(Just play the theme song for this chapter)
La Secretos
"Ito ang buhay single, gumala at mag saya." sabi ni Patty ng makapasok na sila ng La Secretos.
"Siempre mas masaya kung may ka-date tayo, kaya bibigyan ko kayo."nakangiting sabi ni Ella.
"Sino naman iyan?" tanong ni Patty, naalala niya ng bigyan siya ng ka-date ni Ella na si Dale, hinatak ito palabas ng Franxie ng mga tauhan ni LJ.
"Tapos na tayo sa kambal, ngayon dito naman tau sa Greek God... meet Artemis and Apollo." nakangising sabi ni Ella kay Patty.
"Hahahahaha, kalokohan mo talaga." sabi ni Arthur kay Ella, nalaman niya mula kay Tiffany ng magdala si Ella ng kambal sa Franxie na magkaiba lang ng kulay ng mata at heto ngayon Greek god names naman.
"Huwag ka tumawa, meron ka rin. Dahil hindi ka priority ni Joyce, ito sayo si Venus." natatawang sabi ni Ella kay Arthur na lalo ikinatawa ni Arthur.
"Okay na iyan. Simulan na natin ang gabi." sabi ni Patty at hinila na nito si Artemis, na nakilala daw ni Ella sa isa ring bar na napuntahan nito.
"Patty, hinay hinay sa alak ha baka sa langit ka makarating," sabi ni Ella bago ito humiwalay kay Arthur at Patty.
"Loka ka talaga," natatawang sabi ni Patty kay Ella.
"Hi," sabi ni Artemis kay Patty.
Tiningnan ni Patty ang lalaki, magaling talaga pumili si Ella ng ka-date. Madalas siya nitong bigyan ng ka-date at hindi pa siya nabibigo sa mga ibinibigay ng kaibigan. Bukod sa may dating at guwapo, matangkad ito na siya niyang gusto may mata rin itong nakakaakit.
"Hi. Matagal na kayo magkakilala ni Ella?" tanong ni Patty.
"Two months pa lang. Nakilala namin siya ni Apollo sa isang bar." sabi ni Artemis.
"Ahhh, buti hindi kayo nag-away ni Apollo nung nakilala niyo si Ella." birong sabi ni Patty, nasa dance floor sila ng mga oras na iyon at nagsasayaw ni Apollo.
"Hindi naman, nauna siya nakita ni Apollo. Pero suwerte ko pa rin kasi may maganda pala siyang kaibigan." nakangiting sabi ni Artemis na nagpakilig kay Patty.
"Ang cute mo kapag ngumingiti." sabi ni Patty.
"Haahahaha, ikaw din ang ganda mo. Sana makasama kita uli after ng gabing ito." sabi ni Artemis.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" nakangiting sabi ni Patty.
"Sabi mo iyan ha." sabi ni Artemis na nginitian ni Patty.
"May boyfriend ka na ba?" tanong ni Artemis.
"Wala pa, ikaw may girlfriend ka na?" tanong ni Patty.
BINABASA MO ANG
Stalker of my Heart - Lukaz and Patty (COMPLETED) NJOL#3
RomansaKanina pa may sumusunod kay Patty mula sa opisinang pinag tatarabahuan, halos dalawang oras na siyang paikot-ikot at sigurado niyang siya ang sinusundan ng lalaking naka-itim. Ilang sandali lang bigla na naman itong nag-laho. Ilang kompanya na rin...