After namin hinatid si tita sam sa bahay ay umuwi na dn kame
Hmmm.. I remember na kaylangan ko pa pala e interrogate tong si maddie bakit bigla syang tumahimik sa breakfast kanina
Naalala ko pa sya ang masyadong excited tapos nagka sama lang sila ni kuya bigla na lang syang nawala sa mood humanda. *insert evil smile*
Tapos na kame mag half bath ni maddie at ngayon nasa kama na lang kame mejo napagod kame kanina pero enjoy naman.
"hey madz. Ano pala yung nangyari kanina sa breakfast! Oops wag kang mag deny alam ko yung fake smile na yun alam kong may nangyari kanina before kayo dumating sa breakfast"
"aah.. Wala yun. Kalimutan mo na. Hehe.. May inisip lang lang ako kanina. At kung iisipin ko ulit wala dn talagang kwenta hehehe"
"maddie. Sabihin mo sakin Alam ko na bothered ka kung ano man yan. Bestfriend mo ako at kahit kuya ko yun babatukan ko para sayo ano ba nangyari?"?
"lol as if naman eh mahal na mahal mo yung kuya mo" natatawa nyang sabi
"oo mahal ko si kuya pero mahal dn kita kung mapatunayan na guilty si kuya babatukan ko talaga sya"
"haha baliw. Wala naman kinalaman ang kuya mo dito eh. Isip ko lang pinapahirapan ako."
"madz ano ba kase yun? Kwento mo na at para di ka na ma bother"
"ehh.. Nakaka hiya kase eh"
"isa di mo pa yan sabihin ikaw na babatukan ko"
"grabe nagiging mapanakit ka na talaga ah. Sumbong kita kay eric"
"eeeh.. Kaw kase eh arte arte pa. Dali na kwento na"
"ayun na nga kase kanina nung sinabi ng parents mo na kay kuya mo na ako mag sama syempre kinilig ako alam mo naman na long time crush ko yung kuya mo diba. Tapos while nag byahe kame may tumawag sa kanya malamang yung linta nyang girlfriend tapos mejo dinig ko kase ang sinasabi ni girl na pinapapunta nya si kuya mo sa kanya pero syempre sinabihan sya ni nathan na may family breakfast at may pasok sya sa office kaya mejo nag drama yung girlfriend kaya nag promise si nathan na mag dinner na lang sila after tapos yun narinig ko na nag i miss you too and i love you too ang kuya mo sa kanya"
Prinoseso ko pa ng 3 seconds yung kwento ni maddie tapos nung na realize ko ano sinasabi nya ay napa higa ako at napahawak sa tyan ko sama mo pa ang malakas na tawa. Maluha luha na dn ang mata ko sa kakatawa.
Pinapalo naman ako ngayon ni maddie
"gaga ka. Kaya ayoko mag kwento sayo eh kase alam ko ganito reaction mo" namumula pang sabi ni maddie
"sory. Nag alala lang kase ako baka nag away kayo ni kuya or ano. Tsk"
"hay ewan ko ba. Alam ko naman na may girlfriend sya pero di ko mapigilan mag selos nung narinig ko usapan nila. Mas lalo na sa wedding mo na nandoon for sure ang girlfriend nya"
"sory madz kung ako lang masusunod ayoko din sya e invite eh. Pero girlfriend pa dn sya ni kuya kaya wala akong magagawa"
"naks naman bestfriend ko. Ok lang yun. Sino ba naman ako sa kuya mo. Hahaha... Tama na nga ang wierd na kuya mo pinag uusapan natin haha"
"abnormal ka. Malamang mas okay pa sakin na ikaw makatuluyan ni kuya kesa sa girlfriend nya ngayon di ko sya feel eh. Di din sya gumagawa ng paraan para makilala namin sya ng maayos" yung totoo ayaw ko talaga sa girlfriend ni kuya
"eeeh.. Flattered naman ako friend. Pero sabi ko nga tama na usapan sa kuya mo.. Storya mo to kaya ikaw na muna.. Hahaha kala mo di ko napansin ah.. Kwento mo bakit pulang kamatis ka kanina pagkatapos kang e hug ni eric may sinabi sya nuh? " sabi ni maddie sabay taas baba ng kilay nya.
BINABASA MO ANG
Arranged To My Arch Enemy
RomanceThis is a story of a girl who is forcefully married to his arch enemy since childhood and her older brother's bestfriend who happens to be making his own name in the buisness industry and also one of her professors in her college. She for some many...