[ Yannah ]
Kinabukasan naghanda na ako sa pagpasok sa school. First day palang ngayon kaya natitiyak kung walang masyadong gagawin.
"Yannah, sigurado ka bang okay lang yang sugat mo? Namamaga na yung noo mo a, baka kailangan na yang patingnan sa doctor," nababahalang tugon ni ate Rian. Hanggang ngayon kasi may konting pagdudugo pa sa noo ko tas namamaga na, akala ko gasgas lang ngunit akala ko lang pala.
"Lagyan ko lang to ng band aid ate okay na to, sayang din kasi kung magpaospital pa ako sakto lang po pera ko," katwiran ko.
"Kung may extra lang sana akong pera mapapahiram kita. Kaya lang alam mo namang baon kami sa utang ngayon, itong bahay nga isang buwan nalang kukunin na ng bangko," nakakiming paliwanag ni ate Rian.
Hindi lingid sa aking kaalaman ang problemang pinagdadaanan ngayon nina ate Rian at ng asawa niya, nabaon kasi sila sa utang. Gayunman nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil pinatitira nila ako sa kanila sa loob ng isang buwan.
"Ate wag niyo na po akong isipin, di bale sa school baka may clinic naman dadaan nalang ako," tugon ko sa kanya upang hindi na siya mag alala. "Sge ate una na ako ha," paalam ko din sa kanya.
Nag trike na ako papuntang school, dahil bawal sa loob yung tricycle sa may entrance gate lang ako binaba. Natutuwa akong makakita ng kapwa ko mga estudyante. Finally, kolehiyala na ako sabi ko pa sa isip ko. Hawak ko yung school booklet kung saan nakalagay yung school guides para sa mga gaya kong freshmen. Mabuti nalang at agad kong nahanap ang department namin.
Department of Business and Accountancy, BS Accountancy kasi yung kurso ko. Umupo na ako sa second row at hindi nagtagal pumasok na yung professor, first subject yata namin. Normal first day of classes lang, konting introduction sa subject, grading system at mga requirements. Hindi rin nawala yung introduce yourself.
"Hi, I'm Ashley Mendoza," nakangiting pakilala sa akin ng katabi ko.
"Yannah, Yannah Marie Navarro," sabay abot ko ng kamay ko sa kanya.
"Nice to meet you, Yannah. Friends na tayo ha?" siste pa niya sa akin. Ngiti at tango nalang ang naging tugon ko sa kanya, walang dudang mabait si Ashley. Mga ilang minuto lang, kinalabit niya ako ulit.
"Yannah! Yung noo mo! Dumudugo!" sigaw niya.
Bago pa ako nakasagot, nagtaas na siya ng kamay at nagpaalam sa professor na dadalhin akong school clinic pumayag naman ito.
"Bilis halika!" hatak niya sa akin papasok ng klinika. "Ano bang nangyari sayo, napano yang sugat mo?" tanong niya.
"Kahapon to sa bus, bumagsak ako sa sahig at saktong natama ulo ko sa bakal,"
"Grabe yung sugat mo, dapat kahapon pinatingnan mo agad,"
Hindi nalang ako sumagot, ayoko sanang magpa doctor kasi may bayad pero kung libre naman dito sa school go na ako for this, baka may mga libreng gamot pa sila.
"Bat kaya wala pa yung school nurse dito?"
"Ash, mauna kana sa room. Ako nalang mag antay dito, excuse naman ako diba," alok ko sa kanya.
"Sigurado ka ba kaya mo mag isa?"
"Promise okay lang ako, kunin ko pala number mo mamaya text kita agad."
Pagkabigay niya ng cellphone number niya bumalik na din siya agad sa classroom. Ilang oras palang kaming magkakilala ni Ashley, feeling ko best friend ko na siya.

BINABASA MO ANG
Sayo Itinadhana ng Tadhana
Novela JuvenilTadhana. Isang salitang hindi pinapaniwalaan ni Yannah. "Destiny? Walang ganon. Tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Walang tadhanang itinakda." madalas niyang sabihin sa mga taong kumokontra sa pananaw niya. Simple, matalino at maganda si Yannah...