Chapter 4

33 0 0
                                    

CHAPTER 4

ARIES

Dalawang araw bago kami makapagtapos ay nagyaya ng inuman si Miriam sa bahay nila . Niyaya ko si Sam para maging guide ko kung sakaling malasing ako. Ang daming chicks at fuckboi sa bahay ni Miriam. Light lang ang inom ni Sam at tila abala pakikipaglandian sa mga nag gagandahang chicks. Tingnan mo nga naman kung sino pa malapit sa chicks ay siya pang virgin.

Hindi maalis ang tingin ko kay Sam lalo na nang makita kong panay ang himas ng babaeng kausap niya sa legs niya na hindi naman pinapansin ni Sam.

"Hoy, Trip mo yung girl na katabi ni Sam. Nag gu-group sex yan. Malibog pa sa akin yang girl na yan." sambit ni Miriam na nakapansing panay ang tingin ko sa babaeng nanlalandi kay Sam.

"Wag na magkasakit pa tayo." sagot ko.

"Malay mo naman yan ang trip ng Best friend mo?" mapangasar na sambit ni Miriam na ramdam kong nanlalandi.

"Ano ka ba? First experience niya orgy? Nakita mo namang napaka mahinhin." sagot ko na parang lalaki rin ang kausap ko.

"Hoy, FYI, karamihan ng mahihinhin ay mahihindutin."hirit ni Miriam sabay suntok sa aking balikat na para ring lalaki.

Sumirit ang beer na iniinom ko sa aking ilong dahil sa gulat ko sa punchline ni Miriam. Natawa si Miriam at napatitig sa aking side si Sam na napatayo sa pagaalala. Itinaas ko ang aking kamay para sabihing okey lang ako kaya bumalik si Sam sa kanyang pagkakaupo.

Minarapat kong iwan si Sam sa kanyang mga bagong kaibigan at i-enjoy ang gabi kasama si Miriam. Maaga ring natapos ang party kaya maaga rin kaming nakauwi ni Sam. Wala masyadong tama ang ininum namin pero binigyan ako nito ng sapat ng lakas ng loob para kausapin si Sam.

"Talaga bang tutuloy ka dun sa plan mo Sam?" tanong ko habang naglalakad.

"Oo naman." mahina pero sigurado nitong sagot.

"Tangna naman Sam. Iniwan na ko ng tatay ko tapos ikaw naman ngayon." pagbubuga ko ng nararamdaman ko na may pait at sakit.

"Aries, may sabado at lingo. Uuwi naman ako. Tsaka may phone naman." pagpapamukha niyang tila naiintindihan ang naramramdaman ko .

"Sam, iba pa rin pag nandito ka. Natatakot akong mapariwara." seryoso at sinsero kong sagot.

Inakbayan ako ni Sam para simulan ang kanyang napakahabang explanation buti na lang at nahinto ang aming kwentuhan ng dumaan ang pick up ng barkada kong nag offer na ibaba kami sa aming bahay. Agad naman kaming sumampa sa pick up. Napakasaparap ng hangin pero tila nilalamig si Sam kaya pinahiram ko ang aking jacket sa kanya.

Nang makarating kami sa bahay ni Sam ay napagpasyahan kong dun na lang sa bahay niya magpalipas ng gabi. Matapos namin magsepilyo ay agad akong humiga sa kama. Sumunod naman si Sam sa akin.

"Aries, Mamiss rin kita. Sobra. Pero alam mo naman na ito ang gusto ko dati pa, diba?" sundot nito.

"Tama na. Umiinit ulo." naiinis kong sagot.

"Iinit pa rin ba ang ulo mo pag nalaman mong sa'yo ko ibibigay ang playstation ko at porn mags collection?" ipit at patiling pange-enganyo niya.

"Joke ba yan?" tumingin ako sa kanya para hintaying bawiin ang kanyang sinabi "Di nga?" sundot ko nang maramdamang seryoso ang gago.

"Oo,nga. Sinabi ko na kay Mama at Papa. PInayagan naman ako." sagot niya.

Di ko napigilan ang saya lalo na sa porn mags kaya nahalikan ko ang kanyang noo. Namula si Sam dahil narin sa higpit ng yakap ko. Pabiro niyang pinahid ang kanyang noo matapos makawala sa aking mahigpit na pagkakayakap.

"Yuck pre, yan ding bibig na yan ginamit mo sa pepe ni Miriam." sambit nito habang pinapahid ang makintab na laway.

"Kelan ka ba aalis? Bukas na ba?" excited kong tanong.

"Tingnan mo 'tong tarantadong to. Isang linggo mo ko halos di kinikibo tapos ngayon ok na dahil lang sa playstation at porn mags." inis na wika niya.

"Ano ka ba? Iyon lang sapat na maalala kita araw araw. Basta wag mong kakalimutang mag text everyday. OK na yun ako na bahala kay Lisa at Sunny" bitaw ko na may pagpahalaga sa dalawang pinaka favorite naming pornstar.

"Bibigay ko na yun sa'yo pero please wag mong punitin para pwede pa nating ipamana kay Bitoy pag lumaki na." natatawa niyang mungkahi.

Nagsimula na naman ang tawanan at tulakan sa kama. Ito ang isa sa mga mamiss ko kay Sam. Nawawala stress at worries ko kapag dagan dagan ko si Sam at sakal sakal siya para kasing ang sarap lang tingnan na di siya nagrereklamo kahit hirap na hirap na siya. Feeling ko ang lakas lakas ko kapag naghaharutan kami gayong sa aming dalawa di hamak na mas malakas naman talaga siya pero kontrolado niya ang sarili niya at higit sa lahat kontrolado niya ang emosyon ko dahil nagagawa niyang pahintuin ako kahit di ko pa gusto.

"Hoy, matulog na kayong dalawa para kayong mga bata!" katok sabay sigaw ng nanay ni Sam.

Pigil na pigil na naman ang tawa namin dahil talagang para kaming sira ulo ni Sam kapag walang nakakakita sa amin. Para kaming batang walang pakialam sa iba kahit 20 years old na kami. 

DUDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon