Hi. Si maddie pa dn po ito.
2nd day ng tulala princess ngayon pero kahit papaano may changes naman. I don't think na nasaktan talaga sya sa nakita nya nung isang araw. Nagulat lang siguro sya at hindi nya ma intindihan na nag selos sya.
Kung pwede ko lang to sigawan sinigaw ko na "hoy sophie gising arte arte mo inlove ka kay eric e sink in mo yan sa utak mo at gising!
Hay pero i doubt kung maririnig nya ba ako. Tinatanong ko naman kung gusto nya bang pag usapan pero as of now deadma ang beauty ko.
Morning pa lang ay nag brew na ako ng coffee at buti na lang mejo relax na ang itsura nya ngayon kesa kahapon naayos nya na dn yata ang tear ducts nya kaya hindi na nag leleak good.
Panay pa dn ang text ni nathan sa akin kung ano ang update sa kapatid nya. As usual tulala ang reply ko short message lang naman kase siguro busy din sya.
Hmmm.. Nasa balcony pa dn si sophie ngayon wala naman masyadong ganap tulalae parin sya. Pero syempre gaya ng sinabi ko kung ganito pa din ito hanggang bukas ay babatukan ko na sya at nang ma gising. Hay nako kung hindi ko lang to mahal eh nilunod ko na to sa dagat.
Pa lubog na din ang araw ngayon katatapos lang dn namin mag dinner. Hayaan ko muna si sophie sa balcony hanggang 8pm tapos e papasok ko na sa kwarto. Meanwhile mag babasa na muna ako.
Pag tungtong ng 9pm ay pinasok ko na si sophie sa kwarto at buti na lang naka tulog sya agad after kong e higa sa kama. Wooh.. Nireready ko na ang kamay ko.. Kelangan maging effective to. Last chance ko na to para gisingin si sophie.. And with that thought natulog na din ako..
.....................
SophieYes! I'm baaaaaaccckk... Hahaha 6am pa lang ngayon at tulog na tulog pa si maddie. Naalala ko yung pag aalaga nya sakin this past 2 days. Refreshed na dn ang isip ko. Mas klaro na sakin ngayon ang lahat. Kinailangan ko lang siguro mag hybernate at mag restart.
Haha chos pero dahil maaga akong na gising ay nag coffee na muna ako tapos nag change sa running outfit na meron si maddie at nag simula na mag jog. Ang saya kaya mag jog sa may dagat.
30 mins na akong nag jog at ang gaan gaan ng feelings ko. Feeling ko i'm a new person all over chos.. Haha..
Hala.. Bumabalik na pagka baliw ko.. Humanda sakin ang Eric na yon. Makikita nya..
Papalapit na ako sa beach house ni maddie nang nakita kong may isang babaeng natataranta na parang kaka gising nya lang at may hinahanap sya..
Tumatakbo sya ngayon papuntang dagat. May sinisigaw sya pero hindi ko masyadong marinig kase mejo malayo ako at malakas ang alon ngayon umaga. Pero mejo nag panic ako nung lumusong na sya sa dagat kaya napa takbo ako. Baliw ata yung babae kailangan kong tulungan. Habang papalapit ako naririnig ko na ang boses nya.
Teka parang pamilyar ang boses. Parang boses ni....
Shemay!!! Si maddie yun ah! Anong ginagawa nya sa dagat? Nawalan na ba sya ng pag asa kay kuya? Halaa..Tumakbo na ako ng mabilis ngayon at buti na lang hindi pa masyado malalim yung napuntahan ni maddie
"hoy babae anong ginagawa mo? Mag papakamatay ka ba?" mukhang nagulat naman sya nung nakita nya ako tapos bigla na lang syang umiyak at pinag hahampas ako
"waaaah... Walang hiya kaaaa!!!! Akala ko nagpaka lunod ka na.. Huwaaaah.. Bwisit kaa.. Bat di ka man lang nag iwan ng note na gusto mong mag jogging.. Huhuhu." natawa naman ako sa mga sinabi nya as in napa halakhak ako kaya di lang nya ako hinahampas ngayon pati dagat pinipisik nya na sa akin.
" hahahaa... Abormal ka din eh.. Bakit naman ako magpapakalunod ha. "
" eh.. Malay ko ba.. Dalawang araw kang tulala akala ko hindi ka na magigising" iyak pa din sya nang iyak kaya nilapitan ko na at niyakap
"sory na babe kung nag alala ka"
"kung alam ko lang na magkakaganito ka edi sana tinanan na kita dati pa para hindi mo maranasan yung heartbreak huhu" syempre binatukan ko nanaman sya
"gaga ka.. Edi hindi ko ma rerealize na ganito pala ma inlove. Haha ganito pala ang feeling masaktan at mag selos." tumigil naman sya umiyak tapos sya naman ang nambatok sa akin
"aray naman. Para san yun?"
"bruha ka! It took you forever para ma realize mo yan.. Alam mo matalino ka pero ang slow mo talaga mag realize ng mga ganito"
"naaah.. Alam ko na yun kahapon pa. Kinailangan ko lang e refresh ang sarili ko. Siguro nga na overwhelm talaga ako sa mga nangyayari. I mean 2 weeks na lang e kakasal na ako. Kinailangan ko yung getaway na yun kaya thank you sa pag kidnap sa akin dito." sabi ko pa sabay hug sa kanya.
" tara na nga sa loob ulit. Muntik na akong magka heart attack.. Nako sophia pag nagkataon na tinopak ka talaga hindi ko alam sasabihin ko sa kuya mo.. Huhu di nya na nga ako tinitigilan kaka kumusta sayo"
"yiiieh.. Close na sila ni kuya.." pang aasar ko pa
"abno. Ikaw lang naman kinakamusta nya sa akin"
"naks at least may mga convo na kayo.. Hahaha" umiling na lang sya at bumalik na kame sa beach house nya.
Matapos maligo ay nag prepare na ako ng breakfast si maddie naman nasa taas pa at nag bibihis pa.
Nag prepare lang ako ng toasted bread with sunny side up and bacon with orange juice. Nag coffee na ako kanina eh..Pagka tapos namin kumain ay kinuha ko muna yung phone ko na nakalimutan ko na for 3 days
Nagulat ako nung inopen ko
230 calls from Eric
100 messages from Eric hala ano trip nito?
50 calls from kuya
30 sms from kuya
Nag appear dn ang mga pangalan nina mom and dad pati sina tito and tita
Hala ma guilty na ba ako? Ano nang sasabihin ko sa kanila? Sino ang unang tatawagan ko?
Nakita naman ni maddie na bothered ako kaya lumapit sya"anong problema?" tapos pinakita ko sa kanya ang phone ko.
"lah.. Ang tibay naman ni eric nuh.. Halatang nag alala talaga sya sayo.. Haha.. Buti naman. Alam kong hindi mo alam sino uunahin well.. Hindi mo pa naman priority si eric dahil di pa kayo kasal kaya si kuya mo na muna ang unahin mo kase hindi nya ako tinitigilan since day1" sabi pa ni maddie kaya tinawagan ko na muna si kuya
"sophia?" wow isang ring pa lang sagot na agad
"hi my night in shining armor" masayang bati ko pa. At dinig na dinig ko ang buntong hininga ni kuya
"ikaw bata ka pinag alala mo kame. Okay ka lang ba?"
"opo kuya okay na ako.."
"si sophie ba yan?"bigla naman kumabog ang dibdib ko.. Si eric yun eh.. Waaaah..
"bro stay back" lah ano ba to si kuya.. Tsk tawagan ko na lang mamaya si eric
"sophie.. Sabihin mo lang sakin kung ayaw mo na ituloy ang kasal. Gagawan ko nang paraan okay?"
"bro naman.. Wag ganyan.. Paka usap naman ako kay sophie please" dinig kong sumasabat si eric napa smile naman ako. Tapos bigla nag replay yung sabi ni kuya.
"lah kuya anong hindi tuloy ang kasal?"
" ayaw mo nang e tuloy ang kasal? Sige princess hahanapan ko ng paraan" hala ano binabalak ni kuya?
"kuyaaaa.. Walang akong sinasabing ganon.."
"nathan naman.. Paka usap ako kay sophie" hala mukhang nakakaawa na ang boses ni eric ano kaya pinaplano ni kuya
"sige na princess wag ka ng umiyak ako na ang bahala kina mom and tita sam.." dinig ko pa na sabi ni kuya tapos binabaan na ako ng phone. Napatingin naman ako kay maddie
"anyare?" tanong ni maddie
"ewan ko anong trip ni kuya" tapos may biglang nag text sa akin
"princess wag mo munang contactin si eric. Eto na lang parusa ko sa kanya. Hindi ko sya ma bugbog malapit na ang kasal baka magmukhang unggoy ang pakakasalan mo" bigla naman akong natawa at napalingon si maddie..pinabasa ko sa kanya ang message ni kuya at ngayon dalawa na kame ang tumatawa.
Kawawang eric."hahaha... Grabe.. Marunong din palang gumawa ng kalokohan ang kuya mo nuh?"
"hay nako kung alam mo lang. Lagi nya din pinaprank si eric dati kase inaasar nya ako at lagi akong umiiyak. Haha.."umiling iling naman nang nakangiti si maddie
Nag ayos na kaming dalawa dahil mahaba haba pa ang byahe namin.
BINABASA MO ANG
Arranged To My Arch Enemy
RomansaThis is a story of a girl who is forcefully married to his arch enemy since childhood and her older brother's bestfriend who happens to be making his own name in the buisness industry and also one of her professors in her college. She for some many...