Chapter 5

7 0 0
                                    

Kinabukasan nagising ako ng may kumakatok sa pinto ko. Pero mejo kumikirot ang ulo ko kaya di ko pinansin.

Ugh.. Di maganda ang tulog ko may nightmare ako kagabi na nag talo kame ng family ko dahil ipapakasal nila ako kay sungit. Tss..

As if naman papayag ako..

Nakaka annoy na yung pinto kaya tumayo na ako pero laking gulat ko nung makita ko na same pa din ang damit na suot ko since kagabi tapos nag flashback sakin lahat ng pinag usapan namin nina mommy kaya napa sigaw ako.

"Aaaaaaaah!!!!"

BOOGSSSSH!!!!!

Napatigil ako ng may biglang sumira ng pinto ko at tumatakbo palapit sakin si kuya and dad at nasa likod si mom na halatang nag aalala.

"sophie anong nangyari" tanong ni kuya na naka hawak sa braso ko

"i thought may nightmare ako na ikakasal ako kay eric"

Nakahinga sila ng maluwag

" ikaw bata ka akala naman namin kung na pano ka na hay." sabi ni mom

"sige na maligo ka na at mag bihis bibisitahin natin ang tita samantha mo" sabi pa ni dad at feeling ko namutla talaga ako at halos himatayin buti na lang naka hawak pa sakin si kuya at dahan dahan akong inupo sa kama.

Umalis na din sila mom and dad kaya kame na lang ni kuya.

"sophie sory wala akong ma gawa sa situation mo" sabi pa ni kuya. Alam kong triny nya ang best nya para di matuloy ang plano pero masyado nang firm ang decision ng parents ko para ma palitan pa.

"kuya alam ko naman na ginawa mo ang lahat eh. Pero we know mom and dad pag firm na sila wala na tayong magagawa pero di pa din ako makapaniwala na ipamimigay nila ako sa gorilla na yun" natawa naman si kuya

"you do realize na bestfriend ko yung sinasabihan mong gorilla diba?" pabirong tanong ni kuya

"yeah pero alam ko na ako pa din pipiliin mo kahit anong mangyari" confident ako sa sinabi ko

"oo naman. Ikaw lang nag iisang baby sister ko. Kahit anong mangyari sayo pa dn ako papanig." naks ganon ako ka mahal  kuya eh

"pero napag isip isip ko kagabi na baka ikabubuti din to sa inyo ni eric I mean ikaw na puro saya ang dala baka ikaw na ang magbibigay ng kulay sa dark mode style ni eric. I mean simula nung nalaman nya na may sakit sa puso si tita parang feeling nya tapos na ang mundo. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na buhay pa si tita pero di nya ma pigilan na mag alala and knowing him defence mechanism nya yung magalit. Simula nun nawala na yung saya at ngiti sa buhay nya. Lagi na syang seryoso. Nakikita ko lang syang ngumiti pag inaasar ka nya" pag tatapat ni kuya

Speechless naman ako dun. Pero ano naman kaya ang reaction nya kung alam nya na ba na ikakasal kame.

Gosh! Ang hirap e sink in.

......................
ERIC

Nasa bahay lang ako ngayon at nagpapahinga. Walang klase at wala naman dn important meetings sa company kaya dito muna ako kila mama.

Katatapos ko lang mag work out pero instead na maligo pumunta muna ako ng kusina at tamang tama nasa dinning area na sila mama and papa

"wow. Looks like a feast. Do you have someone coming?" tanong ko kila mama at nagkiss sa cheeks nya

"eeew son. I love you but you stink" natawa naman ako

"sory ma. Katatapos ko lang mag work out. Just came here for water before I'm going to shower"

"well, you need to hurry up son. May pag uusapan pa tayo bago dumating yung bisita natin" na cuirous naman ako sa pag uusapan but I still complied at nag shower na tapos pinatawag ako ni dad sa office nya. Nandoon na din si mama

"what's going on pa?" tanong ko bago ako umupo sa isa sa mga chairs sa meeting table ng office ni papa

"please wag kang magugulat masyado but you are getting married" i knew this was coming lalo na nung inatake si mama last week alam kong pinag pa planuhan nila na to kaya di na ako masyadong nagulat

"i was expecting that pero nag hahanap pa po ako ng mapapangasawa kaya wag na kayong mag worry"

"no son., we already found your bride. And we are so excited na makasal kayo. We know na magiging perfect sya sa'yo ijo and finally makaka rest na ang mind ko knowing nasa mabuti kang kamay" naguguluhan ako. Teka. Arrange marriage ba to?

"wait you are saying na ipapakasal nyo ako sa isang stranger? Come on ma. You know na ayokong pinapangunahan yung mga desisyon ko. Why did you do this"? Pinipilit kong maging kalmado baka magulat si mama at atakehin and i can't afford that to happen

"no ijo. You know her very much. And i am so happy na pumayag ang parents nya. I know she is still young pero hangang hanga ako sa achievements nya. She's a smart girl, masayahin at higit sa lahat mabait. Mabuting bata si Sophie anak kaya we are really happy for you" parang nabasag yung tenga ko sa narinig ko. Kaya tinanong ko sila ulit

"wait sinong sophie pinag uusapan natin dito?" tanong ko pero di pa man nila nasasagot may maid na na kumatok sa office

"sir nandyan na po ang bisita nyo"

"oh andyan na pala sila ijo. Tara na hon. Let's greet them" bakas sa mukha ni mama ang saya. Inalalayan sya ni papa para tumayo at lumabas na sila pero na iwan pa dn ako sa upuan ko.

Parang ayoko lumabas. Something is telling me na ang sophie na tinutukoy nila ay yung kapatid ni Nathan. Pag nagkataon di ko alam ang gagawin

Na tauhan ako ng may kumatok ulit sa pinto

"sir pinapa tawag ka po doon nila mam" sabi ng isang maid at tumayo na dn ako

Pag labas ko naririnig ko na ang tawa ni papa and ang isang familiar voice shit. masama talaga ang kutob ko

Finally nung nakita ko kung sino ang pamilyang dumating ay napa tigil ako sa pag lalakad pero napansin na nila ako

Bigla naman ako napatingin sa isang babae na ngayon ay nakatingin na dn sakin

I know na di din sya maka paniwala sa mga nangyayari masyadong transparent si sophie kaya di na kailangan tanungin.

Pareho lang kame we are both in shock di ko alam anong gagawin

Di ko napansin na may lumapit na pala sakin. And sya yung boses na narinig kong ka tawanan ni papa sya ang daddy ni Sophie at Nathan

"Son I welcome you to our family. Please take care of our little princess"

sabi nya at sabay hug sa akin naka tulala lang akong nakatingin sa kanya sunod naman akong hinug ng maluha luha nilang mommy

"welcome to the family ijo we are happy to have you as Sophie's husband" as of now nasa state of shock pa din ako hanggang sa umalis na sila at lumapit sa parents ko nakatingin ako ulit kay sophie na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sakin saka ko lang na pansin si nathan na nasa tabi nya pala

Arranged To My Arch EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon