Chapter 7

21 2 0
                                    

CHAPTER 7

SAM

Ngayong araw din ang alis ko patungo sa bahay ng Tita ko. Napansin ko na nakalimutan ni Aries dalhin ang gift ko sa kanya kaya idadaan ko na lang sa bahay niya ito mamaya. Hindi ko na sinabi sa kanya na ngayon ang alis ko dahil baka lalo lang siyang maging sentimental at tsaka babalik naman ako agad matapos kong makapagenroll kaya minarapat kong manahimik.

Hapon na nang umalis kami ng bahay saglit ako tumungo sa bahay ni Aries para idaan ang gift at makapagpaalam. Sinalubong naman ako ng nanay ni Aries para kunin ang kahon at sinabing may date daw si Aries at Miriam.

Nalungkot akong natutuwa dahil di ko nakita si Aries at dahil hindi na kailangang magpaalam pa. Anyway, magkikita rin naman kami agad agad dahil kailangan ko lang mag-enroll at dito na muna ako sa bahay mag-stay hanggang magsimula na ang pasukan.

Halos tatlong oras din ang biyahe papuntang Quezon City kung saan nakatira si Tita Inday na bunsong kapatid ni Mama. Excited si Tita Inday dahil magkakaroon na siya ng kasama sa bahay. Lahat ng anak niya ay nasa ibang bansa kaya medyo nangungulila siya. Inilibot ako ni Tita sa buong bahay at natuwa ako ng makita ang aking kwarto. Apakalaki!

May mesa para sa aking pagaaral at kabinet para sa aking mga damit. Tinulungan ako ni Bebang at Bitoy na tangalin sa maleta ang aking mga damit kahit halos magkandagusot ang damit sa hampasan at hatakan nilang dalawa. Mamiss ko tong dalawang to. Dito na napagpasyahang matulog ng aking mga magulang para samahan ako sa unang gabi ko sa bahay ni Tita. Ang daming pagkaing ipinahanda ni Tita Inday sa katulong pero wala talaga akong ganang kumain lalo nga ngayon lingo na sanay akong kasama si Aries sa hapag kainan.

Matapos naming kumain ay agad naman akong tumuloy sa aking kwarto kasama si Bitoy at Bebang para manood ng Peppa Pig habang patuloy sa kwentuhan sila papa, mama at tita. Nagtatawanan na kami ng biglang nag text si Aries.

Supot: Tangna mo! Di ka man lang nagsabi.

Nabasa ni Bebang ang text.

"Who's supot kuya?" tanong ni Bebang

"Si Bitoy." sagot ko kaya sinuntok ako ni Bitoy sa braso.

"Joke lang. Hiram ka muna ng cellphone kay mama text ko lang si Aries." pagmumungkahi ko.

"O.M.G. Supot si Kuya Aries." gulat na reaksyon ni Bebang

Natawa ako kaya tinulak ko na silang dalawa at nang lubayan nila ako.

Me: Dumaan ako kanina sa bahay ninyo.

Supot: Kagabi diyan ako natulog. Ba't di ka nagsabi?

Me: Tapos ano? Mag iinarte ka?

Supot: Hindi. Ready na nga ako eh. Pero sana nagpaalam ka man lang.

Me: Sorry na 'Dude. Balik naman din ako agad. Enroll lang ako

Supot: Kelan?

Me: Soon.

Supot: Leche, Kelan nga?

Me: Baka sa ikatlong lingo.

Supot: Text mo ko ha.

Me: Oo. Musta date ninyo ni Miriam?

Supot: Nagbreak na kami.

Me: Bakit?

Supot: Hindi naman ako masaya dun

Me: Chinupa ka na nakantot mo na, di ka pa masaya?

Supot: Tsaka ko na lang kwento sa'yo pag di kana virgin. Hahaha

Me: Maglaro ka na lang muna diyan. Nilagay ko sa box yung playstation.

Supot: Ayoko. Wala ka naman.

Me: Magjakol ka lang andyan din yung mga mags.

Supot: Mamaya pag ginanahan ako.

Me: Sige chat later. Nanonood kami ng Peppa pig..

Supot: Peppa o Pepe?

Me: Ulol. Libog mo.

Supot: Sorry po Father. Sige bye. Ingats. Mamiss kita 'Dude! Kaya mag text ka. Lagi. Okey?

"Hala kuya may sira na ulo mo. Nangiti ka mag-isa." pangaasar ni Bebang.

"Halika nood na tayo." pang-iimbita ko.

"Wag na kuya. Tulog na daw kami sabi ni Mama. Goodnight." pagpapaalam nito.

"Dito na kayo matulog sa kama ko. Ang laki kaya nito." pamimilit ko na may pagpalo sa kama.

"Ayoko nga! ang baho mo. Amoy putok ka kaya."pangaasar ni Bebang

"Ang arte mo. Masanay ka sa amoy ng lalaki kundi hindi ka magkakaboyfriend." pangiinis ko.

"Wag na kuya. Magtotomboy na lang ako." nakangising sagot nito.

Natawa ako sa napaka-casual na sagot ng kapatid ko. Iba na talaga mga kabataan ngayon. Muli kong binalikan ang convo namin ni Aries at naramdaman kong naiinis na namiss niya ako. Nireview ko ang aking gallery at doon ay nanumbalik ang isang libong alaala ng kagaguhan namin ni Supot hanggang sa balutin ako ng antok. 

DUDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon