Nerd
Kimberly’s POV
“Katatapos lang kumain lumabas agad si JL?” tanong ni Sabina
“Yah, baka naiwan niya gamit niya sa rooftop” sagot naman ni Marielly
Nagliligpit kami ng pinagkainan namin nang marinig naming tumunog ang doorbell.
“Ako na” pagpresenta ko na bubukas ng pinto
“Hi Kim, dala ko na” nakangiting sabi ni Kie pagkabukas ko nang pinto
“Oh?di ka man lang nagtext muna?”tumingin ako sa oras, 7:30
“Nawala na sa isip ko eh” napakamot na lang siya ng ulo
“Sabihin mo, excited ka lang pumunta dito..hi miss pres!” bulong niya kay Kie at bumaling sakin
Napakunot ang noo ko at tumingin ulit kay Kie.
“Uhm, si Lance, pinsan ko..kasama ko sa condo” napatango na lang ako
Nasa 8th floor kasi kami at sa itaas naman ang condo ni Kie.Isang beses pa lang siyang pumunta dito, yun yung time na nagkasakit ako at pumunta ang ilang members ng CNC dito.
“Pasok muna kayo” pagyaya ko sa kanila kaya tumuloy naman sila
“Sino yan ninang?!” umalingawngaw ang boses ni Marielly at lumabas siya sa kusina na may hawak pang sponge at kutsarang sinasabon
“Si Kie at…pinsan niya.. nagdala nang laptop ko” napataas siya ng kilay sakin at napatingin na may mukhang ‘ipakilala mo ako sa gwapo’ look
“Hi! I’m Lance!” at yung Lance na nagpakilala nang sarili niya
“Hello! Marielly here!” sabay taas nung sponge at napatingin sa kamay niya, nakalimutan siguro kung anong ginagawa niya kaya kumaripas ng takbo pabalik sa kusina
“That’s cute” nakangiting iling ni Lance
“Uhmm..okay na Kim, all done, saved naman ang files” sabay abot sakin ng laptop
“Thank you talaga Kie! Ite-treat kita” sabi ko sa kanya at napatigil muna siya
“Di naman yun kailangan” inayos niya ang salamin
“Pambawi ko lang..dami mo nang tulong eh” at napatango naman siya
“Oh? May bisita ka pala?hello!” bati ni Sab sa kanila na galing sa kwarto niya na may dala-dalang baso at dumiretso sa kusina
Ngumiti na lang ang dalawa.
“Paano Kim, we have to go,baka kailangan niyo na rin magpahinga” sabi ni Kie na naunang lumapit sa pinto at nakasunod naman ako
“Teka, nakapagdinner na kayo?” tanong ko bago buksan ang pinto
“Yeah, sa dinner kami nanggaling” si Lance na sumagot at nagbukas ng pinto
“Basta ililibre kita” sabi ko kay Kie habang nasa labas na siya ng pinto at si Lance naman ay nasa tabi niya
Nagulat kaming tatlo nung may biglang sumulpot sa gitna nila at napadaan ng diretso sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Runaway Squad
General FictionThis story revolves around an unexpected friendship. Get ready for their roller coaster journey together. Ain't called SQUAD for nothing