pangalan na may outline na ginto. Napatitig ako doon ng ilang Segundo bago sumunod kina Mama. Naging mahaba-haba paglakad namin bago tumigil. Namangha ako sa lugar na aming pinasukan sapagkat kung ito'y titingnan mo sa labas ay maliit lamang ito pero ang laki ng loob nito. Huminto sa isang malaking salamin sina Papa at humarap doon. Akin din itong pinagmasdan at napanganga. I slap my face to see if I'm dreaming because what I'm seeing now feels so unreal. Sa kabila ng salamin na ito ay mga taong nagsasanay ng kanilang mga how should I call it? Uhmm...kapangyarihan? Ang iba'y nakatayo sa lupang kanilang ginawa, mayroon namang naglalaban gamit ang apoy. May pinasukang silid ang aking mga magulang kaya sumunod ako. Narinig ko ang mga sigaw ng mga nag-eensayo. Napatigil sila at yumuko sa amin bago muling bumalik sa kanilang mga ginagawa.

The Arcane PendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon