(Just play the theme song for this chapter)
Sampung taon ang nakalipas
mula ng insidente sa La Secretos
“Patty hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Diane“Mamaya na tatapusin ko lang ito.” sabi ni Patty, nagsisimula pa lang siya sa kompanyang pinapasukan pero pakiramdam niya pang limang taon na ang trabaho niya.
Isa siyang accountant sa isang maliit na kompanya. At dahil hindi kaya ng kompanya ang magdagdag ng tauhan kaya heto siya pang limang tao ang ginagawa niya. Isa silang accounting firm, at may mga in out transactions sila.
“Baka yumaman ka niyan.” sabi ni Diane.
“Sana nga.” nakangiting sabi ni Patty, matanda sa kanya ng tatlong taon si Diane at nauna ito sa kanya sa kompanya.
“Hahaha,sige mauna na ako.” sabi ni Diane.
Pagkaalis ni Diane, pinagmasdan ni Patty ang opisina, maliit lamang iyon na may limang office desk at may mahabang mesa sa gitna kung saan sila nagmimiting, masikip nga ang lugar sa kanila lalo pa’t marami ring transaction ang kompanya at kliyente.
Kung tutuusin binalak niya magtrabaho sa mas malaking kompanya kaso iniiwasan niya ang dating nobyo. Naisipan niya kung sa maliit na kompanya lang siya papasok hindi niya ito makikita.
Ilang oras din siya nasa opisina araw-araw minsan nga thank you lang ang overtime nila. Tinapos niya ang trabaho sa araw na iyon.
Alas nueve na ng gabi ng maisipan niyang umuwi. Nasa Maynila siya kaya doble ingat siya dahil alam niyang delikado sa Metro Manila....
Inayos niya ang gamit at tsinek lahat ng pinto at bintana. Nasa ikalawang palapag lamang ang opisina nila ng lumang building na iyon sa Manila kung saan palengke ang bubungad sayo paglabas ng building.
“Haist natapos din. Nakakapagod din iyon. Magkakakulani ang kili kili ko sa maghapong kaka-gawa ng ledger at kakabalanse.” sabi ni Patty sa sarili.
Tiningnan niya ang paligid, at dahil palengke ang nabungaran napangiwi siya sa amoy ng mga malalansang isda at laman loob ng baboy, baka at manok.
“Hay naku Patty polluted na ang utak mo buti nakaka pag-isip ka pa.” sabi ni Patty. Napagdesisyunan nitong maglakad na lamang papuntang sakayan ng jeep kaysa mag tricycle. Makakatipid pa siya.
At dahil nasa Manila siya nakuha niyang magrenta ng bed spacer isang sakay mula sa opisina...
“Langya, mukhang may sumusunod na naman.” bulong ni Patty sa sarili, ng maramdaman may anino na naman siyang nakita sa gilid ng eskinita na waring nakamanman sa kanya.
Ilan taon na rin siyang sinusundan nito, kahit sa mga ojt niya naroroon ito. Panatag naman siya dahil hindi naman siya nito ginagalaw. Nakailang ojt at work na rin siya para iwasan ito pero laging naririyan ang anino.
BINABASA MO ANG
Stalker of my Heart - Lukaz and Patty (COMPLETED) NJOL#3
Любовные романыKanina pa may sumusunod kay Patty mula sa opisinang pinag tatarabahuan, halos dalawang oras na siyang paikot-ikot at sigurado niyang siya ang sinusundan ng lalaking naka-itim. Ilang sandali lang bigla na naman itong nag-laho. Ilang kompanya na rin...