Kanina pa may sumusunod kay Patty mula sa opisinang pinag tatarabahuan, halos dalawang oras na siyang paikot-ikot at sigurado niyang siya ang sinusundan ng lalaking naka-itim. Ilang sandali lang bigla na naman itong nag-laho.
Ilang kompanya na rin...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Papa, saan ka pupunta?" tanong ng pitong taong gulang na si Patty.
"Hayaan mo ang papa mo,kung gusto niya sumama sa babae niya?" sabi ng mama ni Patty.
"Pa, huwag mo ako iiwan." umiiyak na sabi ni Patty.
Binalikan ito ng kanya ama .....
"Babalikan ko lang ang tunay kong pamilya. Sorry sila ang mahal ko." naguguluhang sabi ng kanya ama.
"Papaaaa......" sigaw na umiiyak na si Patty.
"Pumasok ka na sa loob. Hindi na siya babalik. Tulad ng iba pare-pareho lang silang lahat." sabi ng mama ni Patty hinila siya nito papasok ng bahay.
"Mama, totoo ba ang narinig ko. Hindi tayo ang totoong pamilya ni papa?" tanong ni Patty.
"Oo, may totoo siyang pamilya at may anak siya sa babaeng iyon. Pero huwag kang mag-alala magiging miserable din ang buhay niya at ng anak niya." umiiyak na sabi ng mama ni Patty.
"Ma, gusto ko malaman kung sino ang kapatid ko?" kahit na masama ang loob ni Patty nakuha niya pa rin sabihin iyon.
"Hindi mo siya kikilalanin na kapatid at hindi mo siya puwedeng makilala o ituring na kapatid o kaibigan, dahil kaagaw natin siya sa papa mo." ito ang huling sinabi ng mama niya tungkol sa papa niya at ang pamilya nito.
"Pare-pareho lang ang mga lalaki anak, aanakan ka lang nila. O di naman kaya ibabahay para ikama. The worst ibabahay ka niya tapos may ibabahay din siyang iba." umiiyak na sabi ng kanyang ina...
"Mama." umiiyak na sabi ni Patty at niyakap nito ang ina.