Three

20 1 0
                                    

[ Yannah ]

Grabe sobrang bilis ng panahon! It's been one month simula noong first day. Si Ashley? Mas naging close pa kami best friend ko na yun. Hahaha! Kahit papano nakaka adjust na naman ako sa normal college life ko, in all fairness naman masaya.

Nasa bus terminal ako ngayon, inaantay ko si Papa.

"Papa!" sinalubong ko agad siya noong makita ko siyang pababa na ng bus.

Sobrang miss ko na sila ni Mama, hindi pa kasi ako nakakauwi sa amin dahil nga nag aaral ako.

"Bakit sinundo mo pa ako? Hindi ba sabi ko mag antay ka nalang sa ate Rian mo," sabi niya Pa.

"Papa naman, ayaw mo yata akong makita e," pagtatampo ko.

"Anak hindi naman sa ganun, syempre ayoko lang na magsayang ng oras. Sobrang busy kasi namin ngayon ng Mama, malakas yung negosyo natin," sabay pumara siya ng tricycle na sasakyan namin.

Parehong masipag ang mga magulang ko. Bukod sa sari - sari store namin, na ngayon ay isang malaking grocery store na daw sabi ni Papa, may iba pa kaming negosyo. nagbukas din sila ng buy and sell at bakery.

"Pa, baka naman hindi na kayo nagpapahinga ni Mama. Hinay hinay lang ah," pag aalala ko.

"Anak wag ka nang mag alala, hangad namin ang magandang buhay para sayo kaya nagsusumikap kami ng Mama mo," sagot ni Papa. "Siya nga pala, ihahatid lang kita sa bago mong matutuluyan tapos uuwi na ako agad, masyadong maraming gagawin sa bahay gusto kasi namin ng Mama mo na mag extend yung grocery store ng hardware," dagdag niya pa.

Tumango nalang ako kay Papa, pero sa totoo lang nalulungkot ako. Sobrang miss ko na kasi sila ni Mama, akala ko makakasama ko manlang kumain si Papa pero sobrang busy na nila.

"Paano yan Pa, wala nang biyahe ng bus mamaya a? Hapon na kaya," gusto ko talagang ipilit na hindi muna siya umuwi.

"Hindi problema yan nak, dahil bibili ako mamaya ng sasakyan," natutuwang balita sa akin ni Papa.

"Pa, seryoso ka ba?"

"Oo nga, kailangan na kasi natin ng four wheels kasi mas madami nang deliveries,"

On the other hand, masaya akong unti - unti nang umaayos ang buhay namin, finally nag pa - paid off na yung efforts nina Mama at Papa. I can't believe in just one month, ang daming blessing ni Lord.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi nagtagal nakarating na kami kina ate Rian.

"Rian, maraming salamat sa pagpatira niyo kay Yannah dito sa inyo, malaking utang na loob ko sa inyong mag asawa," sabay abot ni Papa ng envelope kay ate.

"Nako Ninong Nick hindi ko po matatanggap to, sa totoo lang malaking tulong sa amin si Yannah, binabantayan niya mga anak namin kaya nakakapagtrabaho kami ni Eugene,"

Gumitna na ako at iniabot ko ulit kay ate yung enevelope na binibigay ni Papa, tingin ko pera ang laman nun alam kong malaking tulong na yun kina ate Rian.

"Ate, sige na please tanggapin mo na ang bigay ni Papa, makakatulong to para makapagsimula kayo ulit," pangungubinse ko sa kanya.

Maluha luhang niyakap ako ni ate Rian, ginantihan ko nalang siya ng mas mahigpit pang yakap. Kung nagpapasalamat siya sa akin, mas nagpapasalamat ako sa kanila. Umalis na din kami ni Papa agad at nagpunta na sa bago kong malilipatan.

The Dorm Room, yun ang name ng place. Isang bungalow type lang na boarding house. Usual type lang, may mga room numbers, may common na kitchen area, laundry room, separate bathroom and shower area and with may jamming area sa labas. Walking distance lang din sa school kaya mas maganda, and what's even better malapit lang sa boarding house ni Ashley, my best friend.

"Magandang hapon Mrs. Linda, anak ko si Yannah," pakilala sa akin ni Papa.

"Magandang hapon din, hello Yannah ako si Ate Linda, landlady dito sa The Dorm Room,"

Pilit na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, natatakot kasi ako dahil una palang halata nang strikto yung landlady namin. Nakaka intimidate.

"Tara sunod kayo, punta tayo sa magiging room mo," sabi niya pa.

Tumigil kami sa unang kwarto, nakalagay ROOM NUMBER 1. Binuksan niya at pumasok na kami sa loob. Malawak siya, may anim na double deck. Okay naman yung lightning at ventilation, may bintana pa sa side.

"Ngayon Yannah, ikaw lang mag isa dito dahil binayaran ng Papa mo buong room,"

"Po? Teka lang po," sabay bumaling ako kay Papa "Pa okay lang sa akin may kasama, mas makakatipid tayo dun," bulong ko kay Papa.

"Anak nabayaran ko na. Siya nga pala gusto mo pang ipabago natin interior dito, para isang deck lang tapos lagyan natin ng side table----

"Wag na po Pa! Okay na po sa akin to, ganto nalang po," putol ko sa sinasabi niya. Dagdag gastos pa kasi yun.

"Ikaw bahala, paano Mrs. Linda okay na daw sa anak ko,"

"Heto yung susi mo Yannah, mamaya babalikan kita dito kailangan pag usapan natin ang mga do's and dont's dito sa dorm, tapos e to - tour din kita, at mamayang dinner time ipapakilala kita sa mga makakasama mo dito, okay lang ba yun?"

"Sige po, maraming salamat po ate Linda," tugon ko.

Umalis na siya at naiwan na kami ni Papa, nag unpack na din ako ng mga gamit. Mas mainam nang mag ayos muna ako ng gamit. Habang nag aayos ako, nakita kong kumuha ng pera si Papa sa pitaka sabay abot sa akin.

"Pa, para san po yan, meron pa po akong allowance," tanggi ko.

Hindi na siya nagsalita, nilagay pa rin niya yung pera sa palad ko sabay kinuyom yung kamay ko. Sabay naghanda na siya umalis.

"Anak, mauna na ako ha? Kung may bibilhin ka mag text ka lang sa amin, mababasa naman namin yun ng Mama mo. Busy lang talaga kami kaya minsan hindi kami nakakatawag sayo. Mag iingat ka dito ha, yung mga bilin ko sayo. Mag aral kang mabuti," sabay niyakap niya ako ng mahigpit.

Lumabas ako at inihatid si Papa sa may gate, sumakay siya ulit ng trike dahil kukuhanin na daw niya yung sasakyang bibilhin niya. Pagkaalis ni Papa, inayos ko na ulit ang mga gamit ko. Naninibago ako sa bagong kwarto, medyo nakakalungkot kasi mag isa lang ako, at malawak pa siya.

Nakakapagod, iidlip muna ako.


[ may karugtong ... ]

Sayo Itinadhana ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon