8. Gray

209 20 3
                                    


Tama siguro ang karamihan sa atin: Lunes na yata ang pinaka-nakakabanas na araw sa buong linggo.

Ang hirap mag-adjust ng sleeping schedule to wake up earlier than usual, and more importantly, Lunes ang araw kung saan makikita ko ulit ang taong pinaka-ayokong makita.

Si Venus Liesel.

I was thinking na 'di muna ako papasok sa kanyang class, but then again, once a week lang kasi ang schedule ko sa kanya so I have no other option but to attend it whether I like it or not.

Mabuti na lang at kasama ko mamaya si Lee sa subject na iyon.

"Gising na," pag-uutos ko sa kanya sabay kalabit sa kanyang noo. "Baka ma-late ka sa first subject mo."

"Mauna ka na. Matutulog pa ako," nakapikit-mata niya namang sagot. Katulad ng hiling niya, umalis na ako ng kwarto namin, pero bago ko pa man isinara ang pinto, biniro ko muna siya para magising na talaga siya ng tuluyan.

"Ikaw talaga ang naaalala ko kapag umiinom ako ng four seasons na juice. Maligo ka na, ha?"

Nakita kong lumaki ang mga mata niya bago siya umupo at inamoy ang kanyang kili-kili. "Hoy, hindi naman!"

"Gumising ka na riyan. Kumuha ka lang ng cup noodles at kape sa ibabaw ng cabinet ko kapag gusto mong mag-breakfast. See you later," I said before I closed the door, then I started to chuckle. Ang sarap niya talagang inisin.

*****

After ng Algebra class ko ay pumunta muna ako ng cafeteria to order a snack para magkalaman naman ang sikmura ko since nag-kape lang ako kanina. As I was walking, naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko, and to my astonishment, it was Lee who texted me.

Arellano Bldg. Room 22. Now.

Naguluhan ako kasi napaka-seryoso ng text niya which is something different from his personality. Binilisan ko na lamang ang lakad ko papuntang Arellano Building to meet him.

Pagpasok ko sa room na sinabi ni Lee sa text ay nagulat ako nang nakita ko sina Lee, Mathias, at Cobi na nakakaupo. Napansin kong may pasa si Mathias sa kanang bahagi ng kanyang pisngi habang si Cobi naman ay may sugat sa bibig.

Nilapitan ko si Mathias to ask him about what happened, but he couldn't even look at me. Nang akmang magsasalita na siya ay hinatak ako ni Lee papunta sa isang sulok na malayo sa dalawa.

"Tignan mo ang ginawa ng kaibigan mo sa kaibigan ko," nagagalit niyang sabi sa akin habang nakatiim ang kanyang kamay. Nainis ako kasi pinagtaasan niya ako ng boses whereas I was uncertain on what's really happening.

"Hindi ko alam ang nangyayari, Lee. Please explain it to me kasi may pasa rin si Mat sa kanyang pisngi," sagot ko sa kanya. "It's not like binugbog ng kaibigan ko ang sarili niya to have that, right?" Tinignan ko si Mathias but he couldn't look at me. Tinignan ko rin si Cobi but he just gave me an apologetic look.

"I think your friend deserves his bruises," he responded. "Pwede mong itanong sa kanya kung ano ang buong nangyari, pero isa lang ang masasabi ko, Grey. Nakaka-disappoint lang," he added before he pushed me away.

"Sumusobra ka na, a," galit kong pagbulyaw kay Lee. Tinulak ko rin siya nang dahil sa pagka-inis ko't nakita kong nagulat siya sa ginawa ko, pero tinignan niya lamang ako ng masakit ng ilang minuto bago niya kinuha ang kanyang bag at umalis na ng kwarto. Tumakbo na rin si Cobi sa papunta sa kanyang kaibigan kaya naiwan kaming dalawa ni Mathias dito para mag-usap.

"Seryosong sagot ang gusto ko, Mat. Ano'ng totoong nangyari?"

Wala akong narinig na sagot sa kanya dahil nakayuko lamang siya habang umiiyak. I sat beside him and tapped his back para naman pakalmahin siya. "Hindi ako magagalit. Just be honest with me."

His Unofficial BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon