[ Yannah ]
Kahit na antukin ako, gising na gising ang diwa ko kagabi. As in hindi ako nakatulog.
"O' bat ang laki ng eye bags mo ngayon?" tanong sa akin ni Ashley.
Bumuntong hinga nalang ako. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag.
"Baka namamahay ka lang sa bago mong dorm, kumusta naman maganda ba?" usisa niya pa.
"Okay naman, mag isa lang ako sa room... tapos,"
"Tapos ano? May nangyari ba? May nangyari ano???" pangungulit niya pa.
At dahil doon sinabi ko na lahat kay Ashley. Best friend ko naman siya, at mas mabuti nang alam niya din.
"Besh! Turo mo naman sa akin yang Kean at Nash! Na cu - curious tuloy ako, sinong mas gwapo?! Nangangamoy love triangle! Hahaha!" kilig na kilig pa siyang sinasabi yan.
"Hindi ko iniisip yun, mas iniisip ko kung sino yung kumuha ng towel ko sa CR, parang sinadya eh! May kaaway na ba ako agad? Grabe naman."
"Oo nga, may kontrabida na agad! Tsk. Inggit lang yun, kasi na sayo atensyon ng dalawang boylet!"
"Alam mo namang hindi ko priority yan, wala sa plano ko." mahina kong sabi.
"Yannah, once na in love ka hindi yun pinaplano, kusa mo nalang nararamdaman yun. Kami nga 4 years na kami ng bebe ko eh! LDR nga lang ngayon,"
May high school sweetheart kasi si Ashley, at ngayon lang sila nagkahiwalay kasi sa Manila nag aral si Pacho boyfriend niya.
Ewan ko ba, wala naman kasi sa isip ko yang love love na yan.
Tapos na klase namin at pabalik na ako ngayon sa dorm. Iniisip ko pa din yung towel niya. -_-
Paano ko ba yun iaabot? Lalabhan ko ba yun? Hindi ko pwedeng labhan yun sa dorm, makikilala nilang kay Kean yun. So, I decided na ipa laundry ko nalang ngayon, kunin ko lang sa room.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sleeping beauty! Tara jam session!" alok sa akin ni Nash.
Nakatambay kasi sila sa labas.
"Kayo na muna, aalis din ako agad eh," ( di ba nga magpapa laundry ako ng towel )
"Siya nga pala, si Stephanie. dorm mate din natin, sa room 2 siya next sayo. Hindi kasi siya nakasama sa welcome party mo kagabi," pakilala ni Nash sa babaeng katabi niya.
Mas matangkad siya sa akin.
Mas sexy.
Bagay na bagay pa yung suot niyang damit sa kanya."Why are you staring me? Nakakainggit ba ganda ko?"
Hindi ko inasahang sasabihin niya yun.
"It's a joke! Hahaha! Nice to meet you Yannah, welcome to the Dorm Home," sabay naki beso sa akin.
Nginitian ko nalang siya. Ewan ko ba, medyo uncomfortable ako. Pumasok na ako sa room. Kinuha ko agad yung towel nilagay sa plastic at umalis na.
Kailangan maibalik ko na to. Sakto may malapit lang na laundry shop sa dorm.
"Miss isang machine nga po," sabi ko sa bantay.
"Asan po labahan niyo ma'am? Assist ko na po kayo,"
BINABASA MO ANG
Sayo Itinadhana ng Tadhana
Teen FictionTadhana. Isang salitang hindi pinapaniwalaan ni Yannah. "Destiny? Walang ganon. Tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Walang tadhanang itinakda." madalas niyang sabihin sa mga taong kumokontra sa pananaw niya. Simple, matalino at maganda si Yannah...