2. Paracetamol

443 52 10
                                    

"Ate, wala na ba talagang bakanteng room dito sa inyo?" sambit ko sa kausap kong caretaker ng dormitory namin for the nth time.

Apat na araw ko nang tinitiis ang roommate kong nuknukan ng kapangitan ang ugali, at suko na talaga ako sa kanya. The way he treated me for the past four days that we were together ay parang 'di roommate; para akong katulong na tiga-linis ng kalat niya sa kwarto namin at provider ng pagkain niya kapag nagugutom siya, and the worst part is that kapag sasabihan ko siya ng sama ng loob ko ay natatawa lang siya sa akin. Kaasar.

"Wala na po talaga, sir. Fully occupied na kami," aniya sabay simangot. Ayaw man niyang sabihin pero halatang nagtitimpi lang siya kasi kanina pa ako sunod ng sunod sa kanya to convince her na i-transfer ako sa ibang room. "Eto, sir. Kung meron man kayong kakilala rito, mag-negotiate kayo at baka mapapayag mo siyang maglipat ng room sa inyo. At isa pa, ang swerte nga po ninyo kasi roommate niyo iyang si Lee. Marami ang gustong makipagkaibigan sa batang iyan."

Napakamot ako ng ulo sa huling sinabi niya. Marami ang gustong makipagkaibigan sa kanya? Ang layo-layo ng qualities niya para gawing kaibigan. Napaisip ako sa sinabi niya kaya nagtanong ulit ako sa kanya. "Kung marami ang gustong makipagkaibigan sa kanya, e bakit pagkarating ko rito, yung kwarto lang niya ang bakante? 'Di ba dapat occupied na rin yung sa kanya since he's popular gaya nga ng sabi niyo?"

Natawa si manang. "Iyan nga ang pinagkakataka ko. Ever since na naging roommate ka niya, 'di pa siya nagreklamo sa akin regarding sa iyo. Si Sir Lee kasi, ayaw niyang may kasama sa room niya at every time na may bago siyang roommate, pumupunta siya rito sa baba para magreklamo na kung pwede ay i-transfer sila sa ibang rooms. Pero so far hindi pa naman siya pumupunta rito. Nakakatawa nga po kasi kayo pa ang nagrereklamo."

"Should I be thankful for that?" I said sarcastically.

"Siguro, sir. Try niyo na lang pong pakisamahan si Sir Lee kasi mabait naman iyan talaga. Bigyan niyo lang ng chance at baka maging close pa kayong dalawa," aniya bago siya nagpaalam na pupunta ng isang room para i-check iyon. Hindi ko pa rin siya tinantanan kaya sumunod pa rin ako sa kanya. Narinig kong nagpabuntong-hininga na lamang siya nang nakita niya ako sa gilid niya.

Mangilang mga minuto rin ang hinintay namin ni manang bago siya pinagbuksan ng pinto ng taga-room 211. Paalis na ako ng dismayado kasi 'di naman ako kinakausap ni manang, pero narinig ko ang pangalan ko sa hindi kalayuan.

"Greyson, ikaw ba iyan?" ang tanong ng lalaking naka-bonnet habang nakangiti sa direksyon ko. Nagkunot-noo na lamang ako habang lumalapit sa kanya. 'Di siya pamilyar sa akin kaya nakapagtatakang kilala niya ako.

"Greyson?" pag-uulit niya habang tinuturo ako. Tinitigan ko lang siya, nagbabakasakaling makilala ko, pero 'di ko talaga siya namumukhaan.

He smiled as he was pointing out his face. "Nakalimutan mo na ang mukhang ito?"

"Sorry, bro, pero 'di talaga kita namumukhaan," sagot ko habang naka-kunot noong nakatingin sa kanya. Hindi ako ang taong mabilis makalimot ng mukha, pero 'di ko alam kung bakit hindi ko talaga siya mamumukhaan.

"It's Mathias, your cute childhood friend, you jerk," he laughed.

Nanlaki ang mga mata ko habang tinignan siya from head to toe. I did not expect him to lose weight since when we were younger, ang laki niyang bata. Natawa ako habang ini-imagine ang kanyang itsura dati – yung time na tinatawag ko siyang Russell ng Up kasi magkamukha silang dalawa.

Nang nakita niya akong tumawa ay agad na siyang lumapit sa akin at pinisil ang left cheek ko. "Gago, ang sama mo. You really thought that I'd look the same from the last time we saw each other no?"

I flinched. "No, not that," pagsisinungaling ko. "I thought that we won't meet each other again. Good thing that you're here as well."

Inakbayan ako ni Mathias at pumunta kami sa room niya para mag-usap. He told me that he's also a freshman student here in Liesel University and he's taking up Literature. Kinwento rin niya na he's a different person now since he knows who he is now than when we were younger pa which baffles me kasi hindi ko nakuha 'yong punto niya – but we'll get there siguro. When Mathias asked me kung ano ang kinuha kong kurso, ang sinabi ko sa kanya is Tourism. I also confessed to him that I wanted to take Literature at naiinggit ako sa kanya since he can freely choose his course habang ako naman ay sunud-sunuran lang sa gusto ng pamilya ko.

His Unofficial BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon