Ang bilis lang ng panahon at Martes na naman. Dahil sa nangyaring issue regarding sa university namin ay may pumalit na kay Miss Liesel as our P.E. teacher. Ang nakakatawang isipin ay pinipilit ng eskwelahan namin na kalimutan na namin ang nangyari rati at isa-isip na lang ang studies namin instead of the past. Kahit ano'ng pagpipilit at pagtatago ng faculty sa issue regarding sa kaso laban kay Venus ay hinding hindi pa rin n'n'on malilimutan ng mga biktima niya na kabilang na ako.
Ngayon ay nakaupo lang kaming dalawa ni Lee habang nakikinig sa lesson ni Miss Leyretana. She was talking about contemporary Filipino poets and their works. Si Lee, bilang alam na ata ang lesson ngayon, ay nakasandal lang sa balikat ko habang nakatingin sa babae sa harap naming dalawa.
"Tignan mo siya ng maigi, Grey," bulong niya sa akin bago kami sabay na nagsitawanan kasi nakita kong dinu-doodle niya ang caricature na mukha ng teacher namin sa kanyang notebook.
"What's that?" mataray na tanong ni Miss Leyretana sa amin. We shook our heads in unison and told her that it was nothing.
Nag-iiba ang timpla ng mood ng teacher namin kaya siya nagpa-surprise quiz. Dinig na dinig pa naming dalawa ni Lee na nagrereklamo ang classmates namin dahil doon. Good thing that I have a smart boyfriend beside me during the quiz kasi pinakopya niya ako ng lahat ng kanyang mga sagot, at mas natuwa ako nang makita kong perfect ang score naming dalawa.
"Iba ka talaga," bulong ko kay Lee bago ko ipinasa ang papel ko sa kanya. He just smiled and confidently told me that Miss Leyretana's quizzes are always on our study book's footnotes.
Nang kinuha na ni Miss Leyretana ang lahat ng mga papel ay inanunsyo na niya sa klase namin ang aming project para sa prelim. "I do not want to sugarcoat anything here. The recent controversy that is affiliated to our university made us, the faculty members and the students of Liesel U, the targets of shameless jokes and unnecessary hate from the people. Gusto kong malaman ninyong lahat na malalampasan natin ang issue na ito, pero sa ngayon na laman pa rin tayo ng mga headline ay nais kong i-divert natin ang ating mga atensyon sa mga bagay kung saan tayo masaya. Kung ang Liesel University ay lugar na kung saan marami sa atin ang nakaranas ng sakit, lungkot, at pagkadismaya, nais kong gumawa kayo ng essay regarding sa mga lugar na maituturing ni yong peaceful. Kayo na ang bahala kung anu-ano ang mga lugar na iyon, but it is important for you to present them in front of our class before our preliminary examination. Kailangan din na may photos ng locations na pinili ninyo kasi hindi naman lahat sa inyo ay imaginative," ika niya bago siya nag-smirk.
"Bitch," narinig kong sabi ng babae sa harap namin; the same girl who doodled a caricature of her face on her notebook. "Kung kailan two weeks na lang ang prelim exam, tsaka pa magpapa-project ang gurang na ito," dagdag pa niyang pagrereklamo. Mabuti na lang at hindi narinig ng guro namin ang sinabi niya kasi baka magpa-surprise quiz na naman siya kung nangyari iyon.
Miss Leyretana asked us to group ourselves into two, at kahit na maraming mga babae ang gustong maka-partner si Lee ay inunahan niya na kaagad sila when he grabbed me on my waist. "Hi, partner," nakangisi niya pang tawag sa akin.
"Hi, partner," sagot ko naman habang tinitignan siya. When I looked away, I saw Miss Leyretana smiling at us bago siya umupo.
*****
Nang naglakad-lakad kami ni Lee sa school grounds nang vacant namin ay naisipan kong i-share sa kanya ang naisip kong ideya sa project namin sa Fil Lit. "What if puntahan natin ang mga lugar noong mga panahong wala pa tayong pinoproblema? Iyong mga lugar kung saan hindi natin iniintindi ang ibang mga tao at malaya tayong nakikipaglaro sa mga kaibigan natin," I told him, then I saw his facial expression swiftly change from being indifferent to being sour.
"Are we going to travel to Kangnam for this project?" he asked. Natahimik ako ng saglit before I told him the last-minute second option that I invented just to cover up my butt from humiliation.
BINABASA MO ANG
His Unofficial Boyfriend
Ficção AdolescenteGreyson Alleje's college life could have been picture perfect, but when he met his brooding and enigmatic roommate named Lee, things did not go according to his plan. Lee, on the other hand, wanted to get to know more about Greyson's life because o...