Chapter 4

6 0 0
                                    

Buenavista Brothers



Marielly’s POV


“Cr lang ako ninangs!” paalam ko sandali kay JL at Sab while waiting for Kim na kinakausap si Kie.
I forgot to put blush on kasi naman si Kim nagmamadali kanina.


Pagpasok ko humarap agad ako sa salamin at nag umpisang mag ayos nang may narinig akong ungol galing sa pinakadulong cubicle.

“Oh come on?! First day huh”
Nagmadali akong ligpitin ang mga gamit ko at dahan-dahang lumapit sa pinakadulong cubicle, eh sa na-curious ako eh..

Titingnan ko lang baka may pasabog…na chismis akong masagap.

Binigla kong buksan ang pinto at nakita kong gulat at napatigil sa paghahalikan ang isang girl na parang namumukhaan ko….si Kate yata na naging competitor ko sa Ms. CN.

Naka taas na ang blouse niya at skirt habang nakapulupot ang braso sa leeg nung in fairness-hottie-at-gwapong guy na ang mga kamay naman ay nasa loob ng blouse at hita ni Kate. Nagkatinginan kami nung guy. Ah gusto mo staring contest?

“The hell?! If you wanna have sex people, at least get some room in a hotel, cr talaga?how cheap” I just rolled my eyes and left them eyes and mouth wide open


“Di pa rin tapos si Kimberly?” tanong ko kay JL at Sab na nagkibit-balikat lang nang makalapit ako sa kanila

“Malas mo..dumaan yung Transferees dito, maraming fan girls ang iingay,o.a.” sabi ni JL

“Really?!Gwammys?!” tanong ko kay Sab coz I know ‘no comment’ na naman si JL pag siya tinanong ko

“Puny*ta Marielly di ako bingi!” at napa peace-sign ako sa kanya

“Ewan..di namin nakita, maraming nakapalibot at sumusunod sa kanila” sagot niya

Nakita na naming papalapit si Kim
“Have you heard? May mga gwammy na transferees daw ngayon” I asked

“So? as if naman makakatulong sila sa ekonomiya”
Kaya hindi nagkakaboyfriend eh..sometimes iniisip ko nga na Kim’s a lesbian, sometimes I think baka may hidden feelings siya sakin. Gross. *erase*erase*

“Kimberly kailan mo balak magka boyfriend? Or baka may sekreto ka na hindi mo lang sinasabi samin? How could you?!” and ayan..lutang

“Kimberly Chan Magbanua!?nakikinig ka ba?!”

“Sorry..may naalala lang..what?”

Alala-alala, si Kie iniisip nito siguro


“Ang sabi ko kung kilala mo ba o nakita mo ba ang mga transferees?”

“Wala akong idea Marielly..hindi pa naman sila nakapagpasa ng kanilang personal profile forms satin sa CNC. Pero kung gusto mo talagang makilala, kay Nicole ka magtanong, siguradong last week niya pa kilala mga yon at nagsusulat na yon ngayon sa school newspaper.”

Over my dead pang-fhm body, hindi ako lalapit kay Nicole.
And the next thing happened is tinutulak na kami ni Nicole b*tch papunta sa office ni ma’am Sofia and nakakainis kasi nauto kami nang isang yon.


Kaya heto naghiwa-hiwalay kaming tumakbo sa kanya-kanyang class.

“Ma-lelate na talaga ako!That female dog needs to pay!”
Keri kong tumakbo sa hallway ng Main building on the way to Tourism building nang naka-heels. Like duh?! Well-trained ako ng mentor ko noh.. Ain’t called Ms. Tourism 2018, Campus Muse and Ms. Colegio de Natividad 2019 for nothing.

“Marielly slow-down baka madapa ka, sayang ang ganda” tanong ng hindi-ko-kilalang-lalaki-at-wala-akong-pakialam

“It’s okay, I won’t fall” I smiled sarcastically

“Okay lang, sasaluhin naman kita” sabay kindat sakin
The hell?! What a gut! Nagmadali na lang ako para makalayo na ako sa lalaki na yon nang may mabunggo ako at..

“Are you okay miss?”
Akala ko babagsak ako pero kung sinuswerte ka nga naman..I think I found my prince charming..sabi ko na nga baaaaa!

Nagkakatotoo pag nagwish  ka sa isang pilikmata mong nalagas hahahaha napatulala akong nakatingin sa kanya

“Yes!uhmm..I mean..medyo masakit yung right leg ko” I acted out, kailangan magamit ko yung best actress award ko nung nagrole play kami noong kinder.

Shucks mommy..ang gwapo niya..siya yung pinaka gwapong nakasalamin na nakita ko.ever.Pointed nose,  thin red lips, sharp jawline,  and I think mas light brown yung mata niya kaysa sakin. Bakit hindi siya mukhang nerd?Why Kie?!

“Miss hindi ka naman natumba, so kindly excuse us now that we have a class to attend” nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaki nagsalita.

Right! Siya si banyo king! At alam kong namukhaan niya rin ako kanina, sa ganda ko ba naman..Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo sa sinabi niya at napairap na lang ako sa kanya.
Hinarap ko ang prince charming ko

“It’s okay, you can go now, I can still manage to walk pa naman..by the way, I’m Marielly, you?”

“Travis” tinanggap niya ang pakikipag shakehands ko. Shucks! Kinikilig ako! Waaah! Ninangs where you at?! Feel ko magkaka-boyfriend nako..ushuuu di ako maghuhugas ng kamay

“Come on bro, late na tayo” pagmamadali ni banyo king, panira ng moment

“Got to go, bye” paalam ni baby..ayy ni Travis pala at nagmadali silang umalis. Hanobayan di man lang nagsmile sakin.

“Sh*t! late na rin ako!” hinintay ko munang makalayo sila, bago kumaripas ng takbo

“F*ck”

“Sorry, fun run, bye” muntik ko nang mabunggo yung matangkad na sobrang gwapong at mukhang supladong guy..shetsss oppa! may kasama ding dalawang gwapong hotties, nakangiti pa sakin yung isa na mukhang familiar. Siguro aaraw-arawin ko nang mag jogging dito sa hallway ganitong oras.

Dahan-dahan akong pumasok ng patago sa back door ng room namin habang nagsasalita si sir sa harap ng klase.

“There you are Ms. Campus!” napatingin silang lahat sakin at napatuwid ako ng tayo

“H-hi good morning sir, sorry I’m late” nagpilit na ngiti na lang ako at sumenyas naman siya sakin na maupo na

“Marielly, hinanap ka ni Sean dito kanina” bulong ni Weela na friendster ko rin

“Seandito?”

“Anong Seandito?DITO kanina..pumunta si SEAN, lutang teh?”

“Ah..ang aga-aga kasi ang dami kong pinagdaananan..kwento ko sayo later” sambit ko pa habang nag aayos ng buhok

Kilala ko naman lahat ng classmates ko, let’s just say si Weela lang ang sigurado akong hindi plastic sakin at mapagkakatiwalaan ko. Besides maganda rin kaya kaibigan ko siya..like duh?! wala kaya akong kaibigan na pangit..pero mas maganda pa rin ako sa kanya at isa lang naman ang kilala kong mas maganda sakin.

“Ayaw mo sa kanya?bigay mo na lang sakin?”

“Sige sayo na, is he even mine?para ipamigay ko?”

“Arte teh, boyfie material kaya si Sean, crush ko yon eh” sabi niya habang kinikilig na nakahawak pa sa dibdib

Napataas ako ng kilay sa kanya.

“Walang boyfie material na nakilala mo lang sa club at nakahalikan, in fact nakita ko na yung future boyfie kooo”

“Kelan?kagabi?” natatawang tanong niya

“Nope,kanina” nakangiting sabi ko

“Hell no..Marielly,wag mong sabihing isa sa Buenavista Brothers?” napakunot noo naman akong tumingin sa kanya

“Buenavista Brothers?”

The hell?! Buenavista who?

Runaway SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon