Kabanata 5 : Rainbow

1.4K 53 9
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

"Ella saan na naman tayo pupunta?" tanong ni Patty dalawang buwan matapos ang paghuli sa kanila sa bar, nakatakas siya kay LJ ng akmang pasakay na sila ng kotse nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ella saan na naman tayo pupunta?" tanong ni Patty dalawang buwan matapos ang paghuli sa kanila sa bar, nakatakas siya kay LJ ng akmang pasakay na sila ng kotse nito.

"Makikipag-date." nakangising sabi ni Ella, matapos siyang mahuli ni Rod sa bar. Iniuwi din siya nito sa bahay nila. Kampante naman kasi siya na hindi gagalawin ni Rod dahil magagalit ang momy nito kapag nagsumbong siya. Malakas siya kay Mrs. Cheung simula pa lang ng high school sila.

"Sino naman? At saan mo na naman nakilala?" kuryusidad na tanong ni Patty.

"Siyempre sa common friends." nakangising sabi ni Ella.

"Nasaan na sila?" tanong ni Patty, nasa mall sila ng araw na iyon.

"Heto na sila." natatawang sabi ni Ella, lumapit ang dalawang lalaki.

"Huhulaan ko ang pangalan." natatawang sabi ni Patty.

"Sige ano?" nakangiting sabi ni Ella.

"Tom and Jerry." natatawang sabi ni Patty.

"Hindi, loka ka." natatawang sabi ni Ella, hinampas pa nito ang balikat ni Patty.

"Spongebob and Patrick."bulong ni Patty.

"Hindi. Huwag kang maingay nandyan na sila."natatawang sabi ni Ella.

"Hi, Ella." sabi ng lalaking matangkad, guwapo at maputi ito. Niyakap nito si Ella at hinalikan sa pisnge.

"Guys, meet my beautiful friend... Patty." nakangiting sabi ni Ella.

"Hi Patty." halos sabay na sabi ng dalawa.

"Patty meet my two boy friends. Christian and Mark." pilyang sabi ni Ella.

"Bautista?" natatawang sabi ni Patty.

"Yes, ironic di ba kapangalan namin iyong singers. But Mark and I are cousins." sabi ni Christian.

"Okay." pinipigilan tumawa ni Patty sa kalokohan ni Ella.

"Mark doon ka na kay Patty." sabi ni Ella at inakbayan ito ni Christian.

"Saan tayo?" sabi ni Patty na kinurot ng palihim si Ella.

"Kahit saan, huwag lang sa langit." natatawang sabi ni Ella.

"Manood na lang tayo ng sine." sabi ni Christian na sinulyapan si Mark.

"Sure, why not?" sabi ni Ella at kinindatan nito si Patty.

"Langya ka Ella, madilim dun." bulong na sabi ni Patty kay Ella.

"Madilim lang dun pero hindi iyon langit." natatawang bulong na sabi ni Ella kay Patty.

Stalker of my Heart - Lukaz and Patty (COMPLETED) NJOL#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon