9

12 0 0
                                    

Napahawak ako sa puso ko ng biglang tumibok ito ng mabilis. Ba't parang kinabahan ako? Pinagsawalang bahala ko na lang ito at nag patuloy sa pag-susulat ng notes parsa sa klase namin ngayon. Matapos ang nangyari kahapon ay sinabi sa akin ni Jacob na nahimatay ako nang Makita nya ako. Hindi ko pa rin mapaliwanag ang nangyari kahapon, ako ba ang may gawa noon? Napahawak na lamang ako sa aking kwintas. It mades me calm pag nahahawakan ko ang kwintas ko. Napagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.

Natapos ang klase namin at nag-iingay na ang mga kaklase ko habang wala pa ang sunod naming guro. Lumapit sa upuan ko si Jacob, napatingin naman ako sa kanya. Ibinuka nya ang kanyang labi na parang may gustong sabihin pero itinikom nya ito at tumalikod sa akin. Problema nun?

Dumating ang sunod naming guro at dito na tumahimik ang klase namin. Nagsibalikan sila sa kani-kanilang upuan at inilabas na ang libro namin para sa subject na ito. Nagsimula ng magturo ito pero ang utak ko ay hindi makapag concentrate sa mga sinasabi nito. Habang nilalaro ko ang ballpen ko ay may kumatok sa pinto ng classroom namin. Napalingon ang lahat dito.

"The principal would like to excuse Miss Chesney Del Mundo, is she here?" tanong ng secretary ng principal namin. Anong kailangan nila sa'kin? Wala pa naman akong ginagawang katarantaduhan dito sa school, bakit pinapatawag agad ako? Napatingin naman ang lahat sa akin ng marinig ang pangalan ko.

"Miss Chesney pinapatawag ka" wika ng guro namin. Tumayo ako sa upuan ko at sumunod na kay Miss Secretary. Habang nag-lalakad kami ay hindi ko maiwasang mapaisip kong anong kailangan sa akin ng principal.

Nang nasa may tapat na kami ng pintuan ng Principal's office ay biglang umilaw ang kwintas ko. Nagulat ako sa pag-ilaw na ito, ngayon ko lang ito nakitang nagkaganoon.

"Pumasok ka na" wika ni Miss Secretary hindi ko na namalayan na nakabukas na pala ang pintuan ng office. Pumasok ako rito. "Wala po akong ginagawa pang kalukuhan ba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may yumakap sa akin. Napatingin ako sa paligid at bumungad sa akin si Aamon at iba pang mga tao. Napatingin ako kay Aamon ng may pagtataka sa mukha.

"Anak ko" wika nito habang yakap-yakap ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Sino 'to?

"W-wait lang po" sabi ko habang tinatagtag ang yakap nito sa akin. "Sino po kayo? Hindi po magandang yakapin ang isang taong di nyo kilala. Aamon nasaan ang principal pinapatawag daw nya ako"

Biglang umiyak ang babaeng yumayakap sa akin kanina. Agad itong dinaluhan ng isang lalake, siguro ito yung asawa nya. Humarap ako kay Aamon upang hinintayin kong may sasabihin sya pero ni isang salita ay walang siyang sinabi. Sinampal ko sya ng marahan para mabalik sya sa pag-iisip para masagot nya ang tanong ko.

"Chesney meet Mrs. Chelsy Adelaide Dela Vino and Mr. Harry Dela Vino, owner of Avila University" pagpapakilala ni Aamon sa dalawang tao. Nag-bow ako sakanila bilang pag-galang. "Hello Mr. and Mrs. Dela Vino, it's a pleasure to meet you" pag-bati ko dito.

"And Chesney.... They are your parents" parang nabingi ako sa huling sinabi ni Aamon sa akin. Ano daw? Parents? Silang dalawa? Itong nasa harap ko ang mga magulang ko? Napatahimik ako sa sinabi nya. Di ko alam ang sasabihin ko. Dahan-dahan lumapit sa akin ang dalawa, napaatras ako dahilan upang magulat sila sa ginawa ko.

"A-anak? Lapit ka dito kina Mama" umiiyak na wika ni Mrs. Dela Vino. Nakalahad siya ng kamay sa akin. Tiningnan ko ito bago dumapo sa kanila ang tingin ko. Napailing na lang ako bago tumakbo papalabas ng opisina. Narinig ko ang pag-tawag nila sa akin pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Tumigil lang ako nang makarating ako sa likod ng school namin kung saan ako pumunta kahapon. Nakita kong magulo ang lugar na iyon dahil sa nangyari kagabi pero wala akong pakialam gusto ko makapag-isa ngayon. Lumapit ako sa isang hindi sirang puno upang doon maupo.

"Tanginang buhay ito" wika ko sa kawalan. Isinubsob ko ang aking mukha sa tuhod ko.

"Tangina nga" napatunghay ako ng may magsalita. Lumingon-lingon ako pero wala akong makitang tao. "Sa taas sis" Napatingin ako sa taas ng puno at nakitang may komportableng nakasandal doon.

"Kung sino ka man, wala ako sa mood na makipagtalo. Umalis ka na dito" Pagkatapos kong sabihin yun ay narinig ko ang marahan na pagtawa.

"Nakita mo na ang tunay mong mga magulang. Anong gagawin mo ngayon? Wag mong isipin na lumayas dahil lalo lang magugulo ang buhay mo. Kausapin mo sila ng ayos para maliwanagan ka. Yan lamang ang masasabi ko ngayon Chesney, nasa iyo na ang desisyon sa oras na ito. Make your decision wisely Chesney. Have a happy ending" Wika ng babae.

"Ano bang prob-" sasagutin ko na sana sya pero biglang nawala sya sa pwesto niya kanina. "Princ- I mean Chesney" napalingon ako ng marinig ang boses ni Aamon.

"Gusto ko munang mapag-isa Aamon" sabi ko rito bago umupo muli at tumungo sa mga tuhod ko. Naramadamang kong umupo sya sa harapan ko. Sinilip ko ang ginagawa nya at nakitang parang batang pinag-lalaruan nya ang mga damo. Nang sumulyap siya sa akin ay agad akong tumungo muli. I heard him chuckled ng Makita ang ginawa ko.

"Alam mo ang hirap mong hanapin" napatawa sya sa sinabi. "Daming tao na rin ang sumubok para hanapin ang Prinsesa ng mga Dela Vino, pero wala talagang makakita maski anino mo. Nasa history na nga namin ang kwento mo 'The Long Lost Princess Chesney Adelaide Elizabeth Dela Vino' ganda ng pangalan mo diba. Nakita ko kung paano nangulila ang mga magulang mo sayo, pag-dadalaw kami sa bahay nyo nakikita ko kung paano umiyak si Tita habang yakap-yakap ang baby picture mo" napabuntong hininga siya. "Try to talk to them Chesney. We can't wait to welcome our princess; the world that you belong awaits you Chesney"

Napatingin ako sakanya, tipid siyang ngumiti sa akin. "Please talk to them Chesney" napatingin ako kung saan sya nakatingin at natagpuan ang dalawang mag-asawa kanina. Tumayo sya at inilahad ang kamay niya sa akin, tinanggap ko ito. Pagkatayo namin ay umalis na siya, patalikod siyang kumaway sa akin. Napangiti naman ako sa ginawa nya. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanilang dalawa. Nakatitig lang silang dalawa sa 'kin habang nag-lalakad ako papalapit sa kanila. Nang makalapit sa kanila ay ibinuka ni Mrs. Dela Vino ang kanyang mga braso sa akin.

Doon na nagsimulang maglabasan ang aking mga luha agad akong yumakap sa kanilang dalawa. Parang batang umiyak ako sa mga bisig nilang dalawa.

"Bakit? B-bakit ngayon lang kayo nag-pakita sa'kin? Pamula noong nalaman kong ampon lang ako p-palagi akong naghihintay sa inyo. Bakit ang tagal nyong hanapin ako? I waited for so long M-Mama, P-Papa" umiiyak na wika ko sa kanila. Tanging 'mahal na mahal ka namin', 'sorry' at 'I love you' lamang ang narinig ko sa kanila. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Alam kong mahal na mahal ako nina Mommy at mahal na mahal ko rin sila, itinuring nila akong tunay na anak and I'm thankful for that pero iba pa rin talaga kung nalalasap mo ang pagmamahal ng tunay mong mga magulang.

Nang tumigil ako sa pag-iyak ay yakap-yakap pa rin nila ako. I smiled; I wish time would stop for now. I want to enjoy this feeling.

"Anak ok ka na ba?" tumango ako bilang pag-sagot. Siniksik ko ang aking katawan sa pagitan nila.

"I'm sorry sa naging asal ko po kanina" mahinang usal ko. "It's ok anak"

Nagtagal kami ng ilang oras doon bago nila ako iginaya paalis sa lugar na iyon. Tahimik lang ako hanggang makarating kami muli sa office. Nang pumasok kami ay napatayo lahat ng nandoon, may mga bagong mukha akong nakita na wala doon kanina. Nakatitig silang lahat sa akin na parang mawawala ako pag kumurap sila. Tumikhim si Papa upang kuhanin ang kanilang atensyon.

"Everyone, at last, we found her, we found our daughter"

***


Follow me on twitter: @MafiaPrincess4_

The Arcane PendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon