[ Yannah ]
"Anak, yung mga gamit mo ha' baka may maiwan ka mamaya sa bus pagbaba mo," paalala ni Mama.
"Wag kang mag alala anak, isang buwan ka lang namang makikitira kina Ate Rian mo, after one month ihahanap kita ng bago mong malilipatan," bilin sa akin ni Papa.
Finally, incoming college student na ako. Matagal ko na tong' ni lo-look forward. Sa city ako mag kokolehiyo kaya nag aalala sa akin mga magulang ko, only child lang kasi ako.
"Ma, Pa, huwag na kayong masyadong mag alala sa akin okay? Promise, kaya ko. Ako pa ba?" biro ko sa kanilang dalawa.
"Hindi naman naming maiwasang hindi mag alala sayo, bukod sa ngayon ka lang malalayo sa amin, alam naman natin ang kondisyon mo," may pagkabalisang saad ni Mama.
"Basta anak ha, ang bilin ko sayo wag mong hahayaan na lagi kang mag isa, makipagkaibigan ka para may kasakasama ka sa school niyo," dagdag pa ni Papa.
"Yes Ma'am, yes Sir!" sumaludo pa ako bilang tukso sa kanilang dalawa.
Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag pero, I have this condition na bigla nalang akong makakatulog in any places, any time and any situation. Lalo na kung hindi active yung mind ko and no physical actions at all plus tahimik yung environment maganda yung atmosphere, sobrang relaxing, talagang makakatulog ako agad, instant. Nagigising nalang ako, ako nalang pala mag isa, minsan na lock pa ako sa room, minsan naman naiwan na ako ng school service. Pero gladly, not during classroom discussion kasi nakikinig talaga ako.
Bago pa ako makutusan ni Mama, saktong pumarada na ang bus na sasakyan ko. Kinuha ko na mga gamit ko sabay, kiniss ko sila pareho sa cheeks at nagmadali na akong umakyat sa bus. Bale, liban sa mahabang upuan sa likod ng bus isang upuan pa yung bakante sa may bandang dulo. Nagtungo na ako doon at umupo.
Dahil maaga akong nagising kanina, naisipan kong umidlip muna medyo malayo - layo pa kasi hanggang sa syudad. Hindi nagtagal, napukaw ako sa pagkakatulog dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bus. Dumungaw ako sa bintana at nakita kong may mga bagong pasaherong sasakay. Inayos ko yung upo ko dahil baka sakaling may maupo since bakante naman yung upuan sa tabi ko. Nagsipasok sila sa loob ng bus, halos mga kasing edad ko lang din sila dahil halata naman sa itsura, maaaring incoming college student din.
Unang nakita ko na naglakad patungo sa liko ay isang lalaki. Nakatingin lang ako sa kanya, no expression at all syempre hindi ko naman siya kilala. Inayos ko ulit upo ko, syempre nagmamagandang loob lang ako. Kaso lang, nilagpasan niya lang ako. Imbes na mas komportable yung regular na upuan kumpara sa mahabang upuan sa likod, mas pinili niya dun. Hindi nalang ako nag react, baka gusto niya siguro katabi niya mga kaibigan niya.
Bumalik nalang ulit ako sa pagtulog habang naka music. Maya - maya huminto ulit yung bus at isang mag asawang matanda at may kasamang batang apo na sasakay. Dahil wala nang bakanteng upuan, nag presinta na ako na tumayo nalang.
"Lolo, dito na po kayo maupo," alok ko.
"Nako, salamat iha ha' Elvira dito na kayo maupo ni Daryll," tawag niya sa asawa't apo niya.
Tatlo pala sila, at dalawa lang yung bakanteng upuan ko. Naawa tuloy ako kay Lolo, bahagyang bako bako pa naman yung kalsada kung kaya't nakakahilong tumayo.
"Lolo, dito na po kayo maupo," narinig kong sabi ng lalaki sa likod.
"Maraming salamat iho, masakit kasi tuhod ko kaya hindi ko kayang nakatayo, salamat ha,"
"Wala po yun, sige po' akina po gamit niyo lagay natin sa taas," offer pa nung lalaki.
Tahimik lang ako pinapakinggan ko lang sila. So, yung nangyari ngayon standing kami pareho. Tuloy tuloy lang yung takbo ng bus, at nakatayo lang ako, hindi ako umiimik. Dahil mabato pa yung daan, naalog alog kaming mga pasahero at nagkakauntugan kami noong lalaki. Umiiwas nalang ako ng tingin.
Hanggang sa narating na namin yung parteng medyo maayos na yung kalsada. Umayos na ako ng tayo, nag earphone ulit ... sobrang nakaka relax.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BOOOOOOOOOOOOOOOOOGSH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Nabalik ako sa realidad, nang nakasalampa na sa sahig ng bus. Nakatulog na pala ako habang nakakapit sa handler. -_- Pinagtitinginan na ako ng ibang pasahero, grabe yata yung pagkakabagsak ko. Kahit nahihilo pa ako, pinilit ko nalang tumayo. Hindi nagtagal may kung anong likido na umaagos sa mukha ko. Gamit ang aking kanang kamay, hinawakan ko yung noo ko upang tingnan kung ano yung tumatagas.
DUGO!
May sugat pala ako sa ulo at dumudugo! Nagmadali lumapit sa akin yung konduktor ng bus sabay inabutan ako ng panyo.
"Nako iha, medyo malaki yung sugat mo, grabe kasi yung pagkakabagsak mo. Tumama ka dun sa bakal oh," sabay turo niya sa akin ng kinabagsakan ko.
Hindi ako makapagsalita sa hiya, bukod pa dun ang hapdi ng sugat ko. Hindi ko pa alam kung gaano kalaki sugat ko, pero sa dami ng dugo na umaagos alam kung malaki ang gasgas sa noo ko.
"Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Halika ikaw na dito yung umupo, baka mapano ka pa," alok sa akin ng isang ginang sa harap.
Naglakad na ako papunta sa may upuan niya at narinig kung napagalitan ng konduktor yung lalaking standing din kagaya ko.
"Ikaw kasi, bat hindi mo nalang sinalo, nakita mo nang babagsak siya, kawawa tuloy si ate," paninisi ni Kuya.
Tiningnan ko yung lalaki at pansin kung umiwas siya ng tingin sa akin, nakayuko lang siya. Nahihiya tuloy ako, alam ko namang wala siyang kasalanan. Sadyang nakatulog lang talaga ako. Hanggang sa makarating na kami ng syudad, hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nahihiya talaga ako. Gustuhin ko mang humingi ng tawad, huli na dahil sinisisi na siya ng lahat.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wala na akong nagawa hanggang sa nakababa na siya, at bumama na din ako. Natanaw ko na agad si Ate Rian pagkababa ko lang, inaanak yun ni Papa at pansamantala sa kanila muna ako manunuluyan.
"Yannah!" tawag niya sakin.
Bitbit ang mga gamit ko, naglakad na ako patungo sa kinatatayuan niya.
"Anong nangyari sayo, bakit may panyo ka sa noo? May dugo pa?" pansin niya agad sa akin.
"Wala to ate, nautog lang hindi naman gaanong masakit," pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka ha? Mamaya ma infection yan."
"Hindi ate wala to, tara na?" pag iba ko agad ng usapan.
Dahil hindi kalayuan nakarating kami agad sa bahay nila. Pinagmamasdan ko lang yung gasgas ko sa noo, ano kayang nangyari? Dahil tulog ako, wala akong idea kung totoo bang hinayaan niya lang ako bumagsak o hindi siya aware? Ewan ko, ayoko nalang isipin sana.
Kaso na gui - guilty ako, nagmukha tuloy siyang masama. Unang araw ko palang may ganitong ganap na hays.
[ may karugtong ... ]
BINABASA MO ANG
Sayo Itinadhana ng Tadhana
Teen FictionTadhana. Isang salitang hindi pinapaniwalaan ni Yannah. "Destiny? Walang ganon. Tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Walang tadhanang itinakda." madalas niyang sabihin sa mga taong kumokontra sa pananaw niya. Simple, matalino at maganda si Yannah...