"UHMM..." ANI Ayara, breaking the uncomfortable silence. "What now?"
Napailing nalang si Lexi at tulad ng kanina, wala pa ding ibang ginawa ang mga kaibigan ni Thaddeus kung hindi ang pagmasdan lang si Lexi. Naiilang siya, inaamin niya. Ngunit pinili niya nalang na manahimik at kumain, wala siyang mapapala sa mga kaibigan ni Thaddeus.
It was Thaddeus' who she needs, not his friends.
"Ehem" pekeng pagubo ng isa sa mga kaibigan ng binata, dahilan para lumingon dito si Lexi. Jonathan Roi Vergara. "Hi miss" nakangiting bati nito at ngumiti nalang ng tipid ang dalaga bilang tugon.
"You're Lexi, right?" dugtong pa nito.
"Yeah."
"Do you like our Thad?" deretsong tanong nito dahilan para masamid si Thaddeus na ngayon ay umiinom pala ng juice.
"Thaddy-bear!" maarteng sabi ni Ayara at bahagya pang lumayo kay Thaddeus. Palibhasa ay grabe ang yapos nito kay Thaddeus, ayan tuloy. "What the fuck?"
"I'm sorry" ani Thaddeus habang nagpupunas ng sarili. Bumalik nadin si Ayara sa upuan nito, nakasimangot at hindi maipinta ang mukha.
"Damn, I just brought this dress." pabulong na singhal ng kaibigan dahilan para natatawang mapailing si Lexi. They've been friends for 13 years yet Ayara haven't changed a bit. Minsan nga, napapaisip siya, pano kaya niya naging kaibigan ang isang to?
Having a friend like Ayara was the last thing she would do. Tss.
"You still haven't answered my question yet, miss." nakangiting ani Jonathan at kalmado naman niyang nilingon ang binata. His blue eyes that can be compared to an ocean. Well shaped nose and a diamond-shaped face. His smile that can melt someone's heart. Hindi na siya magtataka kung bakit madaming babae na ang napaiyak nito.
Not that she's into him.
Bahagya pang binuksan ni Lexi ang bibig para magsalita ngunit bago pa may lumabas na salita mula dito at may nagsalita. "Ayara."
"Where the fuck have you been?" hindi maipinta ang mukhang ani Dexter. Lahat ng nasa lamesang iyon ay nakatingin sa binata, nagpapalit palit ng tingin kay Ayara at Dexter.
"I slept with Lexi, got a problem with that?" nangdadamay pa ang tarantado.
Inis na nilingon ni Dexter si Lexi, his eyes held anger. "She forced me to."
"Lexi!" suway sakanya ng kaibigan, ngunit parang walang pakialam na nagkibit balikat lamang ang dalaga habang ngingisi ngisi.
"Hindi mo man lang ba naisip na inantay kita? Ha? Ganon ka na ba talaga kaselfish, Ayara?" hindi na maiwasan ni Dexter ang magtaas ng boses. Kuha kayo popcorn.
And being the scandalous vixen she is, Ayara stood up. "Walang may pake, kahit maghintay ka pa habang buhay, hindi ako matutulog kasama ka! Manigas ka, pwe!"
"Wel-"
"Could ya'll just fucking shut up and let me eat in silence?" inis na singit ng isa sa mga kaibigan ni Thaddeus. Trigger Cerillo, tss, killjoy.
Bumuo naman ang ngisi sa mga labi ni Dexter. "Nice seeing you too, lil bro." sarkastikong sabi ni Dexter dahilan para mapamaang sa gulat ang mga kaibigan ni Trigger. Maging si Lexi at Ayara ay nagulat din, kadalasan kasi kapag napaguusapan nila si Trigger o kaya ang ama nito ay tumatahimik lamang si Dexter o kaya naman iniiba niya ang usapan.
He also sometimes refuse to call them little brother and father. Simula ng lumayas at umalis si Dexter sa puder ng kaniyang ama ay hindi na niya pamilya ang mga ito.
They weren't someone to call a family, after all.
"Shut up and sit. I'm not in the mood." seryosong sabi ni Trigger habang sa kinakain padin ang tingin.
Nagpapalit palit padin ng tingin si Thaddeus kay Dexter at Trigger, halatang gulat parin sa narinig. "Magkapatid ka-"
"Thad." pagpuputol ni Lexi sa sasabihin ni Thaddeus. Lumingon naman ang binata dito, umiling naman si Lexi, pagsesenyas nito sa binata na wag ng ipagpatuloy ang sasabihin. Mukhang nakuha naman ni Thaddeus ang ibig sabihin nito at tumikhim na lang.
Lexi didn't want Dexter to throw tantrums today. Not here. This is why i didn't want to bring Dexter onto this mission. Tsk.
Umupo si Dexter sa katabi ni Ayara. "We're still not done yet, Laveret." bulong pa nito sa dalaga.
Ayara rolled her eyes. "Whatever you say, Cerillo."
AND THERE was it again. The uncomfortable silence surrounding their table. Thaddeus was about to speak when Ayara spoke.
"Gosh, ya'll are boring as fuck." ani nito at sumandal sa upuan, bahagya pang pinaglalaruan ang baso ng juice. Maya maya lang ay inilagay ni Ayara ang dalawang kamay sa lamesa, tila ba'y may naisip na kung ano. Nagtaas naman ng tingin ang iba, ngumiti naman ang dalaga. "How about we play a game?"
"Great idea, my love. What game?" malanding ani Jonathan, dahilan para mapangisi si Thaddeus habang umiiling. Hindi pa nga siya tapos kay Kate, meron nanaman agad siyang bagong paglalaruan?
"The shut-the-fuck-up-you're-not-my-type game" palaban at nakangising sagot ni Ayara.
"Ayos lang yan, Nate. Ganyan talaga ang buhay parang life. Ang mahalaga, importante." pangaasar ni Elthon kay Jonathan at inirapan lang siya nito saka bumaling ulit kay Ayara.
"Boring. Ever heard of your-not-my-type-either game?" Jonathan shot back.
Ayara just rolled her eyes. "So ayun na nga, let's change first impression on each other. Let's start with..." isa isang tiningnan ni Ayara ang mga tao sa lamesa. "Aha. Trigger, what do you think of me?" malagkit ang tinging tanong ni Ayara kay Trigger. Bahagya pa nitong pinatong ang kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, hinihintay ang sagot ng binata.
"A bitch." simpleng sagot ni Trigger, hindi man lang inalis ang tingin sa pagkain. "Someone i'll never like."
"E-excuse me? Kung ayaw mo sakin, edi wag! Pakialam ko sayo? Madami namang naghahabol sakin. It's your loss, hmp." nakanguso at naiinsultong ani Ayara.
"Maraming naghahabol sayo? Ilan? Mga wala?" singit ni Dexter.
"Gago." nakasimangot na bulong ni Ayara. "Magkapatid nga talaga kayo."
Tiningnan ni Dexter si Ayara ng masama.
"Let's just continue. Pinagtutulungan nako ng mga Cerillo eh." nakasimangot padin na sabi ni Ayara dahilan para mas lalong dumilim ang mukha ni Dexter. Parang walang pakialam si Ayara at nakangising tumingin kay Lexi. "Let's go with Lexi."
"What do you think of Thaddeus?"
Walang emosyong nagangat ng tingin si Lexi at tiningnan sa mata si Thaddeus. Sandali pa silang nakatitig sa mata ng isa't isa, dahilan para kumalabog ng malakas ang dibdib ni Thaddeus.
Nagiwas ng tingin ang dalaga at nilipat sa kinakain ang tingin bago sumagot. "Selfish shit."
"Someone who'll step on other just so he could go up. Just like his father."
"Lex." saway ni Ayara kay Lexi ngunit parang walang pake ang dalaga.
"What? I just said what i think of him. Isn't that the rules of the game?" walang emosyong sagot nito.
"You think of me that way, too?" kita ang lungkot at galit sa mga mata ni Thaddeus at nakita iyon ni Lexi. She felt guilty. I should have been more careful. Tsk.

BINABASA MO ANG
BCS 1: Love and Death
RomanceBella Cicatrice Series #1. "Run and hide all you want, i'll chase for you over and over again." WE ALL love our childhood memories. The old games we've played, our childhood friends, everything. But that's not how it works for Lexi. Her childhood wa...