[ Yannah ]
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto, binuksan ko at si ate Linda nga, yung landlady.
"Yannah, okay ka na ba? Halika e to - tour kita dito sa dorm,"
"Ah sige po, wait lang po saglit," inayos ko lang buhok ko at naglagay ng konting pulbos sa mukha sabay spray ng konting pabango.
Inikot namin ang buong dorm, so far okay naman siya. Malinis at may mga naka post sa bawat sulok kung ano yung mga rules. May mga iilan nadin akong nakilala, dahil bawat nadadaanan naming boarders ipinapakilala ako ni ate Linda. Pabalik na ako ngayon sa room.
"Psssst!" nang may narinig akong sumipol sa akin. Tumingin ako pero wala namang tao. "Psssst!" isang tawag pa ulit.
Na curious ako kaya bumalik ako, inaantay ko kung may tao ba. Nasa may hallway lang ako, saktong nakatapat sa room number 5. Maya - maya biglang bumukas ito. Ewan ko ba pero napatitig ako sa taong palabas. Nanlaki din ang mga mata niya noong makita niya ako.
"Hi," tipid niyang bati. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita, pero sobrang familiar niya! As in... san ko ba siya nakita???
Bago pa ako nakapagsalita, bumukas yung pinto at isang lalaking kasing tangkad niya din ang palabas ng pinto. Bigla siyang napatingin sa'kin, titig na titig sa mukha ko!
"SLEEPING BEAUTY!? IKAW NA BA YAN?!" sabi niya pa.
He sounds as if were really close! Pero ako totally wala akong idea kung sino silang dalawa!
"Hindi mo ba ako naaalala? Ako to, si Tarzan! Nagka peklat ka lang sa noo pero sigurado akong ikaw yan, dahil diyan sa nunal sa gitna ng ilong mo! Hahaha!" natatawa pa niyang sabi.
Na re - recall ko yung Tarzan at Sleeping beauty na tawagan pero sobrang tagal na nun.
"Grade 6, camping. Naalala mo? Naiwan ka ng bus niyo dahil nakatulog ka sa gubat, tas ako nakakita sayo. Di ba nga sa school service ka nalang namin sumabay?" paalala niya sa akin.
Doon na nag flashback lahat. Naalala ko na. One of the most unforgettable and fearful moment ko yung camping namin nung Grade 6. Dahil nga antukin ako, nakatulog ako sa gubat at naiwan ng school service. Sobrang takot na takot ako nun. Mabuti nalang at nakita ako ni Nash. Siya yung batang nakahanap sa akin sa gubat, ligalig kasi siya. Kapwa camper from different school nga lang, inter school camping event kasi yun. Tinatawag niya akong sleeping beauty nun dahil natatawa siyang nakatulog ako sa gubat, Tarzan naman ang tawag ko sa kanya dahil kabisado niya yung lugar as if taga gubat talaga siya.
"O' ano naalala mo na ako?" tanong niya ulit.
"Oo, hahaha. Dito ka din pala nakatira?" awkward kong tanong. Syempre awkward talaga!
"Oo, room 12 ako. Ikaw?" kaswal niyang sabi.
"Ah, sa room 1 ako,"
Bago pa siya sumagot, may dumungaw na na babae sa pinto. "Hoy ano ba kayo, yung lamig ng aircon lumalabas!" bulyaw sa kanilang dalawa. Natigilan nalang siya noong makitang nasa labas ako. "Miss Navarro?" gulat na tanong niya.
"Doc???"
Bat ko ba sila nakikita ngayon? Si Nash, old acquaintance. Si doctora, yung nag benda sa sugat ko sa noo ... at yung isang lalaki na tahimik, alam kong siya yung lalaki sa bus. Nakatungo lang siya at nakikinig sa usapan.
"Small world! Dito ba bagong dorm mo?" usisa niya sakin.
"Yes po doc, kakalipat ko lang po ngayon,"

BINABASA MO ANG
Sayo Itinadhana ng Tadhana
Fiksyen RemajaTadhana. Isang salitang hindi pinapaniwalaan ni Yannah. "Destiny? Walang ganon. Tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Walang tadhanang itinakda." madalas niyang sabihin sa mga taong kumokontra sa pananaw niya. Simple, matalino at maganda si Yannah...