Chapter 9

6 0 0
                                    

Ms. Taken




Sabina’s POV


Paksheeeeeet nagising ako sa alarm ko nang naalala ko hindi pala ako makakapag -jogging huhuhuhu




Flashback--------------------- 06-10-2020 Wed
Maaga akong nagising para makapag-jogging sa Spring Park malapit sa school, medyo malayo kaya nagdala ako ng kotse.
5:30 am nang makarating ako don, 9 pa naman yung klase ko so di naman ako male-late.

“1 hour jog will be enough” sabi ko habang nags-stretching

Katatapos ko lang magjog nang may makita akong asong Golden Retriever na naglilibot sa parking lot. Ang cute naman niya..puppy pa kasi.

Nakita ko ng may papalabas na kotse at sa liit niya baka hindi siya makita ng driver at masagasaan kaya hinabol ko ang aso at sumenyas sa kotse na tumigil muna.

“Puppy!” may sumigaw na babae sa di kalayuan

Binuhat ko agad yung aso para makadaan yung ang sasakyan.

Wait what?puppy ba pangalan nung puppy?

Grabeeee..pinag isipan talaga..

“aaang cute mo namaaaan” pangigil ko

“Oh my ghad! Thank you miss!” lumapit sakin si ate girl

Maganda siya, mas matangkad sakin at mga nasa 25-28 siguro edad?

“Ah..sayo po ba to?”

“Yes, tumakbo kasi siya kanina bigla at di ko nahabol, thank you kung hindi baka nasagasaan na siya” inabot ko sa kanya yung puppy

“Naku! no problem po, ang cute kasi niya” hinawakan ko ulit yung aso

“First time kasi ni Puppy makalabas, sinama ko siyang mamasyal tutal wala akong work today”

So Puppy nga..

“Actually sa brother ko to, kaya lagot talaga ako pag may nangyaring masama kay Puppy, kaya thank you, by the way I’m Loraineinabot niya ang kamay niya

“Sabina” tinanggap ko naman ng nakangiti

“So Sabina, mukhang paalis kana sana ha? May pupuntahan ka pa siguro?”
“Uhmm yes, may klase pa po kasi ako”
“Madalas ka ba dito?”

Yes po”

“Ah..I guess I’ll see you around..thanks ulit” nakangiti niyang sabi

“Sige you’re welcome” at lumapit nako palapit sa kotse



Namiss ko tuloy si Devin, yung aso ko sa bahay.



Di ko naman madala sa condo kasi pagdinala ko daw dapat dalhin din ni Kimberly yung pusa niyang si Rain. Eh pag ganun baka mag-rumble yung dalawa sa condo.



“Nandito kana pala” sabi ni Kim nang makapasok ako sa condo


“Hindi, gif lang” tumawa ako at binato niya ko ng kamatis na hinihiwa niya



“Anak ng?” buti nakailag naman ako


“Ako ng nanay ko..ikaw nahawa kana talaga sa teammates mo sa pagkahilig sa mura ha” nanliit ang mata niyang nakatingin sakin


“Gising na yung ibang ‘ninangs’?” ginaya ko tono ni walking megaphone


“Nagsho-shower si JL, si Marielly naman nagkikilay, alam mo naman 2 hours yan mag ayos”


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Runaway SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon