Crush
Sabina’s POV
“Where is she now?” tanong ni JL sakin habang naglalaro ng ml sa phone niya
“Hello?Marielly?nak ng!san kana?nandito na kami parking”
“Palabas na”
“ng building?”
“ng cr” naririnig ko pang nagtawanan sila ni Weela sa kabilang linya
Ah ganon? “Kim-” hinarap ko si Kim na umupo at pinagpatong-patong ang hawak niyang mga folder sa bench
“Okay!okay!papunta na”
“Goods..bye”
Takot lang talaga kami kay Kim pag nagalit. Siya ang tumatayong ate samin tutal mas matanda siya ng ilang buwan samin. January 18, 2000 siya, ako naman March 21. Si Marielly naman July 26 at JL November 20.
“Hello ninangs! Let’s go home na” nakangiting naunang pumasok si Marielly sa kotse niya habang nakasunod naman si Kim na pumasok sa harap kaya sumunod na rin ako, nakasakay na kaming lahat maliban kay JL na busy pa sa paglalaro.
“Ay JL?VIP?” tanong ni Marielly
“5 minutes Marielly”
“Suuure basta i-sketch mo mukha ko”
“Psh” naparirap si JL
“Ikaw kaya kanina yung nagmamadali” sagot ko sa kanya
“JL!yooohoooo!pinaghintay mo na kami kanina sa CNC building nung lunch tapos pati ba naman ngayon?!” nakangusong bumaba si Marielly sa kotse
“BWAS PA?JELLAINA LOVIENNE” seryosong tono ng pagtawag sa kanya ni Kim at matic..bilis makapasok sa kotse..
“Hahahaha ml pa” panunukso sa kanya ni Marielly at nag umpisa siyang kumanta. Ito na naman tayo.
Ganyang kanta rin ang paulit-ulit niyang kinakanta kaninang lunch time.
Hindi na kami nagpa-deliver ng lunch sa dami ng foods na dinala kanina ng schoolmates naming bumisita sa CNC building, most of them are syempre lalaki at freshmen na nagpasa ng forms para maging member.
Maliit lang yung CNC building na pinagawa ng dad ni Marielly, kami din naman ang nag request na wag sobra sa laki kasi expected na namin na palalakihin talaga nila syempre para sa unica hija.
White na may combination ng brown ang kulay ng building, mint green at cream naman sa loob. Hanggang third floor ang building then may roof top. Sa baba ay may maliit na office,living room kung saan kami nagmemeeting at mga cr. Sa second floor may cr din at may dalawang kwarto in case may gustong magpalipas ng gabi o may na trouble na student.
Nakarating kami sa condo ng hindi pa din natigil kumanta si Marielly.
“Tinamaan na akoooo! Walang hiya ka Kupidoooo”
“Shut the f*ck up Marielly!” singhal ni JL bago makapasok sa kwarto niya at pabagsak na sinara ang pinto
“Tinamaan na akoooo!hiling ko mister Kupi-“
“Tatamaan ka talaga sakin pag hindi ka pa tumigil” napatigil siya nang isubo sa kanya ni Kim ang isang buong cupcake na kinuha niya sa box na bigay ng schoolmate naming kanina
BINABASA MO ANG
Runaway Squad
General FictionThis story revolves around an unexpected friendship. Get ready for their roller coaster journey together. Ain't called SQUAD for nothing