CHAPTER 1
SAM
"'Dude, ano na? Hinihintay ka na ni Bebang." walang kagalang galang kong sambit nung sagutin ni Aries ang kanyang phone.
"Saglit lang 'Dude hintayin ko lang kapalit ko sa stall. Derecho na ko dyan." sagot naman ni Aries na agad pinutol ang ang aking tawag.
Si Aries ang pinakaclose kong kababata. Halos kapatid na turing ko sa kanya dahil sa dami na rin naming pinagsamahan na kahit nga sa subdivision namin dito sa San Rosa Laguna ay kilala kami bilang magkapatid. Sandalan namin ang isa't isa sa lahat ng bagay pera, pamilya at eskwela.
Magkaramay kami sa lahat ng dagok ng buhay lalo na nung mambabae at iwan siya at ang kayang nanay ng kanyang ama. Awang awa ako nun kay Aries kasi nakikitulog lang sa bahay para umiyak dahil ayaw daw niyang makita ang nanay niyang na siya ay malungkot.
Parang anak rin ang turing ng nanay at tatay ko si Aries. Laging kasama si Aries sa pasalubong ni Mama. Pag may bago akong damit meron din si Aries na kinaiinisan ko minsan dahil para kaming kambal sa aming mga suot. Mas tinuturing ni Aries na kapatid ang aking mga kapatid na sila Bebang at Bitoy kaysa sa half-brothers niya sa father side niya, kaya kahit ngayong may duty siya ay nagpapalit siya ng schedule para makarating sa kaarawan ni Bebang.
Alas 3 na dumating si Aries dala ang kanyang regalo kay Bebang na talaga nga namang giliw na giliw kay Aries. BAta pa lang si Bebang ay parang princesa siyang ituring ni Aries na lagi siyang sinasayaw at iniikot. Naiingit nga ako sa bonding nilang dalawa na tila mas close pa kaysa sa akin.
Ang saya ng birthday dahil narin sa dami ng pagkain. Hindi magkanda mayaw magpakitang gilas si Aries sa kanyang magic tricks na nagpasaya sa mga batang nakapalibot sa kanya. Kahit si Bitoy na limang taong gulang pa lang ay parang Hero kung ituring si Aries.
Matapos na ang party ay nagimpukan kaming magkakapatid kasama si Aries sa sala. Isa isang binuksan ni Bebang ang kanyang regalo. Paimportante naman si Aries na nagsabing sa huli na ni Bebang buksan ang gift niya. Hindi naman maalis ni Bebang ang tingin niya sa nareceive niyang regalo na isinalansan malapit sa sofa.
Iniabot ni Aries ang kanyang gift na parang kahon ng sapatos.
"Hulaan mo nga yan Bebang." paghahamon ni Aries.
"Sapatos?" unang hula ni Bebang na sinagot naman ng maganang pag-iling ni Aries kaya mabilis na pinunit ni Bebang ang wrapper.
"Kuya Ariesssssss..." sigaw ni Bebang na agad tumakbo at yumakap kay Aries.
Nagulat si Mama at Papa sa sigaw ni Bebang kaya pumunta rin sila sa sala para maki isyoso. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng kahon at may nakita akong kulay pink na parang camera.
"Ano ba yan?" tanong ni Mama
"Insta Max Camera pang selfie mommy. Kuya, san mo nabili yan? Wala naman dito yan?" maligalig na sambit ni Bebang.
"Eh di sa kaibigan kong nasa states." mayabang na sagot ni Aries.
HIgpit ng pagkakayakap ni Bebang kay Aries na pagkayabang yabang.
"'Dude, paano mo naman nalaman yan ang gusto niyang gift?" tanong ko gamit ang braso pangpukaw atensyon kay Aries.
"Diba last week kinuwento niya na yan ang kinaiinggitan niya kay Daphne, yung classmate niya?" paliwanag niya. "Dude presence of mind naman 'Dude!" sundot na pangaasar nito.
Hindi na pinansin ni Bebang ang ibang gift at nagsimula ng gawin ang kanyang mga photo pose. Tawa naman ako ng tawa kila Aries habang kinakaladkad niya si Bitoy sa sofa na halos magkantulo ang laway sa saya.
Maya maya pa ay dumating ang nanay ni Aries na si Aling Miding. May dalang cake at agad na tumungo sa kusina para makipagkwentuhan kay Mama habang silang dalawa ay magkatulong na nagiimis.
Tumungo kami ni Aries sa aking kwarto para maglaro sa aking playstation. Assassin's Creed naman ang aming kinahuhumalingan namin ngayon. Hinahanda ko ang gadget nang mapansin kong busy na naman si Aries kakatext.
"Hoy, sino na naman yan?" tanong ko.
"Si Miriam dude, Nilalandi ako?" sagot niya na di man lang nagabala tingnan ako.
Sabay pinakita sa akin ang half nude photo ng aming common friend na si Miriam kaya napakunot at napasingkit ang aking mata.
"'Dude, alam mo namang natikman na lahat ng lalaki ng subdivision natin si Miriam, diba?" pang-iinsulto ko.
"Eh ano naman? Inggit ka? Patikim ka rin." pambabasag nito sabay tawa at take ng selfie niya na nakakagat labi at nakadakot ang kamay sa kanyang burat.
Napayuko ako sa hiya at itinuloy na ikonek ang mga gadget para simulang makipaglaro.
"Sam, bukas na lang ako makikipaglaro. Puntahan ko lang si Miriam." pagpapaalam nito.
"Sige." sagot ko nang di nalingon habang nakatitig sa pag boot ng game.
"Wag kang maingay sa mama ko ha? Kutos ka sa akin." pagbabanta niya.
"Kung kaya mo?" sagot ko habang pinapainit ang controller sa aking mga daliri.
"A ganon?" paghahamon nito.
Nagulat ako ng bigla akong daganan ni Aries at iangat ang aking mga binti. Nagbuno na naman kami na parang mga bata. Malakas talaga si Aries kaya lagi akong talunan sa wrestling buti na lang at tumunog uli ang phone niya. Saglit siyang sumulyap sa phone niya malapit sa kanyang tanaw.
"Sige na, bukas na lang." muling pagpapaalam nito.
"Ingat ka supot." pangaasar ko.
Muli na namang lumingon si Aries para ibigay ang grand FUCK YOU finger.
Ngumiti ako at kumindat sa kanya bago siya lumabas ng pinto. Ramdam ko ang pangungulila ng isara niya ang pinto. Ramdam ko ring tumingin at ngumiti siya sa akin bago siya umalis.
Leche ka Miriam! Sagabal ka.
BINABASA MO ANG
DUDE
RomanceLife tragedy that bound two young at hearts to find a soul that perfectly fits one another! Sam and Aries road to forever! Enjoy