Chapter 9

42 3 1
                                    

CHAPTER 9

SAM

Hindi ko lubos maisip ang biro ng tadhana. Kani-kanina lang ay excited akong naghihintay sa terminal sa pagdating ni mama at papa nang bigla akong nakareceive ng tawag mula sa hospital. Nabangga ng isang truck na nawalan ng preno ang sasakayan nila papa. Napisat ito sa may dingding malapit sa poste ng Meralco. Awang-awa ako sa duguan at lasog lasog na katawan ng aking mga magulang nang ipa-identify sila sa akin sa morgue. Dead on arrival ang aking mga magulang. Galit na galit ako sa driver na kasalukuyang ginagamot din sa mismong hospital. Susugurin ko na sana siya nang makita ko ang tatlong maliliit na batang nagiiyakan dahil sa pagaalala sa kanilang Ama. Naalala ko si Bebang at Bitoy. Pare-pareho kaming nawalan.

Huminga ako ng malalim. Babaliktad ang mundo ko. Sana kayanin ko sa mura kong edad ang aking kakaharapin. Maraming tagubilin ang sinabi ng doctor sa akin pero minarapat kong umupo at bigyan ang aking sarili ng space at panahon para makapag-isip.

Tinawagan ko si Aries nang makailang ulit pero di ito sumasagot. Tumawag din ako sa aking tita na nahigh-blood sa balitang aking ipinaalam buti na lang at nandun ang katulong para alagaan siya.

Wala akong magawa. Wala rin akong maisip. Di ko alam kung ano ang uunahin ang magluksa para kay mama at papa o ang magalala para kay Bebang at Bitoy. Maya maya pa ay tumawag si Aries. Hindi ko na napigilan ang aking lungkot ibinalita ko agad na patay na si Mama at papa.

"Shhh... Focus... Nasan ka?" tanong ni Aries na alam kong sinusubukang maging mahinahon.

"Dito ako sa hospital. Di ko alam gagawin ko Aries."tulala kong sagot.

"Shhhh.. Tahan na.. Tahan na... Pupunta na ako diyan. Iiwan ko lang si Bebang at Bitoy kay Mama. Ok?" mabilis pero malinaw na sambit nito.

"Aries, Bilisan mo." utos ko sabay hinga ng malalim.

"Oo. Basta dyan ka lang. Umupo ka at hintayin mo lang ako." utos din niya.

"Magiingat ka sa daan. Please." pakikiusap ko.

"Oo. promise yan" sagot niya na may paninigurado.

Halos mag-iisang oras na nang makarating si Aries sa hospital. Basang basa ko ang matinding lungkot at pag-aala ni Aries para sa akin kaya agad niya akong nilapitan at niyakap. Hindi ko na na-kontrol ang paglulupasay. Sinalo niya ako at hinigpitan ang kanyang pagkakayakap habang halik halik ang aking ulo kasabay ng mahahaba at paulit ulit na "shh... Tahan na... Andito na ko... Kaya natin to."

Lumapit ang attendant sa akin at agad namang sinalo ni Aries ang atensyon para kunin rin ang mga tagubilin at instruction para sa sabay na pagrelease ng mga bangkay.

Iba talagang kaming magkaibigan ni Aries. Ako ngayon ang taya sa laro ng buhay kaya siya ang sasalo sa akin. Nanghiram si Aries ng papel at lapis sa nurse para isulat lahat ng instructions and procedures na ipinag utos ng attendant. Maya maya pa ay lumapit siya sa akin.

"Ganito gawin natin Sam. Uuwi tayo ng bahay tapos iiwan ko sayo yung mga kapatid mo habang ako at si mama ang magaasikaso nito." pagpapaliwanag niya.

"Alam na ba ng mga kapatid ko?" tanong ko.

"Hindi pa... kaya please magpakatatag ka." direktong sagot nito na nagpabigat sa akin dibdib.

"Sam? Focus... Katulad ng sinasabi mo sa akin nung iniwan ako ni papa.. Move forward tayo. OK?" sambit niya habang hawak hawak niya ang aking mukha para tumitig ako sa kanya. "Walang kakapitan si BEbang at Bitoy bukod sayo. Kaya kapag ready ka na ay agad tayong aalis dito papunta sa bahay. Sabihin mo lang kung handa ka na."

"Dapat nandun ka kapag sinabi ko sa kanila." naluluhang sambit nito.

"Kung yan ang gusto mo sige! Andun ako. Pero ngayon hinga ng malalim at kumalma ka at sabay nating harapin ito." pamimilit niya para bitbitin ko ang aking sarili.

Umalis siya saglit para bumili ng tubig sa canteen. Mga ilang ilang minuto ang nakalipas ay nagyaya na rin akong umuwi.

Apakahigpit ng pagkakayakap ko kay Aries habang binabaybay namin ang kalsada patungo sa kanilang bahay. Ito na yata ang biyahe na gusto kong tumagal dahil hindi ako handang ibalita ang isang bagay na ikaguguho ng mundo sa murang edad ni Bebang at Bitoy.

Nang makarating kami sa entrada ng subdivision ay saglit kong pinahinto si Aries para bigyan ako ng konting panahon para maihanda ang aking sarili para sa aking mga kapatid. Buong tiyaga naman akong hinintay ni Aries na nakatayo malapit sa akin.

Mula sa gabing ito ako ang magiging ilaw at haligi ng tahanan. Kaya ko ba? Kaya ko ba talaga?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DUDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon